15

311 18 0
                                    

Shaira's POV

All I can do is avoid her. Whatever she does pinanatili ko nalang ang focus ko sa mga ginagawa ko.

Ang tanging magagawa ko lang ay iwasan nalang sya at huwag syang kausapin.

Nakakahiya na rin kase sa mga tao sa paligid namin. Wala Silang alam sa nakaraan namin ni Chlowie kaya hindi nila ko naiintindihan. At dahil nauuna ng bahagya ang lamesa nya ay malaya ko syang napag mamasdan.

Abala sya sa pagbabasa ng mga papeles na nasa harap nya at katapos ay nilalagdaan ang mga iyon. Minsan ay kinakalikot nya ang kanyang Cellphone at napapangiti nalang siya bigla.

Kausap nya siguro si Mandy. Ano naman ngayon kung kausap nya?

Hindi ako tiwala ng sabihin ni ate Allane ang kahulugan ng uyab kaya ako na mismo ang nag search sa internet kung ano ba talaga ang meaning nito.

She's right. Ang kahulugan ng Uyab ay kasintahan. Kahit na kase may kamag anak kami sa Cebu ay hindi ko na encounter yang salitang yan. Or hindi talaga ako nasanay sa dalita nila dahil tagalog at ilokano lang ang alam ko.

"Ma'am may delivery po para sa inyo" bungad ng secretary ko bitbit ang isang bungkos ng rosas at isang box ng chocolate.

Simula ng dumating ulit si Chlowie dito sa Pinas ay halos araw araw na may paganito. Ayaw ko man na mag isip pero iba kase ang ipinahihiwatig nito ehh. At laging ganitong oras ko sya natatanggap

Every 2:50pm ko sya na rerecieve. Ang weird diba? Hindi man lang eksaktong 3pm.

Hindi kami nagturo ngayong hapon dahil may nirurush kaming papeles na kailangang umabot hanggang 4:30 pm.

"Paki lapag nalang dito sa table"

"Yes ma'am"

"Kanino daw galing?"

"Like sa mga nauna wala pa rin pong pagkakakilanlan ma'am."

"Sige sige. Pwede ka ng bumalik sa ginagawa mo"

"Yes ma'am"

Paglabas ng sekretarya ko ay nilagay ko muna sa fridge ang chocolate baka kase matunaw. At ang flowers Naman inilapag ko muna sa tabi ng vase mamaya ko na aasikasuhin katapos ng mga ginagawa ko.

Sa sulok ng aking mga mata ay napapansin kong nakatingin sa akin si Chlowie. Sinusundan nya ang bawat kilos ko na lalong nagbigay ng hinalavsa akin.

"Tapatin mo nga ko. sayo ba galing tong mga to?" Tanong ko

"Bakit naman naisip mo na bibigyan kita nyan?" Bale walang tanong din nya

"I-I don't know baka may hidden agenda ka kaya mo ginagawa ng to"

"Kung sasabihin kong sa akin nga galing yan kukunin mo pa ba?"

"Hindi"

"Edi hindi ko sasabihin" nakangisi pang wika nya

"Ayokong makipagtalo ha, kaya please lang lubayan mo ko"

"Hindi rin ako nakikipagtalo"

"Ehh ano ginagawa mo ngayon?"

"Hinihintay ka"

Bigla namang kumabog ng napakalakas ang puso ko dahil sa sinabi nya.

"Wala kang dapat na hintayin" ani ko tyaka ko sya inismiran

"Hear me out please? I missed you so Much"

Palihim akong napasinghap ng marinig ko ang mga katagang iyon. Sya pa ang may ganang ma miss ako? Samantalang sya ang lumayo at iniwan ako noon

Falli'n Inlove with my Co Engene Where stories live. Discover now