13

288 18 0
                                    

Shaira's POV

"What?" Gulat na tanong ko sa aking ama.

"Malaki naman ang office mo anak kaya kasyang kasya kayong dalawa doon. Besides hindi naman  araw araw nandito itong si Chlowie ehh"

Ayun na nga. My father wants na sa opisina ko mag oopisina si Chlowie. Dad naman ehh. Hindi nya ba alam na  iniiwasan ko nga si Chlowie tapos pagsasamahin nyo pa kami sa iisang kwarto?

"Ayaw mo ba akong kasama miss ma'am?" Nakangisi pang tanong ni Chlowie

Arggh kung wala lang si Daddy dito kanina pa kita nasupalpalan letche ka. Gusto ko syang tarayan pero Hindi ko magawa dahil nakaharap si daddy. Sinabi ko pa lang sa kanya kanina na wala akong problema sa isang to.

"No, pero kase dad mawawalan na ko ng privacy if that was happened. Paano na sina ate Allane? Hindi na sila makakapasok ng office ng basta basta?" Kunwa ay dahilan ko.

"If you have visitors naman pwede naman akong lumabas ng office saglit" she said

"Oh yun naman pala anak ehh."

"Nakakahiya dad"

"Kanino ka nahihiya sa kanya or kina Allane?

"Kay miss Chlowie Dad. Imagine palalabasin ko ng office ang isang SIKAT na performer abroad?"

Diniinan ko talaga ang salitang sikat para damang dama nya

"It doesn't matter naman. I will spend my time teaching and visiting the class when you have a visitors"

Ayaw talagang paawat ng bwisit na to oo. Ano pa nga bang magagawa ko kung hindi ang pumayag. Baka lalo lang magtaka si daddy about dito.

"Kailan aayusin ang gamit nya daddy?" Pagbabalewala ko sa mga sagot nya.

"Ngayon na din. Pumayag ka na ehh. After this meeting sasabihan ko na ang mga guards na ilipat ang table na nasa storage room. And by the way i aassigned ko kayong dalawa sa Alpha team ahh. Bale si coach Abby ang lilipat sa Charlie Team together with Coach blue"

"Okay copy Dad. Are we done po? Can I take my Breakfast for a while?" I said kase kanina pa kumakalam ang sikmura ko

"O shit hindi ka pa nag bbreakfast?" Tanong ni daddy na tila ngayon lang na alala

"No dad, and it past 10 am in the morning."

"Bakit pumasok ka ng walang almusal?" Seryosong tanong naman ni Chlowie. Pagtingin ko sa gawi nya ay nakita ko ang pagkakunot noo nya at tila nag aalala din

" Ate Allane ang Jen brought me some breakfast from Mcdo. Dahil alam nila na kapag sa condo ako naglagi ay hindi ako nagaalmusal doon. But hindi ko rin sya nakain agad dahil dad's call me on a meeting"

Tumayo naman bigla si Chlowie na ikinagulat ko

"Will you excuse us sir?"

Nang tumango naman si Daddy ay hinila ako ni Chlowie palabas ng office ni dad. Magpupumiglas sana ako dahil sa pagtataka ko pero masyadong mahigpit ang pagkakahawao ni Chlowie sa pulsuhan ko. At nakakatakot din ang mukha nya kapag naging seryoso.

Sa elevator ay walang kibuang nagaganap Hanggang mapunta kami sa ground floor. Muli nya kong hinila ngunit ngayon ay banayad na. Tangkang pipigilan ko pa sana sya kase baka lumabas kami ng building ng walang kasamang guards pero dumiretcho sya sa Canteen.

May sariling canteen din kase ang Kumpanya namin dahil nga sa mga students na mas gustong kumain dito kaysa sa labas.

Naghanap muna sya ng mappwestuhan bago nya ko iniwan at nagpunta sa counter.

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now