Javier's POV
"Namiss ka ni kuya" niyakap ko si Sabrina ng mahigpit. Yakap na matagal ko nang gusto ipadama sa ilang araw na nawalay siya "Ilang araw kitang hinanap bakit ka ba kasi nawala malungkot tuloy si kuya kasi ilang araw nawala ang princess niya."
Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pingsi at hinalikan ang kaniyang noo. Si Sabrina nga dahil memorize ko ang hulma ng kaniyang mukha "I miss you my princess di mo alam kung gaano ka happy si kuya na bumalik kana. Inalagaan mo ba sarili mo ang payat payat mo na hindi na ikaw ang baby chuby ko"
"Kiss mo si kuya dali kasi na miss ko yung unlimited kisses mo" ipinikit ko ang aking mga mata at binuka ang aking mga braso at naghintay na dumampi ang mahigpit na yakap at halik ni Sabrina saakin "Kuya is waiting baby"
"Dali na Sabrina naghihintay si kuyaa..."
"Sige na Sabrina kuya is waiting oh"
"S-sige na S-sabrina..."
Unti unting bumuo ang mga luha sa aking mga mata ng wala akong natanggap na yakap at halik. Nanghina ang aking mga kamay at katawan at bumagsak ang aking tuhod sa malamig na sahig ng morgue. Bakit Sabrina? Bakit kailangan mo pang pagdaanan to? Sabi ko poprotektahan kita kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat di ka lang masaktan.
"S-sabrina bumangon kana, bumangon kana please" niyakap ko ang malamig na katawan ng kapatid ko. Hindi parin ako makapaniwala na wala ka na. Hindi ko kakayanin na wala ka.
Sana ako nalang, ako nalang wala akong kwenta di man lang kita naprotektahan. Sobrang pagpapahirap ang ginawa sayo sabrina sobra sobra.
Hindi ko matatanggap ang nangyari sayo Sabrina
Sobrang sakit saakin isipin ang mga dinananas mo sa iyong huling hininga na dapat man lang ay naprotektahan kita. Bangon kana Sabrina, bangon kana para kay kuya.
"A-anak" tawag saakin ni mama at hinawakan ang balikat ko na nagpalingon saakin sa kaniya. Niyakap niya ako at sinabayan sa aking paghagulgol "bakit ma? B-bakit si Sabrina pa"
Patuloy ang daloy ng mga luha ko na animoy ilog na hindi matigil sa pagdaloy. Singbilis ng aking paghinga ang tibok ng aking pusong puno ng galit at pangungulila.
Tanging hagulgol at sigaw ang naririnig sa apat na sulok ng malamig na silid. Hagulgol ng pangungulila at pagkadismaya
"Sinong gumawa sayo nito. Sino?!" Ako'y napatayo at napasabunot sa aking buhok. Para akong masisiraan ng bait sa sobrang pagdadalmhati na aking naramdaman ay kulang nalang halos masira at matapon ko na ang lahat ng bagay sa kwartong to.
Gusto kung kumawala, gustong kumawala ng galit ko niyakap ako ni mama at pinakalma. Ano ng gagawin ko kung wala kana Sabrina? Hindi ka pa patay buhay ka pa at nararamdaman ko yon.
Ito ba ang nais mo Hiraya? Kung totoo kaman bakit mo ginagawa saamin to? Bakit mo ako pilit ibinabalik sa panahon mo? Ano bang gusto mo? Ano ba ang gusto mong ipakita?
Ilang buhay pa ang masasayang para sayo? Ilang puso pa ang mawawasak sa kagagawan mo? Kung totoo kaman handa ko isangla ang kaluluwa ko sa demonyo para sa kapatid ko. Hindi na ako natatakot sayo, magkamatayan man.
Gagawin ko ang lahat makuha lang ang hustisya sa pagkamatay mo, gagawin ko ang lahat kamatayan man ang kabayaran.
Napahawak ako kay mama ng biglang parang umikot ang mundo ko. Sumisisikip ang aking dibdib at nahihirapan ako huminga. Patuloy na umiikot ang aking paligid na parang ako lang ang nakakaramdam. Napahawak ako sa noo ko para akong nasusuka at nahihilo sa pag ikot unti unting dumilim ang paligid ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim at uni unti na nga nawawala ang pag ikot ng paligid na aking nararamdaman.
Iminulat ko ang aking mata ng maliit na laman na pag ikot ang aking nadarama. Saan nanaman ako?
