34

274 12 0
                                    

Shaira's POV

Exacty forty five Days since Chlowie and I are Officially together. When we  were back here in Manila Chlowie also surprised me with the dinner date.

Ako dapat ang gagawa ng effort sa araw na yon. Pero naunahan nanaman nya ko. I decided to have a picnic date sana. Pero nauna kaming nag dinner kaya midnight na namin nagawa yun.

We spend the whole night together. Sa ilalim ng buwan at liwanag sa kalangitan na nagmumula sa mga bituin sa langit.

Now? Balik ulit kami sa dati naming routine dito sa Manila. Halos everyday may nag aabang sa amin sa lobby ng condo namin.

Akala ko pagbalik namin dito sa Manila ay matitigil na yung pagbibigay nya ng Flowers sa akin every afternoon. Pero hindi anteh mas lalong nadagdagan pa. At kung dati ay sa office nya binibigay, yung kami lang dalawa ngayon ay hindi na. Kaya everyday may tiliang nagaganap sa training namin.

Gaya ngayong araw. Bigla nalang may kumatok dito sa training area namin. Siya ang nagbukas ng door kaya sya rin ang kumuha ng mga bitbit ng guards. Pinapasok lang ni Chlowie sa loob dahil Hindi na nito mabitbit ang ilang box ng pizza para sa mga trainees.

Grabeng tilian nanaman ng mga kabataang kasama namin dahil sa bitbit ngayon ni Chlowie na isang malaking Bouquet of Red Roses, tatlong malaking cuddberry Dairy Milk at ang isang human size rabbit na stuffed toy.

"For you Mahal" nakangiting turan nya paglapit nya sa akin

"Ayieeeee!" Sabay sabay naman na tilian ng mga kasama namin sa loob

"Thankyou, grabe ka naman mahal baka mapuno na ang condo ko sa araw araw na may pa stuffed toy ka." Wika ko sabay kuha sa kanya ang mga ito.

"Yun nga ang goal ko mahal ehh"

"Bakit naman?"

"Para lumipat ka nalang sa Condo ko haha"

"Mahal!?"

"Haha, soon Mahal. Ipagpapaalam ko muna kay tito syempre."

"Binabahay mo na ko huh?"

"Aba syempre, magiging Mrs Vergara ka na"

"Gagi ka hahaha"

"Sige, kain na muna kayo. After 30 mins balik kame." Saad nya sa mga trainees na kasama namin

"Kuha na po kayo ng inyo coach bago po namin lantakan haha"

"No need, inyo lahat yan."

"Weh!?, Hindi po namin mauubos lahat to. Para na nga po kayong bumili ng isang buong store ng pizza ehh" namamanghang wika ng isang lalaking trainee

"Mauubos nyo yan, you can share it naman sa ibang class ehh. Baka nga magkulang pa yan ehh."

"Grabe naman coach sa pagkagalante. Araw araw may ayuda din kami" sabi pa ng isa

"Reward na rin yan sa inyo. Sa patuloy na pagsusumikap nyo dito araw araw. Great job guys. Paano labas na muna kami, kayo na bahala dyan ah?"

"YES COACH!"

Lumabas na kami ng studio at dumiretcho sa office naming dalawa. Pagpasok palang namin ay tumambad na sa amin ang mga food na galing sa Shakey's. Pizza, mojos, pasta, milktea at kung anu ano pa.

"Kaya pala hindi ka kumuha sa mga nasa studio, meron din pala dito. Ang dami nyan mahal hindi natin mauubos yan"

"Sayo ata nagmana ang mga trainees natin mahal ehh. Yan din ang sinabi kanina" biro pa nya

"Totoo naman kase mahal, paano natin mauubos yan ng tayong dalawa lang."

"Mauubos yan tiwala lang."

I think i have an idea na. Baka tatawagin na rin sina ate Allane at sabay sabay kaming mag mimiryenda dito sa office. Madalas na din kase naming gawin yon ehh. Naging malalim na ang bond namin sa isa't isa kaya kapag nagyaya si Owie go agad sina ate Allane.

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now