20

327 12 0
                                    

Chlowie's POV

Hindi na nga namin nagawa pang ihatid si Mandy sa Airport kinabukasan dahil maaga itong umalis.

Nalaman nalang namin na umalis na sya dahil nagsend sya ng picture sa GC namin.

Actually mamimiss ko tong babaeng to. Halos ilang linggo palang buhat ng makabalik ako ng Pinas tapos ngayon sya naman ang umaalis.

Kasalukuyan akong nasa training room ng mag message ang pinadala kong flowers ang chocolate para kay Shaira

Yup, hindi pa rin ako humihinto sa pagpapadala sa kanya ng mga bulaklak kahit napa alam na nya na ako ang nagbibigay sa kanya.

Ngayon ang gusto ko ay ako mismo ang mag abot sa kanya ng mga bagay na ko. Kaya every 2:45 pm ay nakaka received ako ng message mula sa delivery driver na nasa Labas na daw sya ng building.

"Class break time muna. We'll be back at exactly 3:15 pm copy?"

"Yes coach" sabay sabay na wika ng mga trainees

"Ms. Catacutan follow me please "

Hindi pa alam ng mga naririto ang tungkol sa amin kaya sa harap ng mga trainees ay umaakto pa rin kami na professional. Mabilis kumalat ang issue. At gusto ko kapag umalingawngaw ang sa amin ni Shaira ay yung kami na. Or kahit na ano basta merong kasiguraduhan sa aming dalawa.

Mahirap na kase baka sa tingin ng iba okay okay kami tapos biglang hindi pala kami ang endgame diba?

Pagpasok ng opisina ay naroroon na ang guard na pinagbibilinan ko. Dya ang nagrerecieve ng flowers sa labas tapos sya ng nagdadala dito sa opisina para hindi halata ng mga tao.

Ang alam nila ay para sa akin ang flowers. Hindi nila alam na ako ang bumibili non.

"For you mahal" ani ko ng makapagsolo na kami sa opisina

"Thankyou, tanggal angas natin brad ahh" tukso nya

"Bakit naman po?"

Inabot ko muna sa kanya ang mga ito samantalang inilapag naman nya sya mesa sa chocolate, at bahagya namang inamoy ang bouquet of flowers

"Kase kanina kung maka "Ms. Catacutan follow me" ka ang astig astig mo tapos ngayon" panggagaya pa nya sa sinabi ko sa kanya kanina

"Ngayon ano?"

"Ala natanggalan ka lang ng angas. Kahit na tayong dalawa lang dito hahahah"

"Mahal naman ehh. Ang lakas mo mang asar" reklamo ko pa

"Bakit naman hindi? Ikaw nga dyan ganyan ka rin ng una"

"Kase naman inis ka sa akin non, kaya lalo lang kitang iniinis. Ang cute mo kase kapag namumula ka na ehh"

"Gusto mo atang hindi kita kibuin ulit?"

"Joke lang ito naman pikon agad. Lika ka nga dito" sabi ko sabay hila sa kanya para yakapin.

Nagpatianod naman sya. Dahil nakapagitan sa amin ang bouquet ay kinuha ko ito sa kanya at inilapag sa mesa malapit sa kinatatayuan namin

"Thankyou for always treating me like a princess. For always giving me that kahit na hindi naman kailangan."

"Syempre, ang sabi ko nga sayo diba? Babawiin ko lahat ng mga panahong hindi tayo magkasama."

"But this is too much na po ehh. Baka isipin pa ng iba na napaka ano ko naman. Isang Chlowie Vergara ang nanliligaw sa akin tapos pakipot pa ko."

" hindi naman sila ikaw ehh, hindi naman ibig sabihin na kilala ako ng lahat ehh magagawa at makukuha ko na ang lahat ng gusto ko. Opo ginusto ko kung anong meron ako. Kaya hindi nila ko madidiktahan"

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now