MMB 35

18 1 0
                                    

Ashley POV

"Love." Agaw pansin ko dito dahil napansin ko ang pag lingon niya ng paulit ulit sa side mirror.

Papunta na kami sa daddy niya, "hon, pumunta sa ilalim ng upuan, wag kang aalis hanggang hindi ko sinasabi okay?"

"Tawagan mo si nathan." Tumango naman ako. Pipigilan ko sana siya ng baba na siya sa kotse pero nag double lock ito.

Tinawagan ko naman si nathan ilang minuto pa bago ito sumagot, "h-hello nathan? Puntahan mo kami dito sa malapit sa school natin. May humarang kasi samin mga naka motor." Nauutal ko pa sabi.

"Hey okay lang ba kayo? Papunta na kami just relax kayang kaya ni master yan."

Kahit sinabi niya kaya ni tristan hindi ko parin maiwasan kabahan sa pwede mangyari.

Parang naninikip naman ang dibdib ko sa iniisip ko pwede mangyari kay tristan sa labas.

Nahihilo din ako dahil siguro sa kulang na tulog namin. Hanggang sa nilamon na ng dilim ang paligid ko.

NAGISING na lang ako sa puting kwarto, amoy na amoy ko ang gamot. Napalingon naman ako sa paligid ko nakita ko naman na nakayuko si tristan sa gilid ng hospital bed.

Hinaplos ko naman ang buhok niya, nagising naman ito at napatingin agad sakin nakita ko naman ang gulat sa mga mata niya.

"H-hon.. fuck gising kana." May pinindot naman ito sa taas ng hospital bed ko.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Tell me." Umiling naman ako at maliit na ngumiti sa kanya.

"Nahimatay lang ako nag alala ako sayo ng sobra, akala ko mapapahamak kana. Ilang oras pala ako nakatulog?"

"2 days to be exact hon." Napaawang naman ang labi ko "ha?"

Ghad ganun katagal? Ganun na ba kami kapagod ni tristan?.. "ang lalim na nang eyebags mo love." Mahinang sabi ko dito, hinalikan naman nito ang likod ng kamay ko.

"Hindi ko kaya matulog hanggang hindi ko nasisiguro na okay ka lang, alam mo ba grabe ang kaba ko nung nakita ko na wala kang malay sa loob ng sasakyan?"

"Akala ko may nakapasok na sa loob na hindi ko namamalayan." Dugtong pa nito hinaplos ko naman ang pisngi nito.

Pinalapit ko naman ang mukha namin at hinalikan siya ng mariin.

"I'm sorry, siguro dulot na rin ng pagod at sobrang pag aalala kaya ganun ang nangyari."
Niyakap naman ako ng mahigpit at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"I love you, pinag alala mo ko ng husto." Humiwalay naman si tristan sa yakap at nakita niya ang pag ngiti ng binatang doctor at mahigpit siya kumapit sa kamay ko.

I gentle caress his hand, lumawag naman kahit papaano ang pagkapit nito sa kamay ko, ngumiti naman ako ng maliit sa doktor nakita ko naman ang pag lunok ng binata.

"Hmm, ms. Park ang cause ng pag kahimatay mo ay sobrang pagod at stress, i suggest na iwasan ang pwede mag pakastress sayo. Btw pwede kana mag discard."

"And beside wala ka naman dextrose na dapat inuubos pwede kana makauwi."

"You can go." Masungit na sabi ni tristan kaya hinampas ko naman ng mahina ang braso nang binata.

"Love, ang sungit mo." Nakangusong sabi ko, lumingon naman ako sa doctor "thank you po doc."

Tumango naman ito at kasunod na umalis na ang nurse, napansin ko naman ang huling pag sulyap nito kay tristan.

Tinaasan ko naman kilay ang nurse nung tumingin ito sakin.

"I love you hon, antayin natin bumalik si nathan dahil pinag bayad ko sya ng bill natin. Are you sure na okay ka lang?" Hinalikan ako nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My mafia boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon