32

303 12 0
                                    

Shaira's POV

"Ang Ganda pala talaga ng Chocolate hills no idol?" Wika ni Jen kay Mahal.

Marami na rin kaming napuntahan. Sa loob ng dalawang araw na pamamasyal namin dito kami pinaka nagtagal. Ang ganda kase talaga ng view kung nasaan kami.

Nakapag picture pa nga kami ehh.

"Hindi nakakasawa no? Kahit na ba wala namang masyadong ganap dito kundi ang View." Sang ayon pa ni Jorielle"

Pangalawang beses ko na dito pero ganun pa rin ang feels. May mga nagbago sa paligid. Nadagdag nang kung anu ano. Maraming nagbago.

"Kaya binabalik balikan din to ng mga turista ehh" sagot naman ni Owie sa kanila

"After this saan tayo?" Tanong naman ni Lindsey

"Gusto kong pumunta ng church sakto sunday naman" sabi naman ni ate Allane

"Sige may alam ako." Sagot pa ni Owie na nasa tabi ko. Tinignan nya ko sabay kindat.

"After that balik na tayo kina Owie?" Tanong ulit ni Lindsey

"Pwede hapon naman na din. Para makapagpahinga na tayo para pareho. May mga aasikasuhin pa tayo sa mga susunod na araw ehh" sagot ulit nya

Nagpahatid kami sa isang church na una naming pinuntahan ni Mahal noon. Ang Baclayon Church

Ganoon pa rin ang simbahan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ganoon pa rin ang simbahan. Makaluma pa rin at maaliwalas tignan.

"Wow!" Komento ni Jorielle

"Napag aralan namin to noon" singit ni Jen "Baclayon Church Diba? Kung hindi ako nagkakamali"

"Oo yan nga. Grabe memorya mo ah?" Biro ko pa.

"May sinabi kase yung Prof namin noon sa History about dyan hindi ko na nga lang maalala kung ano yung exact. Basta maganda kaya tumatak din sa akin yang church na yan."

"Then let's go inside." Aya naman ni ate Allane

Nagkanya kanya na muna kami sa loob naunang pumasok ang magkasintahang Jori at Lindsey, sumunod sa kanila sina ate Allane at Jen. Kami naman ay nagpa iwan sa likod para magsindi ng kandila. Katapos ang sabay na pumasok sa loob at naupo hindi kalayuan sa apat.

Nag alay muna ako ng isang mahabang panalangin. Nagpapasalamat sa lahat ng biyayang natatamo ko sa pang araw araw. Sa pag iingat nya sa akin maging sa mga mahal ko sa buhay. Pinagpasalamat ko rin na hindi nya ko binigo. Ngayon sa pagbabalik ko dito kasama ko pa rin ang tao sa tabi ko at ngayon ay hindi lang basta kaibigan lang. Sinagot nya ang panalangin ko na sa pagbabalik ko sa lugar na ito ay ang tao sa tabi ko noon ay ang taong mamahalin ko pang habang buhay.

And it happened. And now I pray na sana ay pang habang buhay na ito. Because napaka swerte ko sa taong nasa tabi ko ngayon. Lahat ng katangiang bihira lang makikita sa isang lalaki ay naka Chlowie lahat. Simula sa pagiging maalaga, matyaga, masupag, dedicated sa kanyang ginagawa, sa pagpaparanas nya ng pagmamahal nya sa akin ay ibang iba. To the point na handa nyang ialay maski sarili nyang buhay maibigay nya lang sayo ang buhay na gusto nya.

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now