4th Quarter welcomes us very fast.. Abala kami ngayon dahil graduating student and running for valedictorian rin.. Tatlo kaming naglalaban sa slot.. Ako, si Elijah, at si Louis Guyabano ng kabilang section
Pinatawag pa kami ni principal para inannounce na maaring mag-tie kaming pareho ni Elijah. It didn't bother me though. I'm sure ako ang top 1.
------------
"Miss Pres!"
Nilingon ko ang boses na tumatawag saakin sa kalayuan. Tanaw ko si Elijah na papalapit sa desk ko. He is wearing a jersey and shorts, pawis na pawis din ang hitsura. Mukhang kakagaling lang sa practice ang isang 'to dahil nga varsity siya ng school ay nag peprepare ata sila sa upcoming basketball league ng schools dito. Despite of it, sobrang gwapo niya pa rin at linis tignan.
If you were wondering what am I doing right now? Well, abala ako ngayon sa pagcocollect ng mga papers ng aking mga kaklase dahil ako ang naatasan ni Sir Puempo na magcollect ng activity at iwan ko nalang 'raw sa faculty.
Ano nanaman kayang kailangan neto?
"Oh?"
"Ano... Uhm.. Pwede bang partner tayo sa research?" saad nya
4th Quarter na kaya mayroon kaming Quantitative Research na very very important sa aming grades. Our english teacher tells us that we should work by pair. Though, I prefer to work alone at yon naman talaga ang gagawin ko kaysa makagrupo ang mga dumbell!
But since Elijah insisted, siguro I might consider. Considering that he excell well in almost everything. Though, I also pity him for being too good in something I am also good at.
Para kaming tubig at apoy na nagbabanggaan..
"Sige..."
"Emy!"
Nagulat ako nang may tumawag sa pangalan ko... Si Heather
"O-oh, anong kailangan mo?" saad ko
"For you!!" saad naman niya
"Ano yan?" saad ko
"New sets ng sign pens... Look iba't ibang kulay pa!"
Pansin ko naman na parang di komportable si Elijah, paano ba naman kase bigla bigla nalang nasulpot ang gagong 'to...
"Thank you..." pagsabi ko naman kay Heather dahil ayoko na pahabain pa ang pag-uusap namin. Pansin ko ang pamumula ng pisngi niya atsaka tuluyan nang umalis...
6:30 PM na at papalabas na ako ng gate nang biglang magtext saakin si Dad... Nakapagtataka naman dahil bihira lang siyang magtext saakin dahil laging busy. Pareho sila ni mom...
Dad:
We'll pick you up.
Ako:
Sige po...
Nag-antay lang ako saglit sa waiting shed nang makita ko si Avery na nagmamadaling pumasok sa sasakyan nila... I wonder what's wrong... Commonly, nag-cocommute lang 'yon dahil ang lapit ng bahay nila pwedeng lakarin. Hindi tuloy ako nakapag-paalam. Itetext ko nalang siya mamaya!
Pansin ko din na lumabas si Elijah na naka pang basketball shorts pa din pero naka balck shirt na. Kakatapos lang yata mag-practice. May nginunguya din siya at nakatuon ang mata niya sa dalang papel at may bitbit na pagkain... Huh. Mukhang nagrereview!
Despite of it, he look so nice wearing his signature glasses, chinito. He looks so masungit!
At parang modelong nakikita ko sa billboard. I wonder kung bakit pa siya nag-aaksaya ng panahong buhatin ang mga papel na iyan, eh may locker naman kami. He could've avail the locker para di na siya mahirapan. Marami ding nag-bbye sakanyang mga babae na kinakawayan niya nalang rin... Saglit siyang napatigil at nang makita niya ako ay kaagaran din siyang lumapit.
I rolled my eyes on him.
"Miss Pres, uuwi kana?" tanong niya
"Hinihintay ko pa sundo 'ko..."
"Oh..." saad niya naman atsaka ko siya binalingan dahil ibinibigay niya saakin ang isang stick ng Bananacue... Pansin ko naman na napatingin ko siya wrists ko, yun ay dahil suot suot ko ang bigay niyang pink bracelet.
"Ano yan?"
"Sayo na..."
"Don't worry, malinis yan.... Walang halong kemikal... Ano kaba Miss Pres hinding hindi kaya kita papakainin ng hindi malinis 'no!"
Kaagad ko rin iyon kinuha dahil gutom na rin ako. Paano ba naman eh 6:30 end ng klase namin, sinong hindi magugutom doon.
"Thanks."
Nang mapansin kong napauwi rin siya sa waiting shed katabi ng inuupan ko ay tinanong ko siya...
"Ikaw, hindi kapa uuwi?" I asked him while I was busy eating the bananacue the he gave me. Na naging dahilan upang maging siopao na ang aking cheeks dahil hindi ko inawatan ang bananacue! Pansin ko din ang tingin niya saakin habang busy ako sa pagkain. He even smiled at me habang pinapanood nya ako na kainin yung binigay nya. He even offered me water dahil pansin nyang baka mabilaukan ako. Oh shit! Baka mapagkamalaman pa ako neto ni Elijah na patay gutom!
"May hinihintay pa 'ko..."
"Sino, si Vannesa?"
"Oo..."
Confirmed nga na mag girlfriend ang dalawa! I wonder kung binigyan niya rin ng bracelet si Vanessa!
Pansin ko din na nakatuon nanaman ang tingin niya sa isang papel na may mga highlights. Nagrereview ata 'to sa Biology. Hindi ko lubos maisip na grabe talaga itong si Elijah sa pag-aaral. Talagang desididong desidido siya at determinado sa pag-aaral. Pareho kami...
"Bakit ka nagrereview? Balak mo ba kong ungusan sa Biology..." saad ko
"Hindi naman... I just need to freshen my mind for a bit..."
"Btw, kailan natin balak magkita?" saad ko
Napabuga naman si Elijah sa iniinom niyang buko juice.
"Para saan?" kumislap ang mata niya halatang hindi mawais kung tama ba yung narinig niya
"Hello? Yung sa research... Kailan natin yon balak tapusin" saad ko tsaka uminom na ng water
"Pwede ka sa Sunday?" tanong niya
Wala naman akong gagawin sa Sunday bukod sa mag simba ng morning... Plus, natapos ko na rin ang iilang requirements at research nalang talaga ang kulang bago kami grumaduate.
"Available naman... Saan ba?"
"Sa bahay namin... Diyan lang..." turo niya sa eskinitang di kalayuan sa school namin
Napuno naman nang katahimikan at awkwardness ang atmosphere dahil hindi na rin kami nagsalita pareho. Pagkatapos magbasa ni Elijah ay tinanggal niya panandalian ang kanyang suot na salamin para kusotin ang mata dahil siguro sa kakapagod magbasa. I can't stop looking at him lalo na't he looks so nice up close sobrang gwapo dahil chinito at may pagka moreno...
God! Emy anong nangyayari sa'yo! May girlfriend 'to!
Don't judge me! Marami naman ang suitors at hindi lang rin naman ako sa looks bumabase syempre sa character din. Bukod kase sa gwapo si Elijah ay kahit mortal enemy ko pa siya sa slot na matagal ko nang gustong makuha ay talaga namang inaadmire ko ang prinsipyo niya, kahit na minsan ay sinusungitan ko siya deep inside I know for a fact na I might have a crush on him, slight lang!
But I know my limitations. Bukod sa may girlfriend na siya ay alam ko ring hindi kami pwede dahil sa isang bagay... Iyon ay sa kadahilanang kailangan kong maging valedictorian. No matter what it takes, I'll get that spot by hook or by crook.
<3
YOU ARE READING
Pressured by Love (Love Tropes 1) - Academic Rivals To Lovers
RandomHarriet Emerald Sierra (Emy), an achiever, SCG President, who is always simplified as smart and craves for academic validation. Perfect scores, high grades, is what she defines a perfect life. However, her life changed after a new student named El...