33

273 16 6
                                    

Chlowie's POV

Mabilis dumaan ang mga araw. Naging abala kaming anim sa pag eensayo ng mga pyesa namin sa gaganaping concert ngayong gabi.

At ngayong umaga ay pinagbigyan namin ang mga tao na magkaroon ng meet and greet sa aming tatlo.

Katulong ng mga opisyales ng bawat municipal ng Bohol ay nasagawa naman namin ng maayos ang nasabing meet ang greet. Marami din ang naghahanap kay Mandy, dahil sya lang ang wala dito.

Katatapos lang ng isinagawang meet and greet at marami kaming natanggap na gifts galing sa kanila.

"How was your fan meet?" Bungad sa akin ni Mahal pagpasok ko ng tent namin. Nilapitan nya ko kaagad para bigyang ng tubig at pinunasan ang pawis sa aking mukha.

"Salamat mahal"

"Boo ako din punasan mo ng pawis. Inggit ako ehh" biro ni Jorielle sa amin ni Sha

"Ako din love" sabat din ni Jen na nakayakap kay Allane

"Manahimik ka nga love wala ka namang pawis. Ni hindi ka nga naaalis dyan sa tapat ng blower ehh" sopla ng girlfriend nya sa kanya kaya natawa kaming lahat

"Yan kase. Kapag inggit kase matutong pumikit" sabi pa ni mahal sa kanila sabay hagalpak ng tawa.

"Dyan na nga kayo. Ang papanget nyo kabonding haha" sabi naman ni Lindsey sabay hila kay Jori

"Kamusta naman production number mo mahal?"

"Kinakabahan ako."

"Okay lang kabahan mahal. Kasama mo naman ako mamaya ehh. Tyaka ikaw pa ba? Ikaw lang naman ang anak ng isa sa pinaka sikat na dancer noon." Pampalubag loob ko pa sa kanya.

"Hindi ko pa rin mapigilan mahal ehh. First time ko magperform sa harap ng buong Probinsya ng Bohol"

I give her a peck on her lips na labis na ikinagulat nya.

"Yan, para hindi ka na kabahan. May reward ka pa mamaya if you doing good"

"Mahall! Why did you do that?"

"Kita namin yon" biglang singit ni Lindsey sabay tawa.

"Andami nanamang langgam sa paligid dahil sa ka sweetan nyong dalawa" panunukso pa ni Jorielle

"Kayong dalawa kanina pa kayo. Ang lakas ng trip nyo ah" tawa lang din ang sinagot nila sa akin at lumabas na ng tent.

Napatingin naman ako sa magkasintahang Jen at Allane. Pati sila ay binigyan lang ng isang mapanuksong tingin. Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa kagagahang ginawa ko.

"Tara na nga lang sa labas mahal uwi na muna tayo sa bahay para masolo kita."

Mahaba pa kase ang oras bago magsimula ang concert. Pwede pa kaming magpahinga saglit.

"Sama kamiii" narinig pala nina Allane at Jen ang sinabi ko

"Bebetime nga ehh" reklamo ko

"Aba. Pagdating naman sa inyo magkaiba tayo ng kwarto kaya huwag ka dyan lodi."

Natutuwa ako dahil kahit papaano ay nawawala na ang pagkailang sa amin nitong mga kaibigan ni Sha. Nagiging palagay na ang loob nila sa aming tatlo.

Jen ang Allane are really good at dancing. Sumasabay silang dalawa sa husay ni Sha pagdating sa entablado.

Hindi ko sila napapanood magsayaw sa CDS dahil naka focus kami minsan sa klase namin. Pero kanina grabe ang galing nilang tatlo. Nakakapangilabot makita silang tatlo na sabay sabay nagsasayaw.

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now