Kabanata 11

531 27 0
                                    

" Color red as a sign of love. Color blue as for a sign of peace and color yellow as a sign of friendship. Ibigay niyo ang mga iyon sa inyong mga
napupusuan. It will serve as your time to tell them what you are grateful for them as well as your symbol of your love towards them. " rinig kong sabi ni Pastor.

It is our retreat week. Maraming inihanda ang academy at ang student council na activities for this year kaya na e-excite ang lahat.

Gabi na ngayon at isa ako sa mga volunteer na mag aasikaso ng foods and all for the students after the activity kaya nandito ako sa pinaka likod along with the other volunteers. Inabutan na rin ako ng class representative namin ng mga color strips na ibibigay namin sa aming mga kaibigan o sa kahit kaninong nagugustuhan naming pag bigyan like what have Pastor said.

Malamig ang simoy ng hanging ngayong gabi at pawang maingay pero hindi sa nakakairitang paraan. Inayos ko ang suot kong pink na blazer as the cold wind rushed in. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako gayong naka puting short muli ako at plain na gray na shirt.

I tied my hair loosely, leaving some fee strands on the side bago pinanood ang lahat na mag bigayan. We have an hour to do our activity. Kung iisipin, madali lang naman mag bigay ng mga papel sa nais nating pag bigyan pero tulad ng sabi ni Pastor, hindi lahat may lakas ng loob gawin ito agad agad dahil baka nahihiya o hindi kaya nag iipon pa ng lakas ng loob kaya mahalaga ang oras sa ganitong usapin.

Pero lagi ring tatandaan na nauubos ang oras. Kaya mahalagang habang may panahon ka pa, sabihin mo na ang mga ninanais mong sabihin bago mahuli ang lahat.

Sometime in our someday we won't be having an hour to do that. So do it now.

" Mauuna na po muna ako, Ma'am. " pag papaalam ko sa teacher na naka tokang tumulong sa aming mga volunteers. Nakita ko rin ang ibang volunteers na nag pa-paalam na sa mga teacher na malapit sa kanila.

Ma'am Shai nodded and smiled. " Go, Beatrize. "

I smiled and started to walk towards the crowd to find Lia and sila Yna, Kyla, at Giselle. Since lima 'to ibibigay ko kay Gello yung isa. And as I walk, nakita ko ang student council namin na naglalakad na rin papunta para sa mga pag bibigyan nila.

Nagkatagpo ang mga mata namin ni Kairus in the midst of the crowd pero hindi rin nag tagal iyon dahil nakita ko si Lia na parating.

" May mga strips ka na, Triz? " tanong niya akin ng magkalapit na kami. Pupuntahan niya raw sana ako para tawagin at sabay kaming mag ikot.

" Yup. " sabi ko at bigay sa kanya ng color yellow at red na strips. We have five each of colors of the strips. Ngumiti siya at binigyan din ako ng dalawa.

" Love you for life, Trizzy. " she said. I chuckled.

" Love you for life, Lili. "

" Ahhh! Grabe 'yon! " napa lingon kami sa biglaang tilian na nangyari kung saan.

Agad kaming lumapit doon at nakita ang isang lalaki na nag bigay ng kulay red sa tila ba kaibigan niyang babae.

Nagkatinginan kami ni Lia bago mag tawanan.

" Sana all? " sakto naman na pag sabi niya no'n ay may lumapit sa kanyang ka same year namin from the other senior high school track. Color red iyon at bahagyang nahihiya pa ang lalaki.

Lia smiled and politely said thank you to the guy. Iniwan ko na muna sila saglit to give them privacy. At sa isang iglap, ang balak namin ni Lia na sabay na mag ikot ay nabago. Natawa ako. Mukhang matatagalan siya sa mga umaamin sa kanya ngayong gabi.

Our Night to Remember ( Saalvadera Series # 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon