36

247 13 8
                                    

Chlowie POV

A week later...

Isang linggo. Isang linggo ng walang paramdam si Shaira sa Opisina nya.

One week missing in action na pati sa mga chat ko ay hindi sya sumasagot. We promised each other that we would face whatever happened but bakit ganito?

Pagkatapos naming mag usap ng araw na iyon kinabukasan lang ay hindi na kami nagkita pa. Nagpapa alam naman sya and sino ba naman ako para tanggihan sya Diba? Lalo na isang buwan silang Hindi nagkita ng BEST FRIEND nya.

Ayoko ng gulo. Pero gustong gusto ko na syang sumbatan. Silang dalawa. Pero masyado kong mahal si Shaira para pagsalitaan nya. Na ako nanaman ang maging dahilan kung bakit masasaktan nanaman sya sa mga salita ko.

Alam kong marami pang problema ang darating sa aming dalawa. Lalo na mag dadalawang buwan palang ang relasyon namin.

Hindi ko rin sya pwedeng pagbawalan na makipagkita sa best friend nya. Ayokong maging selfish pagdating sa kanya. Pero masakit pala talaga ano?

Seeing your love na masaya kasama ang iba. Worst ay best friend nya pa. Ano ba namang panlaban ko doon diba?

"Bakit parang problemadong problemado ka?" Tanong ng best friend kong si Mandy.

Simula kase ng hindi na nagreply si Sha sa mga chat ko ay nagpaalam muna ko kay tito na sa CMJL muna ko maglalagi. Buti nalang at malapit na ang Event kaya may naidahilan ako para hindi pumasok.

Everyday naghihintay ako ng update mula sa kanya. Nakaka ilang missed call na rin ako pero laging walang response at lagi ding out of coverage.

Nagtanong din naman ako kay tito kung nasaan na sya. Ang huling balita nya din ay kasama nga nya si Andie at nag hiking daw Sila.

Same lang ng pinaalam nya sa akin. Nag aalala ako syempre kase baka kung ano nang nagyari sa kanila doon. Gusto ko man syang sundan pero nakalimutan kong itanong kung saang bundok sila pupunta.

Kung kailan kailangang kailangan ko sya doon sya nawala. Dapat sya itong nagpapalakas ng loob sa akin dahil malapit na ang event pero wala sya dito.

"Huy! Uyab anyare sayo!?"

"H-huh?" Nauutal ko pang tanong.

"Ay nako! Kanina pa ko dada ng dada dito hindi ka naman pala nakikinig?"

"Sorry may iniisip lang."

"Mag iisang linggo ka ng ganyan"

"Sorry"

"Pati sa work hindi ka na din makapag focus. Magpahinga ka nalang kaya muna?"

"No, sorry about what happened to me these past few days."

"Ano bang problema? Nag away ba kayo ni Sha?"

"Hindi wala lang to"

"Sure ka ah? Masakit? Wala bang masakit sayo? Sabihin mo sa akin agad. Baka kase may malala ka na palang sakit tapos hindi mo sinasabi sa akin Hanggang sa mawala ka nalang bigla sa mundo" aniya pa sabay katok ng tatlong beses sa may wood ng chair na inuupuan nya.

Dahil doon ay napangiti ako ng bahagya.

"Sira hindi, wala akong sakit. Kakabasa mo yan ng AU sa Twitter ehh pati sa totoong buhay dinadala mo"

"Epekto ng isang buwan mag isa sa Japan. Yan ganyan dapat. Ngiti lang. Sabi nga ni Mr. Gary V sa isang kanta nya diba? Huwag mong kalimutang ngumiti"

Lalo pa kong napangiti ng talagang kumanta pa sya sa boses ni Mr. Gary V.

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now