25

302 14 0
                                    

Shaira's POV

Sandali lang din binasa ni Owie ang mga papeles na nasa table nya dahil oras na rin. Nag bilin lang din sya sa kanyang sekretarya ng ilang mga tagubilin at niyaya na nya ko palabas ng office.

Atat na atat pa syang lumabas ng office nya.

"Where are we going?"

"I'll tour you first here, before we go to the couple office" she said.

"Sabay nating maglunch sina Jori?"

"Bakit mahal ayaw mo ba? Parang kanina lang ehh ikaw tong nangungulit sa akin. Huwag ka naman masyadong magpahalata na gusto mo po akong masolo mahal"

Matampal ko sya sa kanyang balikat dahil sa sinabi nyang iyon. Buti nalang at kami lang dalawa sa loob ng elevator ng sabihin nya yun kung hindi ay nakakahiya.

Inilibot nya ko mula 1st floor hanggang rooftop. I had so much fun sa pag ttour nya sa akin. Hindi ko naramdaman ang pagod sa paglalakad, nanuyo lang mga lalamunan namin kakasalita ng kung anu ano

Nagpahinga muna kami dito sa rooftop dahil ito na ang pinaka last stop namen.

"Bongga ahhh pati rooftop may set up?" Ani ko

Sa rooftop kase ay may mga tables and chairs na naka kalat, pwede ka ring mag picnic kase napaka lawak nito.

"Tambayan ng ibang staff to ehh kaya naisipan namin na lagyan ng ganito dito para may siling sila. Meron din  water dispenser dito kase yung iba tamad na bumaba para makainom. Wait me here"

Iniwan nya ko saglit at nagtungo sa isang pinto na wari ay stock room ay may kinuha ito doon.

Pagbalik nya ay bitbit na nya ang dalawang plastic cup na may laman na tubig

"Here, alam kong kanina ka pa uhaw dahil sa dami nating pinuntahan "

Inabot ko naman sa kanya ang hawak nya at sinenyasan syang tumabi sa akin

"Sakto lang ikaw nga tong kanina pa salita ng salita ehh"

"Uminom na din po ako. Kaya sayo yang dalawang yan wala kaseng mas malaking lagayan ehh kaya dalawa na dinala ko"

"Alam na ba nila Lindsey na nandito tayo?"

"Siguro hindi pa nakakarating sa kanila. Kasi kung Oo matic nandito na rin yung dalawang yon."

"Baka busy pa sila sa work"

"Malamang nga. Sila pa bang dalawa?"

"Hahahah grabe ka talaga sa mga kaibigan mo"

"Joke lang hahahah"

"Ang saya nyo ahhh sali nyo naman kami dyan"

Pareho kaming napalingon ni Owie sa Likod ng marinig namin si Lindsey na nagsalita

"Sabi sayo ehh. Kapag nalaman nila. Matic walang traba-trabaho" buling nya sa tenga ko

"At nagbulungan pa nga" sabi naman ni Jorielle

"Dito nanaman kayo manggugulo" wika ni Owie

"Ayyy grabe haha, nabalitaan lang namin sa sekretarya mo na nandito ka nga daw. Ng tanungin ko naman kung nasaan ka d daw nya alam" sagot ni Lindsey

"Hinatak mo na daw yang jowa mo kung saan. Buti nalang at may nakakita sa inyo na dito ang huling kita nila sa inyo. That's why here we are. Ano atin?" Turan naman ng Jori

"Wala naman. May inasikaso lang ako dito tapos nilibot ko na rin si Sha." Sagot naman ni Owie

"Sabihin mo na sa kanila mahal" tinignan lang ako ni Owie na wari'y ayaw pang sabihin kaya pinanlakihan ko sya ng mga mata.

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now