(BLOOD IS HER FAVORITE COLOR)
"gusto mo malaman kung pano?" Tanong ni Pat sa kanya sabay tingin sa likod ni Skyler."Salikod mo!" Pat said at hinila na ako palayo, kasabay nun ay ang sunod-sunod na pag putok ng baril, narinig ko pang tinawag ako ni Sky ngunit sinabihan na ako ni Patricia na huwag ng lumingon.
"MRS. SKYLER HASEGAWA DAPA!... THIS IS NBI!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki at muli nanamang nadinig sa buong lugar ang sunod-sunod na mga putok.
"Pat wait!" Napahinto ako sa pag takbo nang biglang kumirot ang tiyan ko, maselan ang aking pagbubuntis kaya konting maling galaw ko lang ay pwede ako makunan.
"I'm pregnant" mahinang sabi ko sa kanya.
Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat ngunit hindi na ito nag salita pa at agad na akong maingat na inalalayan para muling maka layo duon.
Sa likod bahay niya ako pinadaan, that place was a forest with very tall and huge trees.
Pag labas pa lang ay agad ng may sumalubong sa amin.
"Cales" magkahalong saya at pagka gulat ang aking naramdaman nang makita ko siya ulit.
"Naprocess na ng NBI ang lahat ng evidence against family Hasegawa, now kailangan ka naming mailayo agad dito, napakadelikado kung mag tatagal ka pa dito, sobrang daming tauhan ni Skyler kaya siguradong matatagalan ang mga pulis sa loob" paliwanag niya.
"She's pregnant, hindi siya pwedeng ma pwersa" paalala ni Pat sa kanya.
"Sige na sumakay na kayo sa sasakyan" utos niya.
"MORRIS!!!" Napahinto kami nang marinig namin ang isang galit na galit na tinig at pinaputukan ang gulong ng aming sasakyan.
Papuputukan pa sana ni Sky ang isa sa kanila ngunit agad na nahawakan ni Cales ang kamay niya at naputok ito sa ere.
"TAKBO!" sigaw ni Cales habang patuloy na pinipigilan si Skyler.
Kaya agad kaming kumaripas ng takbo ni Patricia habang hawak-hawak ako, ngunit isa nanamang putok ang narinig ko, and with that, ay nakita ko na lang si Pat na bumagsak sa sahig habang hawak-hawak ang isang binti niya.
While Cales still tried his best para pigilan si Skyler at hayaan kaming maka layo, pero sobrang lakas ni Sky dahil kitang-kita ko kung papaano siya makipag laban sa isang lalaki ngayon.
"Tumakbo ka na" nanghihinang utos sa akin ni Pat.
"No...sabay tayong tatakas dito" I said at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
"Bakit ba ang kulit mo!?...sabing tumakas ka na!...I can take care of myself" bulyaw nito sa akin at pilit na inaalis ang pag kaka hawak ko sa kamay niya.
"I'm not a traitor friend Pat!..You sacrificed your life many times for me...kaya hayaan mo akong maka bawi....I can't lose you Pat" I said, sabay na ding tumulo ang mga luha namin.
Tinulungan ko siyang muling maka tayo at mabilis na nag lakad papalayo habang akay-akay siya.
Pinasok namin ang isang tahimik at mapunong lugar. Ika-ika at pinipilit paring mag lakad ng kasama ko, medyo na kaka layo na din kami sa kanila kaya pinipilit ko ding magpatuloy sa pag lalakad kahit pa panay ang kirot ng tiyan ko.
Dalawang putok sa malayo ang muling umalingawngaw sa buong kagubatan, I swear na after this ay mag kakaroon na ako ng matinding trauma sa mga baril.
"Gush... I hope Cales is okay" nanghihinang bulong ng kasama ko.
BINABASA MO ANG
MY PSYCHOPATH WIFE (COMPLETED)
Romans(FREE STORY) DARK ROMANCE GENRE Love turns sinister as woman falls for a woman who seems perfect in every way-soft, caring, kind, and beautiful. She is her favorite person, showering her with affection and attention. But her world is shattered when...