CHAPTER 4

308 17 0
                                    

Shaira's POV

Woonie 5 mins

Finally! I met you yesterday Owie

20 reply • 3 retweet • 288 likes

Owie: jusko magkasama lang Tayo haha

           | Woonie: bakit ba? Hahah panira ka masyado

           | Owie: edi don't

Jungwonnn: I smell something fishy 🤫

           | HeeWon: me too 🤣

           | Woonie: magsialis nga kayo sa mention ko

            | Jungwonnn: umiiwas Ang bakla hahahah

S H A I 🔒31 mins

The Baclayon Church🥺 parang gusto ko din ikasal dito. Base sa kwento mo parang Ang Ganda lang makaranas ng Ganon.

1 reply • 0 retweet • 0 likes
|
|
|
 
S H A I 🔒 28 mins

Sa murang edad bakit sayo ko pa naranasan to? My heart beats so fast when you're around. Wala namang masama Diba? Kaso Kase bakit Ganon? Hindi pwede ehh. We both girls. And baka Ako lang Ang nakakaranas ng ganito. Baka Hindi mutual understanding at umasa lang din Ako.

0 reply • 0 retweet • 0 likes

______________________________________

The Next morning Maaga akong sinundo ni Chlowie sa Hotel. May usapan kase kami na ililubot nya ko dito sa Bohol.

Meron pa akong Isang buong araw na Kasama Sya. After this day we go back to the reality. I go back to Manila and she continue her job here

Gaya ng sa post ko. Una naming destination ay Ang Baclayon Church. Hindi ko alam na marunong palang mag drive ng kotse si Chlowie.

Ang sasakyan na gamit namin ay Ang sasakyan daw ng Bayaw nya. Hiniram nya daw para mag magamit kami sa pag lilibot. At para daw tipid sa pamasahe.

Ang dami pang mga bagay na hinangaan ko sa kanya. Knowing na kahapon lang kami nagkasama. Ang Dali Nya lang din patawanin

"Anong gagawin natin dito sa simbahan?" Tanong ko sa kanya ng huminto kami sa tapat ng Isang malaking simbahan.

"Magdarasal Muna Tayo. Panimula ba ng araw? Alam mo ba na dyan sa simbahang yan kinasal Ang parents ko? Isa ito sa mga lumang simbahan sa buong Pilipinas malapit lang din to sa work ko kaya Bago umuwi ay dumadaan talaga Ako dito para magdasal. Na renovate Naman na din to pero pinanatili nila na magmukhang luma pa rin."

"Astigg. Ikaw din ba dito mo balak magpakasal gaya ng parents mo?" Hindi mapigilang Tanong ko

"Kung papalarin. At kung gugustuhin ng magiging partner ko why not Diba?"

Naghanap kami ng bakanteng upuang at saglit na nanalangin. Habang nanalangin si Chlowie ay Hindi ko maiwasang Hindi sya titignan. Tapos Naman na Ako at Siya nalang Ang hinihintay ko.

Ang swerte ng taong mamahalin Niya. Hindi ko alam pero ng sumagi sa isip ko iyon parang may kirot sa aking dibdib. Na sana Ako nalang Yung taong yon?

Pero malabo. Crush lang Naman Ang Meron Ako sa kanya pero bakit parang lumalagpas na ko doon?

"Are you done?" Napapitlag Ako dahil sa Tanong nyang iyon. Masyado akong natulala sa kanya kaya Hindi ko namalayan na tapos na Pala sya. Nakakahiya putek.

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now