Ashley P.O.V
May pumitik naman sa noo ko kaya nagulat ako at natabig ko ang baso.
Sa pag ka gulat ko ay dinampot ko din ito agad nasugatan naman ako sa hintuturo ko. "Aww.."
"Shit! Are you okay?" Kinuha naman agad ni tristan ang daliri ko at humingi ng first aid kit.
Kinapitan ko naman sya sa pisngi "hubby im okay wag ka mag panic okay? Hindi naman to malalim" hindi naman nawala ang pag kakunot ng noo nito kaya hinaplos ko yun.
"Careful wife, masakit pa ba?" Umiling naman ako, inabot na kay tristan ang first aid kit.
Umupo naman sya at hinila nya ko paupo sa lap nya, seriously mag lilinis lang ng sugat yan eh, pilyo talaga eh.
Pinipigilan ko naman matawa sa kanya dahil akala mo naaksidente ako ng malala dahil seryosong seryoso sya mag gamot.
"Ang pogi mo naman." Mahinang sabi ko natawa naman sya at bigla ako hinalikan sa labi.
"I know kaya nga mahal mo eh." Humalik pa ulit sa labi ko.
"Sus, hindi kaya." Sinamaan naman nya ko ng tingin, pikon talaga eh kahit kailan.
Tumawa naman ako ng malakas at pinanggigilan ang pisngi nya, namula tuloy para syang bata paiyak na.
Mafia boss ba talaga to? Tumigil naman ako pag tawa. "Uyy sweet pala si boss?" Boses ni prince yun ah.
Napalingon naman ako sa gilid at nakita ko ang mga kaibigan ni tristan. "what are you doing here?" Masungit na tanong ni tristan.
Dali dali naman ako tumayo dahil kita ko ang mga ngisian nung mag kakaibigan, nakarinig naman ako pagkasa ng baril at mga pag sipol nila.
"Prince dadalawin kana lang namin sa lamay mo." Sabi naman ni james at tinapik pa sa balikat si prince.
"Ako na bahala sa biscuit mo." Natatawang sabi ni jm.
"Ako na sa kape pre." Sabi naman ni jc. Mag pinsan nga tong dalawa lakas din mang asar eh.
"Bigyan na lang kita ng chix pare sa lamay mo." Gatong naman ni mark.
Buti nakakayanan ni tristan kasama ang lima na to, sasakit sa ulo.
May narinig ako nag paputok ng baril kaya naman nag takbuhan ang lima paalis. May pahabol pang sigaw "boss sorry na! Ang sweet mo kaya!" Sigaw pa ni james.
Kaya naman nakita ko ang pag takbo ni tristan palapit sa lima. Kanya kanya na sila tago kung saan sila hindi makikita ni tristan.
Ang anim na yun ay akala mo mga bata eh, lumapit na sakin si tristan ng nakasimangot may nabaril kaya sya?
Charot grabeng utak to! "Hubby pawis kana oh." May panyo naman ako kaya pinunasan ko sya.
Walang sabi sabi na hinila ako ni tristan sa kamay at mukhang papasok na kami. "I'm tired wife, let's take a rest." Kagigising ko lang.
Pero baka pagod na talaga sya, tumango naman ako saan nga pala ako matutulog. Hindi naman kami nag tatabi matulog nito.
"Hmm hubby saan ako matutulog?"
"In my room." At binuksan na nya ang pintuan ng kwarto nya.
"Ha?" Pumunta naman si tristan sa walk-in closet at lumabas sya nakasuot na sando na lang ay may dala syang isang tshirt na puti.
BINABASA MO ANG
My mafia boyfriend
RomanceMy mafia boyfriend Hindi ako mahilig sa mga gangters pero Kung yung magiging boyfriend ko ay mafia pa gosh!!