Javiear's POV
"Hiraya kanina pa kita hinahanap kukunan na daw tayo ng litrato." ani ng isang babae sa isang babaeng naka upo sa tapat ko. Agad naman nito isinirado ng libro at agad na sumunod "nako aral ka pa ng aral diyan eh hanggat mamatay tayo kasambahay pa rin tayo ng mga Alonso no"
Tuluyan ng nakalabas ang dalawa at doon ko lang narealize na nandito nanaman ako. Paano? Paano ako nakabalik dito. Pilit ko kinukurot ang aking sarili upang magising kaso sakit lang ang aking natamo.
Sabi nila pag ikaw daw ay nananaginip pag tumingin ka sa baba ay hindi mo makikita ang ilong mo. Tumingin ako sa baba ngunit tanging mataas ko lamang na ilong ang aking nakita. Totoo na ba to? Nag ta time travel ba talaga ako?
Napakamot ako sa aking ulo at sinundan ko sila palabas at nakita kong nasa dulo na sila ng hallway at lumiko sa kanan. Gulong gulo man sa mga pangyayari ay binilisan ko ang aking mga hakbang at pagka liko ko sa kanan at bumungad sa akin ang mga iba't ibang tao na nakasuot ng kani kanilang uniporme. Bumungad saakin ang napaka eleganteng sala na pamilyar saakin. Inalala ko ang libong aking tinitingnan kanina ito yung background sa family portrait ng mga Alonso at ng iba't ibang trabahador ngayon ata nila yon kukunan.
Elegante rin naman yung sala ng mansion ngayon pero iba ang pagka elegante dito. Rich vintage aesthetic vibes ang dating.
Nakalinya ang mga lalaki sa harap ng isang lumang kamera. Isa sa mga kalalakihan ay pamilyar saakin tiningnan ko ito ng mabuti at si Mang Tonyo nga nung kabataan niya. Masculado pa ito at may angking kagwapuhan rin. Kasama ang ibang drivers ay naghanda na sila upang kunan ng litrato. Sumenyas na ang photographer at nagbilang na.
"Saan ka galing kagabi?" napalingon ako sa likod ko at aking nakita si Dona Estrella na kasalukuyang inaayos ang kwelyo ni Don Mariano "Bakit matagal ka bago bumalik saating silid?"
"Lumanghap lang ng sariwang hangin" tipid na sagot ni Don Mariano, LQ ata sila. Hinila ni Dona Estrella ang kwelyo ng Don upang mailapit ang kaniyang bibig sa tenga nito "Siguraduhin mo lang na hangin ang iyong nilanghap na sariwa." Humiwalay na ang Dona at agad naman umalis para asikasuhin ang anak nila na si Tito Gabriel.
Grabe napaka elegante talaga ng Don at Dona pag dating sa pananamit, tindig, galaw, at salita pawang kahit sino man ay takot makalaban ang dalawa.
Natapos na ang mga drayber kung kaya't pumwesto na rin ang mga kasambahay. Habang naghahanda ang mga kasambahay ay pumwesto ang Don sa likod ng kamera at gumuhit ang ngiti nito sa kaniyang labi.
Pero teka bakit pawang sa iisang dereksyon lang nakapako ang tingin ng Don. Sinundan ko ang dereksyon ng kaniyang mga mata at di nga ako nagkamali. Nakatingin siya kay Hiraya na kasalukuyang nag aayos ng kaniyang sarili. Napatingin ako kay Dona Estrella at umirap ito sa Don. hmmmm fishy
May gusto siya kay Hiraya? Kabit ng Pamilya si Hiraya? Hindi impossible dahil si Hiraya ang pinakamaganda at pinakabata sa mga kasambahay. Makinis at maputi ang kaniyang balat, mapupungay ang mga mata, at mapula ang labi.
Eto ba ang dahilan bakit siya pumapatay at pinatay si tito Gabriel upang maging Dona? Pero kung babase ka sa sa itsura ni Hiraya para itong napaka inosente na kung saan kontento na sa bagay at masaya na kung ano meron siya.
Napatingin ako sa gawi ni Hiraya ngunit ni isang tingin lang man wala itong ibinato sa Don. Baka wala siyang gusto sa Don?
Nakangiti ito habang nakatingin sa ibang direksyon. Akin itong sinundan at meron in isang lalaking nakatingin at nakangiti sa kaniya
"Sir Javier"
Napaangat ang aking ulo sa boses na tumawag sa pangalan ko. Nakatulog ba ako? Tumingin ako sa paligid at nasa library ako. Nakaupo sa silya habang bukas parin ang librong tinitingnan ko kanina. Nakabalik na ata ako, napakamot ako sa ulo ko dahil gulong gulo na sa mga nangyayari. Bakit pa pabalik balik ako sa panahon na yon o panaginip lang talaga at nasisiraan na ako ng bait?
"Kanina ko pa kayo hinahanap sir" Sambit ni Mang Tonyo habang hinihingal pa. Malayo na ang itsura ni Mang Tonyo sa kasalukuyan. Marami na itong wrinkles at nawala na rin ang tindig at masculadong porma niya dala na rin ng katandaan "Kanina pa kayo ipinapahanap ni Councilor at ni maam"
"Nako pasensya ka na Mang Tonyo at naabala pa kita. Nakatulog po ata ako bakit daw?" Huminga muna itong malalim bago nagsalita. Balisa ito at hindi mapakali halatang galing sa pagtatakbo.
"Nasa sala niyo ngayon ang mga kapulisan ng Las Escudos. May balita na daw kay maam sabrina" Saglit napatigil ang tibok ng puso ko. Iba ang kutob ko dito.

BINABASA MO ANG
The Curse Of Hiraya
Misterio / SuspensoNoong 1957, nabalot ng matinding takot ang dating payapang barrio ng Las Escudos matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga batang may edad 8-9 taon. Matagal itong nanahimik matapos ang madugong yugto na kumitil ng maraming buhay sa bawat kalsada n...