22

309 17 0
                                    

Shaira's POV

Kinabukasan nga ay maaga akong sinundo ni Chlowie sa Condo ko. Sabay na din kaming kumain bago nagtungo sa Office.

Talagang hindi nya nakalimutang dalhin ng rubicks cube ko. Pumasok muna ko sa kwarto para kunin ang isa pang rubicks cube na Hindi ko ginagamit.

"Oh ito dalhin mo na rin." Sabi ko sabay hagis sa kanya ng rubicks cube na hawak ko. Agad naman nya itong nasalo.

"Grabe mahal baka masira"

"Hindi yan kahit hagis mo pa ng mataas"

"Try ko?"

"Sapak gusto mo?"

"Ang gandang bungad naman nyan mahal. Kung kiss nalang kaya?"

"Hoy magtigil ka ahh. May kasalanan ka pa nga sa akin ehh"

"Wala mahal. Girlfriend kita kaya pwede kong gawin ang lahat"

"Oo nga't pwede mong gawin pero huwag ka namang mambibigla."

"Nabigla ba kita?" Kunwa ay tanong nya pero alam nya naman

" oo at dahil nambibigla ka hindi ko tuloy napaghandaan. Yun pa naman first kiss ko tapos ginanon mo lang"

"Ehh?, Ako first kiss mo? Hindi ako naniniwala mahal".

"Bakit hindi ka naman naniniwala aber?"

"Kase sa ganda mong yan? Wala ka pang naging boyfriend or girlfriend?"

"Honestly? Wala. Ikaw ang first ko. Unang taong minahal, unang taong naging girlfriend at ang unang taong naka halik sa akin."

"Wow!, I didn't expect that mahal"

"Bakit? Ikaw siguro naging womanizer ka sa US no?"

"Hindi ahh. Maniwala ka man po or hindi ikaw pa lang din ang naging girlfriend ko."

"Boyfriend?"

"Girlfriend nga wala boyfriend pa kaya? Diba nga sabi ko, kaya ko ginawa lahat ng ito ay dahil sayo? Bakit ako maghahanap ng panakip butas? Bakit ko pa ginawa lahat ng yun kung hahanap lang din pala ko ng iba diba?"

"Okay sabi ko ehh" yun nalang ang tanging nasabi ko dahil sa sobrang saya.

"Tara na nga baka hindi nanaman ako makapagpigil. Baka maisipan kong huwag nalang pumasok at mag cuddle nalang tayo dito maghapon."

"Sira ulo pagagalitan tayo ni Dad"

"Kaya nga tara na po ehhh. Tuturuan mo pa ko nito diba?" Aniya sabay pakita ng dalawang rubicks cube na hawak nya.

Hinila ko nalang sya sa kanyang braso dahil kung hindi ay hahaba pa ang diskusyon naming dalawa.

Pagbaba sa lobby ay naka abang na sa amin ang mga guards ni Owie. May iba rin na nakakakilala sa amin at nagpapapicture pa.

Pinagbibigyan naman ni Owie ang mga ito kung Walang masyadong gagawin or kung hindi nagmamadali. Minsan kakausapin nya ang mga ito ng banayad na kung pwede ay sa ibang araw nalang dahil nga busy sya.

Mabuti nalang na naiintindihan naman ng mga Fans na madami itong ginagawa at hindi tulad ng ibang fans na kapag hindi napansin ng idols ay kung anu ano ang sinasabi nila about sa Idol na yun..

Saan man magpunta si Chlowie ay madaming nakasunod sa kanya. Kaya minsan ay nag didisguise talaga sya para hindi mahalata ng mga tao na sya yun.

Ngayon ko lang na experience ang ganito. Sa akin din naman actually ay Maraming nagpapapicture, kilala kase ang Kumpanya namin. At alam nila na anak ako ni Dad.

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now