Inikot ko pa ang aking paningin nasa maliit na kwarto ako puno ng sako ng bigas. Puno ng kagamitan sa pagsasaka, mainit, mabaho, at nakakasulasok. Anong klaseng lugar to? Bumalik nanaman ba ako? Nasa bodega yata ako.
Akmang hahakbang na ako palabas ng may marinig akong humihikbi "w-wag po parang awa mo na" hikbi na puno ng takot at galit. Aking sinundan ang boses ngunit patungo ito sa madilim na parte ng silid. Patuloy ang kaniyang paghikbi at pag mamakaawa. Ano ba talagang nangyayari? Humakbang pa ako papalapit at inobserbahan ang pangyayari.
Nakita ng aking mga mata ang likod ng isang matipunong lalaki nakahubad ito at sa harap nito ang nakahubad rin na babae. Kasalukuyang pinapantasya ng lalaki ang leeg ng hubo't hubad na babae habang nagpupumiglas ito. Nagmamakaawang huwag kunin ang dangal at dignidad nito.
Ako'y natigilan hindi ko akalaing makaka witness ako ng isang rape. Ginagahasa at inaabuso niya ang babae. Napako ako sa aking kinatatayuan habang lumalakas ang pag hikbi ng babae "Subukan mo pang pumiglas alam mo na ang mangyayari sa pamilya mo"
Patuloy na umagos ang mga luha sa mata ng babae at tinakpan ng lalaki ang kaniyang bibig. Pamilyar ang bosses ng lalaki, boses ng isang makapangyarihang tao na nagbabanta sa walang kamuwang muwang at inosenteng babae.
"T-tulongan mo a-ako"
Namanhid ang buong katawan ko ng aking mapagtanto na saakin nakatingin ang babae.
Hiraya?
"Parang awa mo na tulongan mo ako"
Nakikita niya ako?
Napasigaw si Hiraya sa patuloy na panghahalay ng lalaki. Gulong gulo ako sa isipan ko kung ano ba talaga nangyayari. Bakit kailangan ko pa masilayan to? Bakit kailangan pang ipakita saakin. Habang pabilis ng pabilis ang galaw ng rapist ay pabilis na pabilis rin ang pag hikbi at paghingi ng tulong ni Hiraya.
Bakit ako nakatayo lang? Dapat may gawin ako pero hindi ako makagalaw sa kintatayuan ko, para akong napako sa gulat at naguguluhan sa pangyayari. Ni isang daliri ko hindi ko magalaw, ni isang salita walang lumalabas sa bibig ko.
Ang kaninang pag hikbi ni Hiraya ay napalitan ng hagulgol ng mas bumilis ang pag galaw ng lalaki. Nakatingin lang si Hiraya saakin habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa kaniyang mga mata.
Ang kaniyang mga titig ay nagpapahiwatig ng mensahe, menshaeng nais niya ipahiwatig na hindi ko maintindihan mensaheng hindi ko ma wari. Nakaawa puno ng pasa at galos ang nagkalat sa kaniyang braso at paa, nakakulong ang kaniyang dalawang kamay, puro punit ang kaniyang uniporme.
Nais ko magbitiw ng isang sigaw at labanan ang umaabuso sa kaniya ngunit hindi ko magawa at huli na ako. Tuluyan ng natapos ang panghahalay sa kaniya. Agad siya binitawan ng lalaki at nahulog naman ito sa sahig nanghihina at nanginginig ang buong katawan.
Itinaas ng lalaki ang kaniyang suot pang ibaba at inayos a ang kaniyang sinturon "walang makakalabas nito maliwanag? Wala kang pagsasabihan o pagsusumbongan. Malaman ko lang na ikinakalat mo ito alam mo na kung anong kaya kong gawin maliwanag?" pinagpag na nito ang kaniyang damit at tinapon ang malaking halaga na pera kay Hiraya na kasalukuyan paring nanginginig at humihikbi sa sahig.
Tumalikod na ang lalaki sa kaniya kung kaya't mas nasilayan ko ang kaniyang mukha. Nanghina ang aking mga tuhod ng masilayan ko kung sino ang gumagahasa sa kaniya. Kaya ba gumaganti si Hiraya dahil dito? Nanglumo ako ng makita ko ang gumagahasa kay Hiraya ay si Don Mariano...

BINABASA MO ANG
The Curse Of Hiraya
Mistério / SuspenseNoong 1957, nabalot ng matinding takot ang dating payapang barrio ng Las Escudos matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga batang may edad 8-9 taon. Matagal itong nanahimik matapos ang madugong yugto na kumitil ng maraming buhay sa bawat kalsada n...