MMB 26

10 0 0
                                    




Ashley park's P.O.V

"Wife ko" nanaginip ba ko? May naramdaman ako dumampi sa labi ko.

"Hmm" pag ka dilat ko ay nakita ko si tristan, Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid kung nasan kami.

"Hubby.. nasan na tayo?" Nasa stop over na ata kami.

"Nasa pangasinan na tayo wife ko, it's already 1 pm hindi kapa nag lu-lunch." Tumango naman ako, nauna naman bumaba si tristan ng sasakyan at pinag buksan nya ko.

May mga lumapit samin na limang lalake, ito siguro ang sinasabi na guard namin ngayon, MIB Sila ah men in black.

"What do you want to eat wife ko?" I don't know "ikaw na bahala hubby" tumango naman ito.

Fast forward

Naka kain naman kami ng tahimik na walang nang gugulo kaya laking pasalamat ko din. Nasa sasakyan na kami ni tristan pero ang ano ay may kasama na kami dito driver.

Pagod na ata ang boyfriend ko kaya nasa likod na kami ng sasakyan nya. "Wife ko yakap mo ko" napangiti naman ako, napaka sweet at pa baby talaga tong boyfriend ko.

Niyakap ko naman sya at yung mukha naman nya ay nilagay nya sa bandang leeg ko naramdaman ko naman ang mainit na hininga nya.

Pinakiramdaman ko si tristan at naramdaman ko ang pag bigat ng hinga nya, siguro sa sobrang pagod ay nakatulog na din sya kaagad.

Napansin ko naman ang pag tingin tingin nung driver samin ni tristan, kaya ningitian ko sya.

Umiwas naman ito ng tingin, ipinikit ko na ang mata ko pero nag salita ito. "Ah ma'am mabuti po bumalik na sa dati si boss" tumingin ako sa kanya.

"Bakit po kuya?" Bumalik sa dati? Hindi ba sya ganito nung magkakilala ulit kami?

"Hindi naman po sa ano ma'am pero simula po kasi nawala si ma'am lia ay hindi na po sya nag papakita ng emosyon." Nanikip naman ang puso ko, i know hindi naging madali sa kanya ang buhay simula nung namatay si tita lia.

"Ganun po ba" hinaplos ko naman ang buhok nya na bumabagsak sa noo nya. "Nasabi nya nga po yan about kay tita lia." Hindi naman na sumagot si kuya driver.

I forgot mag paalam kay mommy, nag aalala na siguro yun hindi pala ako nakauwi kagabi.

Kinuha ko yung phone ko sa pouch ko, nag dial ako ng number ni mom. Sino to?

Unknown number

Bilang na lang sa daliri ko ang buhay mo middle shin park or mas sabihin natin ashley park.

Kumabog naman ng mabilis ang puso ko sa nabasa ko, what the hell? Sino naman ang mag papadala ng ganito mensahe?

Hindi ko binuksan ang cellphone ko kagabi kaya sunod sunod ang notif nung nag text, dalawa sana unknown at kay mommy naman ay lima at kay cassey naman ay tatlo.

Binasa ko naman yung sa unknown number.
na

Unknown number

You should be careful nakikita ko kayo ngayon kung nasan kayo ng pinaka mamahal mong boyfriend.

Unknown number

pasabugin ko kaya ang bomb na nakatanin sa condo ni mr. lee, boooghs!! die.


"what the hell?!" napalingon ako sa malakas na sigaw ni tristan, hinablot nito ang cellphone ko.


"fuck! kailan pa to?" napaiwas naman ako ng tingin.


"ka-kahapon" mahinang sabi ko.


"stupid! bakit hindi mo sinasabi sakin? paano kung napahamak ka dahil sa hindi pag sabi nito" Malakas na boses ni tristan. Ngayon ko lang naman to binuksan yung phone ko.


"I'm sorry kung stupid ako, hindi ko naman kapit yung cellphone ko. Edi sorry kung muntik kana din mapamahak dahil sakin." walang emosyon sa boses ko habang sinasabi ko ito sa kanya.

Lumayo naman ako sa kanya, mag damag kami mag kasama kahapon kaya hindi ko ginagamit ang cellphone ko.

Kung alam ko meron yan edi sana isinabi ko na sa kanya yun. Parang nahimasmasan sya kaya kinapitan nya ko sa bewang.

Nasa salamin lang ako nakatingin kahit naririnig ko sya kinakausap ako. "Wife ko, sorry kung nasigawan kita. Natatakot ako na baka mawala ka sakin." Stupid ha? Lasapin mo ang hangin!

Hindi ko parin sya nililingon at isinandal ko ang ulo ko sa head ng upuan, until now ay nasa labas lang ang tingin ko.

"Wifey? I love you, I'm just.. scared dahil pag ka mulat ng mata ko ayun agad ang nakita ko."

I don't want to talk to him, kaya pumikit na lang ako narinig ko naman ang pag buntong hininga nya at naramdaman ko ang pag yakap nya sakin.

Naramdaman ko din ang mukha nya sa leeg ko, kinapitan nya din ang kamay ko kaya tinanggal ko yun.

Dinadampi dampi nya ang labi nya sa leeg ko kaya naman ini-usog ko ang leeg ko paalis sa kanya.

"Hon, pansinin mo naman ako ayoko galit ka sakin, hindi ako napapakali" nyenye stupid pala ah? Bahala ka dyan

Matutulog na lang ako kesa umiyak lang ako sa harapan mo.

>>>>>><<<<<<

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid, napaupo naman ako agad at naalala ko na nandito nga pala kami sa lola nya.

Napahawak ako sa ulo ko nung makaramdam ako ng kirot, anong oras na ba? Lumingon ako sa table dito sa gilid.

8 pm palang ang haba din pala ng tinulog ko, may papel na maliit sa pinag kuhaan ko ng cellphone.

"I'm sorry i hurt you again, wifey lumabas ka dyan sa kwarto at sundan mo yung mga petals ng roses."

I need oxygen hindi talaga nawawalan ng ka sweet-an ang boyfriend ko! Bumaba na ko sa kama at pag ka tingin ko ay may roses.

Nanginginig ko ito kinuha at may nakita ako naka pulupot sa tangkay ng rose's, "i love you wife ko, careful pakakasalan pa kita :*"

Seriously? Tumawa naman ako ng malakas dahil sa emoticon na nakalagay sa sulat nya napahawak naman ako sa pisngi ko dahil pakiramdam ko nasusunog na ito sa sobrang kilig ko sa pakana nitong boyfriend ko.

May nakita ako box sa ibabaw ng side table wala naman ito laman kaya dadalhin ko na lang ito para sa mga petal's.

Pagkabukas ko sa pinto ng kwarto nakita ko ang mga nag kalat na petal's, i feel bad para sa mag lilinis nito.

But i want to keep them, lahat ng nadadaanan ko na petal's ay dinadampot ko kaya naman siguro siyam-siyam bago ako nakababa ng hagdan.

Nakita ko naman na papunta ito sa garden, pagkatapos ko makuha ang lahat na petal's sa sahig ay dahan dahan ako lumabas sa garden.

I feel so loved because of him, he's full of surprises.

Napansin ko naman ang mga dim light na nakashape na FORGIVE ME WIFE.

Napaluha ako ng mapansin ang isa pa naka shape na ilaw.

CAN YOU BE MY GIRLFRIEND AND SOON TO BE MY WIFE.

My mafia boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon