Sunday came at dahil hindi ko friend si Elijah sa facebook ay andito ako ngayon sa school dahil ito yung meeting place namin. 1:30 ang call time pero 1:00 nandito na 'ko. Ayoko kasing ma-late. Nakakahiya!
Right now, I am currently wearing a white floral flowy top and a baggy jeans, and also a converse sneakers. I also clamp my long wavy hair into a bun... That turns out to be a messy bun. Pero maganda pa rin tignan. Nagwear din ako ng light make up para na rin magkaroon ng konting kulay sa aking buhay! Because of my white as snow skin along with my thick eyebrows ay mayroon 'rin akong konting freckles sa mukha, bukod pa rito ay mapula 'rin ang labi ko kahit hindi na maglagay ng kahit anong kolorete. Gusto ko lang mag make-up since I feel relaxed while I'm doing it.
A lot of people would actually say that I looked like an actress or a model. I am not suprised anymore since both of my parents contains foreign blood.
Sinuot ko rin Time Q Malibu na relong bigay saakin ni kuya... Speaking of kuya... Asan na kaya siya? Sana ay maayos ang lagay niya ngayon at miss na miss ko na siya.
Hindi naman ako ganoon katagal naghintay ng makita kong paparating na si Elijah sa harap ko.
I looked at my watch. Saktong 1:30 siya dumating.
He was wearing a white polo shirt na mukhang pakupas na pero dahil doon ay nadedepina ang kanyang muscles sa braso... Nakasuot rin siya ng grey shorts at itim na tsinelas. Nang tumama naman sa balat niyang kayumanggi ang sikat ng araw ay tumambad saakin ang gwapo niyang mukha. God! He really looks like Lee Do Hyun!
God! Emy! Nakakahiya, at mukhang pinagpapantasyahan mo pa ang lalakeng 'to.
Napansin kong habang papalapit siya saakin ay lumapad ang kanyang makikinang na mata sa aking suot na damit, sa aking mukha, at saaking... labi
I guess he was checking me out, or baka assuming lang talaga ako? Nevermind.
"Kanina kapa nag-aantay?" tanong niya
God! Help me! He smells so manly. Ang bango niya.
"U-uh, hindi naman..."
What the hell was that, Emy... Nautal pa nga
"Tara na.. Malapit lang naman bahay namin 'rito.."
"Okay..."
Habang naglalakad kami papasok sa isang eskinita ay pansin ko ang kakaibang mga amoy na parang naghahalo. Hindi naman ako maarte pero bago lang kase ako sa gantong klaseng amoy... at lugar
Kaagad naman din yon napansin ni Elijah atsaka binigyan ako ng isang color blue na handkerchief. Tinanggap ko naman kaagad 'yon.
"Elijah! Ipakilala mo naman ako diyan... Wag kang madamot!"
"Shet, ang ganda!"
"Ares! Sino 'yang kasama mong maganda? Girlfriend mo?"
Nakita ko naman na sinamaan lang nang tingin ni Elijah ang mga lalaking nakatambay na ang hula ko ay kasing edaran lang namin.
"Manahimik nga kayo diyan... Hindi komportable ang girlfriend ko sainyo!" galit na sabi naman ni Elijah
What the frick? Girlfriend? Am I hearing it right?
"I am not your girlfriend!" baling ko naman ki Elijah
"Hindi nga..."
"Oh bakit sinabi mo sakanilang girlfriend mo'ko?"
"Oh bakit? May magseselos ba, miss masungit!" patawa tawang sabi naman ni Elijah
Tinarayan ko nalang din siya hanggang sa makarating kami sa isang maliit na bahay pero may second floor.
"Pasok ka... Pagpasensyahan mo na ang bahay namin maliit..." saad ni Elijah
"It's okay..." saad ko
Pinaupo naman ako ni Elijah sa kanilang sofa. At ibinaba ko rin naman kaagad ang aking bag dahil sobrang bigat. Nagpaalam naman siya saakin na may kukunin daw siya sa labas. Tumango naman ako.
I surveyed their whole house. Maliit lang ito kumpara sa bahay namin. Nakita ko rin sa gilid ang isang picture frame. Nakasuot si Elijah ng toga at maraming nakasabit na medalya sa kanyang leeg... tila ba parang masasakal na siya dito.
Nakangiti si Elijah habang naka labas ang dila at nakaakbay sa isang babae... Si Vanessa.
Kahit na maliit ang bahay nila ay napapanatili pa rin nila itong malinis. Kaya pala sobrang bango ni Elijah ay sobrang linis rin niya sa bahay.
"Uminom ka muna ng mineral water, baka kase nauuhaw ka.. Malinis naman ang tubig sa gripo namin pero baka kase hindi ka hiyang at sanay doon.." saad naman ni Elijah nang makabalik ito ay may dala dala nang isang mineral water
My cheeks blushed. Kung hindi lang ako assuming ay baka sasabihin na naman ng isip ko na may gusto saakin itong si Elijah. I bet he was raised so well by his parents. I wanna give his parents a token because they raised a gentleman.
Stop it, Emy! May Vanessa na yan! Pero happy crush lang naman eh...
--------------------------------------------------
"Kuya, pahiram muna ako ng laptop mo saglit!"
Narinig ko ang malakas na boses ng isang babaeng na ang hula ko ay kapatid ni Elijah. Nang mapansing hindi narinig ni Elijah ang sinabi ng babae dahil abala na ito ngayon sa pagpupunas ng kanilang lamesa ay nakarinig ako ng mga yapak galing sa hagdan ay hindi ko mawari ang aking mga nakikita...
Si Vanessa?!
<3
YOU ARE READING
Pressured by Love (Love Tropes 1) - Academic Rivals To Lovers
SonstigesHarriet Emerald Sierra (Emy), an achiever, SCG President, who is always simplified as smart and craves for academic validation. Perfect scores, high grades, is what she defines a perfect life. However, her life changed after a new student named El...