40

505 19 6
                                    

Shaira's POV

"Please ate Mandy I'm begging you. Where is she?"

"Akala ko ba mas pinipili mo yung best friend mo?"

"I know mali ang ginawa ko. Hindi ko nilinaw ng maayos sa kanya. Kaya please tyaka na ko magpapaliwanag sa inyo. Sabihin mo na sa akin ate kung nasaan sya"

"One question. Mahal mo ba talaga ang best friend ko?"

"Of course ate. Hindi ko naman sya hahanapin agad kung hindi. May nangyari lang kaya hindi ako nakapag update sa kanya. Ang masasabi ko lang ay nung nasa outing kami ni Bebe nahulog ang phone ko ng hindi ko alam at ng hanapin namin basag na basag sya."

Bigla naman nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Onti nalang makukumbinsi ko na sya.

"Okay sige tatawagan ko si Daddy para magamit mo yung private plane namin. Nasa States sya."

"What!?" Kailan pa sya dun?"

"The day after your monthsarry. Maaga syang umalis"

"Bakit hindi mo sya pinigilan ate?"

"I tried but she said she's tired. Hindi na sya huminto sa kakainom ng alak at  kakaiyak, nag ddoubt nanaman sya sa sarili nya. Kaya hinayaan ko na muna sya. Nasaktan yung tao. Lagi nyang sinasabi sa akin na kailangan din bang iparanas mo sa kanya ang nagawa nya noon?"

"Walang ganon ate. Hindi sa ganon ang intensyon ko. Mahabang kwento ate. At gusto kong linawin sa kanya lahat ng yun. Tulungan mo ko please?"

"Okay I'll send you the location. Sabihan ko rin ang isa sa guards doon na samahan ka nya hanggang sa condo ni Chlowie doon."

Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi nya.

Hindi na ko mag aaksaya pa ng panahon. Kailangan ni Chlowie ang paliwanag ko.

"Salamat ate."

"Kailan mo balak umalis?"

"Ngayon din ate. Kung ppwede"

"Kararating mo lang kamo diba?" Nakita ko naman ang pag aalala sa mukha nya.

"I don't care ate. Mas kailangan ko si Chlowie. At ayokong patagalin pa ito. Baka hindi ako makaabot kapag pinagpabukas ko pa."

"Sige dyan ka lang. Kung gusto mo umudlip ka muna habang inaasukaso ko yung pagpunta mo doon"

"Salamat sa tulong ate"

"Nakikita ko naman na mahal mo ang best friend ko at ganoon din sya sayo. Kaya sino ako para hindi kayo tulungan. Masama lang loob non kaya ganon. Kung ako sayo matulog ka muna para makabawi ka ng lakas."

"Hindi na ate. Sa eroplano nalang."

"Hindi ka na kukuha ng damit mo?"

"Nga pala, magpapasunod nalang po ako ng damit."

Ayoko nang umalis pa dito sa condo ni ate Mandy baka kase bigla nalang humindi si ate Mandy. Bumabalik sa isip ko Yung mga chat ni Chlowie sa akin.

Alam kong masakit sa kanya yon. Kase ganoon din ang naramdaman ko noon ng bigla din syang nawala.
.
.
.
.
.
.

Naging mahaba ang byahe ko papuntang US. Naka idlip lang ako pero hindi ganoon kahaba dahil iniisip ko ang mga mangyayari mamaya.

Maraming bumabagabag sa akin lalo na yung mga bagay na baka hindi pakinggan ni Chlowie ang paliwanag ko.

Ngayon lang ako tatapak sa bansang ito kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta.  Buti nalang at may kasama akong guard magmula sa Pilipinas at sya nag guide sa akin kung saan ako pupunta.

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now