38

254 15 11
                                    

Chlowie's POV

"Oww shoot. Parang bibiyakin na ang ulo ko."

"Talagang mabibiyak ko pa yan kapag uminom ka pa ulit mag isa."

Napapitlag ako ng marinig ko ang boses ni Mandy sa loob ng kwarto ko. Prente syang naka upo sa may gaming chair ko. Nakapatong pa ang mga paa nya sa may lamesa habang nagbabasa ng libro.

I'll check the clock beside me and it's already 10:27 am. Napa isip ako kung bakit sya nandito. Oo nga pala at naka inom ako kagabi at tinawagan nya ko.

"Umuwi na ba si Shaira?" Yun agad ang natanong ko sa kanya ng bumalik na ang alaala ko.

"Hindi. Now pwede mo na bang sabihin sa akin lahat?"

Nakaramdam ako ng pananakit sa may gilid ng labi ko kaya naman tinignan ko ito gamit ang screen ng phone ko.

"Fuck, anyare sa mukha ko?"

Tinignan naman nya ko at sinuri ang namumulang labi ko.

"Yan ba? Sinapak ko"

"What!?"

"Hindi kase kita mapatahan kagabi. Kung ano ano sinasabi mo na hindi ko naman maintindihan. Ilang beses din kitang inawat sa pag inom ng alak pero hindi mo ko sunusunod. Naaawa ako sayo Chlowie and ayokong nakikita ka na nasa ganong sitwasyon. Naiinis ako kase nakita nanaman kitang malungkot. Kaya ang tanging sumagi sa utak ko ay sapakin ka para makatulog ka and I'm glad na nangyari nga. Hindi ko na inabala pa sina Jorielle dahil kapag lahat tayo wala sa company mapo- postpone nanaman ang event. Kaya ngayon katapos mong kumain at uminom ng gamot mag usap tayo. Iinitin ko lang ang food sa labas" aniya tyaka na sya tumayo at walang lingon likod na lumabas ng kwarto ko.

Ako naman ay naiwang tulala. Iniisip ang mga bagay na nangyari kagabi. Pilit kong binabalikan sa ala ala ko kung ano ba ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay.

Pero nabigo ako. Ang natatandaan ko lang ay nung dumating si Mandy dito sa condo ko at nagsimula na syang manermon. Pinigilan ko sya gamit ang mga hinanakit na mga salitang nararamdaman ko then after that hindi ko na alam ang mga nangyari.

"Kumain ka na" inilapag pa nya sa tapat ako ang pagkain sa isang tray.

"Salamat"

Habang kumakain ako ay hindi sya umiimik hindi nya ko kinakausap at inabala nya ang kanyang sarili sa kanyang binabasang libro.

Nang matapos akong kumain ay sinubukan kong tumayo para sana ako nalang ang magligpit ng pinagkainan ko pero inunahan nya ko.

"Maupo ka lang dyan ako na maglalabas. Hintayin mo ko ikukuha lang din kita ng gamot para sa sakit ng ulo"

"Salamat" yun lang din ang tanging nasabi ko.

A minute later pumasok ulit sya bitbit naman ang medicine kit ko at ang isang basong tubig.

"Kaya mo na bang ilabas yang bigat sa dibdib mo? Kung hindi pa okay lang naman. Nagwoworry lang naman ako sayo."

"Okay lang ako"

"Yan nanaman tayo sa salitang okay ehh."

"Ang hirap kase Mands. May kulang ba sakin? Hindi pa ba sapat yung love na binibigay ko sa kanya? Bakit nagawa nya sakin to? Bakit hindi na sya nagparamdam after bumalik yung best friend nya?"

"Kailan bumalik yung best friend nya?"

"I don't know. Pero bumisita sya ng office ng august 29."

"Then?"

"Kinabukasan nagpaalam lang sya na sinasama sya nun mag hiking. Ni hindi na nga nya hinintay ang reply ko ehh. Then hindi na sya nagreply. Mands bumalik ako sa time na nag ddoubt ako sa sarili ko" hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha.

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now