27

293 14 0
                                    

Chlowie's POV

Gaya ng napag usapan ay kinausap nga ni Sha si tito about sa bakasyon namin sa Bohol.

Pumayag agad sya na mawawala kami ng dalawang linggo. Ayus lang naman sa kanya yun as long as safe daw kami parehong makakabalik dito.

Now my problem is paano ako magpapaalam kina Jori, knowing na wala din si Mandy. I'll chat with Jorielle awhile ago to ask if nasa condo sila ni Lindsey. Gabing gabi na at ayaw ko naman na ipagpabukas pa ito.

If pumayag man kase sila ay bibili na ako agad ng ticket pauwi ng Bohol. Pagdating ko sa tapat ng condo nila ay nag doorbell ako agad. They didn't expect na pupunta ako

Kanina kase ng tinanong ko sya at hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan. Kaya ngayon ay gulat sya ng buksan nya ang pinto. Buti nalang at mayroon akong dalang food panuhol.

"Sabi na nga ba mang iistorbo ka ehh. Pero nagulat parin Ako agiks ka. Lika pasok ka muna"

Tinulungan nya kong bitbitin ang mga dala kong pagkain. Tatlo lang kami pero alam kong mauubos naming lahat to.

"Sino yon boo?" Tanong ni Lindsey. She's busy on her loptop sa may sala

"We have Bwi-sitor boo"

Nag angat naman ng tingin sa amin si Lindsey. Gaya ng ekspresyon ni Jorielle kanina ay nagulat din ito.

"Oh! Owie nabisita ka? Malalim na ang gabi ahh?"

"May sasabihin lang ako. Ikaw nga din gabing gabi na busy ka pa din dyan sa loptop mo"

"Kailangan ehh."

"Kanina ko pa yan pinagsasabihan Owie kaso makulit ehh"

"Para bukas onti nalang. Sabi nga diba? Bakit pa ipagpapabukas ang pwede namang gawin ngayon."

Napakamot nalang ng ulo si Jorielle dahil sa kakulitan ng kasintahan

"Ano nga palang sasabihin mo? Upo ka. Wait kuha lang akong plato"

Hinintay muna namin si Jorielle na makabalik bago ko sinabi kung bakit ako naririto.

"Ganito kase. Tawag si Jen sa akin. Yung kapatid ko?"

"Hmm?" Tugon ni Lindsey na nakikinig din pala

"Then they asked me if kailan ba ako uuwi ng Bohol"

"So hindi ka pa nagpapakita sa inyo?"

"Hindi, diba nga kase inasikaso ko muna yung kay Sha?"

"Oo nga pala" tugon muli ni Jorielle "so anomg balak mo ngayon? Uuwi ka? Kailan?"

"Kaya nga ako napunta dito para itanong sa inyong dalawa yan?"

Tinignan ako ng may pagtataka ni Jorielle. Maging si Lindsey ay napahinto sa pag ttype mula sa kanyang loptop.

"Bakit sa amin mo tinatanong?" Tanong ni Lindsey

"Kase diba wala si Mandy tapos aalis pa ko. Kayo nanaman maiiwan sa office. Nahihiya na ko sa inyo dahil halos kayong dalawa na ang gumagalaw sa kumpanya"

"Wala namang problem sa kumpanya. At bakit ka naman mahihiya? Lahat naman tayo may ambag sa kumpanya ehh. Even Mandy. Nasa Japan man sya, tuwing gabi tinatanong nya kami kung ano ba pwede nyang gawin kahit na nandun sya. Ikaw din every weekend naman nasa office ka para tumulong diba? Kaya wag kang maguilty dyan" sagot ni Jorielle

"At isa pa Owie wala naman din kameng masyadong ginagawa ehh. Halos ang mga staff ang gumagalaw. Ang ginagawa lang namin ay i check ang mga pinapasa nila bago namin pirmahan. Sadyang may kailangan lamg i rush ngayon lalo na diba nalipat ang date ng event? Humaba ang preparation time naten, kaya may mga humahabol pa para magparegister" segunda naman ni Lindsey

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now