Narito kaming dalawa ni Gian sa faculty kasama ang iilang SSG Officers para mag-plan para sa darating na Valentines.. Iba't ibang pakulo ang naiisip nila, I like it very creative.
May mga nag-susuggest ng mga paharana, mga booths gaya ng marriage booth, jail booth at iilan pa. Syempre di mamawala ang mga pa anonymous love letters, at mga pa flowers syempre coming from our very talented students from the arts club.
"Ano sa tingin nyo, ipapasa ko na ito sa principal?" saad ko
Nagvote rin kami at nag-agree naman sila.
"Good."
I'm with Gian as I proposed the upcoming event for the Valentines Day. Ichecheck pa raw ni Principal kaya umalis na rin kami ni Gian.
We are welcomed by the cold blown wind that is the reason why my long wavy hair was blowing so hard... Maraming mga studyanteng nakatambay sa kiosk at kaagad rin naming namataan si Lucille 'roon na.... Nakikipag-sabunutan!
"How dare you Lucille! You bitch! You stole Marky, mang-aagaw!" malakas na sigaw ni Yanna na dahilan upang mapatingin narin ang iilang studyante sa malayo
Mabilis naming dinaluhan ang eksena dahil nagsasabunutan na ang dalawa!
"Kapal mo hipokrita ka, kasalanan ko bang malandi 'yang jowa mo. At lapit ng lapit saakin! Di ko naman kasalanang lapitin ako!" pataray na sabi ni Lucille
"You bitch!!"
"That's enough!" sigaw ni Gian
"Both of you, come to the guidance office. Now." mariing sabi ko
Binalingan ko rin si Lucille na namumula ang mukha at gulong gulo ang buhok. This is not the first time na napa-away etong si Lucille. Pero di naman sa pagiging bias, kilala namin ang kaibigan namin.. Hinding hindi sya magsstart ng gulo unless pinatulan sya.
Nagkaroon si Lucille at Yanna ng isang week na suspension. Mangiyakngiyak naman si Yanna na tila ba anak na nagsusumbong sa Principal.
"But ma'am, si Lucille po ang nauna... Sinampal nya po ako... At inagaw nya po saakin si Marky.." paawang sabi ni Yanna
Kita kong seryoso lang ang mukha netong si Lucille habang nakatingin sa guidance personel.
"That's enough! Ikaw Miss Yanna diba sinabi na naming bawal ang PDA sa eskwelahang ito.. May mga nakakakita pa ditong iilang studanteng nagsusumbong at naghahalikan raw kayo ni Marky sa CR!" saad ng isang guidance personel
Pagkalabas ng Guidance office pinasalamatan rin kami ng guidance personel dahil sa agaran naming aksyon sa ganoong incident.. Kita ko naman ang matalim na tingin ni Yanna kay Lucille. Pero tinarayan lang sya nito. Haha, slay!
"Ano bang nangyare, Lucille?" mahinahon kong tanong
"Nilalandi ko 'raw si Marky, yung jowa nya! Eh mukha ba'kong papatol 'roon! Papaano kase kanina niyaya ako ni Marky na sabay 'raw kami kumain, tumanggi naman ako.. Ito namang si Marky ang landi masyado may jowa na, kumakarengkeng pa!" pagalit nyang sabi
"Kapal ni Yanna, ingrown mo lang naman sya" saad ni... Avery
Kaagad ko naman syang binatukan... Aba kanina pa pala sya rito nakikinig..
Namataan ko rin si Elijah na naka jersey, athlete ba to? Nevermind.
Kasama nya 'yung Grade 8 na sophomore. Si Vanessa... Staring at both of them they look like a couple.. Naka-salamin si Elijah at ganoon rin si Vanessa, pero yung itsura nila hindi pang nerd..
Binati naman kami ni Elijah
"Happy lunch, Miss Pres! at sainyo rin" saad ni Elijah
Napabaling ako sakanya at hawak hawak nya ang isang plastic na mukhang may laman na tupperwear.. Lunch nya yata.. Pareho sila ni Vanessa na may hawak na plastic..
"Happy lunch, Elijah.." saad nina Avery
At tinanguan lang din sya ni Lucille at Gian.. Ang mga unfriendly kong kaibigan! Si Gian na approachable pero pagdating kay Elijah parang gusto nyang suntukin!
"Happy lunch, Elijah." saad ko
Nakita kong pinasadahan nya ako ng tingin at nangisi. Siniko sya ni Vanessa at kaagad rin ako nitong binati..
"Happy lunch po..." nahihiyang saad saakin ni Vanessa
Vanessa really looks like Elijah, pero yung personality nya same vibes kay Avery.. Palaging nakangiti.
"Tsk." saad naman ni Gian
Kaya napabaling naman sakanya si Vanessa at nang mapansin nyang naroon si Gian ay kaagad din syang napayuko
Kaagad namang nag-bow si Vanessa senyales na mauuna na sila at nagpaalam rin.. Pansin ko rin na sinundan sya ng tingin ni... Gian
Hay, whatever!
Naglakad din kami tungong gym para roon kumain ng lunch. Tanaw namin ang mga nagttraining na mga athletes... Natanaw ko rin si Elijah na pumasok roon, mag-isa nalang sya at di kasama si Vanessa.
Pansin ko naman ang kaagad na pagbati sakanya ng iilang mga babaeng estudyante na naroon.
"Hi Elijah!" bati nong isa
"Shit! Ang pogi..." rinig kong bulungan ng iilan
Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Elijah na kumakain roon sa lunch nyang nakabalot sa plastic kasama ang ilang mga kasosyo nya.. He look so fine while wearing his jersey my kakaunting pawis ding tumutulo sa noo nya pero nung naamoy ko naman sya one time accidentally noong magka group kami sa isang acitivity kahit pawisan dahil walang aircon that time... He smells very manly. Ano kayang pabango neto.
Nang mamataan nya'ko kaagad syang nag-wave at nginitian habang pansin ko ang tambok ng pisngi nya... Dahil ata yon sa rice na nasa mouth nya.. Mukha syang penguin!
Tinarayan ko nalang. Pansin ko rin ang pag-kantyaw sakanya ng ilang mga kasosyo nya. Ngunit di ko nalang pinansin at kumain nalang.
<3
YOU ARE READING
Pressured by Love (Love Tropes 1) - Academic Rivals To Lovers
RandomHarriet Emerald Sierra (Emy), an achiever, SCG President, who is always simplified as smart and craves for academic validation. Perfect scores, high grades, is what she defines a perfect life. However, her life changed after a new student named El...