39

300 16 5
                                    

Shaira's POV

"I'm finally back home! Daddyyyy"

"Naku kang bata ka. Saan ba kayo galing? Bakit ngayon lang kayo? Where's Andie?"

"Nasa labas pa po Dad. Buti nandito pa po kayo?"

"Naghalf day daddy mo" turan ni mommy paglabas nya ng kusina

"Mommyyyyy! I miss you po"

"Wala mang tatlong linggo kang nawala bata ka. Saan ka ba nagsususuot?"

"Si bebe po kase ehhh"

"Nga pala nasaan na yung babaeng yon?"

"Titttaaaa, titooooo. Sorry po agad  haha napahaba ang bakasyon namin"

"Wala ba kayong Cellphone? At hindi kayo nag chchat?"

"Wala pong Signal ehh."

"Pero nakapag post ka nung isang araw ano?"

"Haha sorry na po tita. Nabusy po kase kami kakahanap sa Cellphone ni Bebe tapos ng nakita namin ito na po sya." Ipinakita naman ni Bebe ang cellphone ko na basag basag.

"Hala, anong nangyari dyan?"

"Nahulog sa bundok mommy, hindi ko namalayan tapos ng hanapin namin ganyan na sya hindi ko na mabuksan"

"Bumili ka nalang ng bago."

"Yun nalang po munang I pod ang gagamitin ko for now mommy. Hahanapin ko po muna yung naotebook na pinagsulatan ko ng mga accounts ko."

"Speaking of accounts. I chat mo si Chlowie agad. Paniguradong nag aalala yon sayo." Nang sabihin yon ni daddy ay bigla ako kinabahan. Nagkatinginan pa kami ni Bebe dahil doon.

Napatakbo ako kaagad sa aking kwarto. Hindi ko alam kung bakit pero ng banggitin ni daddy ang pangalan ni Chlowie ay lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Hindi ko man lang nagawang magparamdam sa kanya. Gusto ko sana syang ichat ng nasa tagaytay na kami kaso hindi ko naman alam yung mga account ko. Hindi kase ako nag llog out kaya nakalimutan ko na.

Kahit na bumili pa ko ng bagong phone kung saan man kami pumunta ay hindi ko rin mapapakinabangan pa.

Pagpasok ko ng kwarto ay agad kong hinanap ang I pod ko at mabilis na nagpunta sa messenger app ko. Kinabahan ako lalo ng makita ko na ang dami kong chat galing sa kanya.

Binasa ko yun from the start. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil sa mga nababasa ko. As in araw araw may Chat sya.

Goshhh pati monthsarry namin. Hindi ko naman nakalimutan. Nasabi ko naman kay Bebe yun. Balak ko nga ngayong pag uwi namin doon ko sya isusurprise pero parang hindi na mangyayari yon.

Lalo na ng mabasa ko ang huling message nya sa akin.

______________________________________

Mahal ko 😘

:Pagod na kong maghintay mahal. Sabi ko sa sarili ko na baka sa monthsarry natin magpaparamdam ka na pero walang nangyari.

:I know na napakababaw ng dahilan ko pero kase mahal kita ehh. Mahal na mahal kita. At kung sa pagmamahal ko sayo ay hindi ka naman pala talaga masaya may magagawa pa ba ko?

:At least pinaramdam mo sa akin na minahal mo rin ako ng isang buwan. Nangako pa tayo sa Isa't isa diba. Na hindi tayo maghihiwalay? Na kapag may isang panghihinaan ng loob hihilain natin pabalik sa atin ang isa't isa?

:Pero nasaan na yun mahal? Nasaan ka na? Gusto kitang hilain pabalik sa akin pero hindi ko magawa dahil hindi ka naman nagpaparamdam. Ni hindi mo man lang sinabi sa akin kung nasaan ka. Kung paano kita hahanapin.

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now