Chapter 3

48 25 6
                                    

"Nakakabwiset din minsan 'tong English na 'to" reklamong bungad ni Avery

Papano ba naman pinapa-memorize kami ni Ma'am Castro dun sa ginawa naming argumentative essay. Eh ang rason ni Avery di naman 'raw naglelesson si ma'am dahil binabasa lang naman daw 'yung nakasulat sa powerpoint.

"No choice" sagot ko

Nililigpit ko na ang binder notebook ko and highlighters and ballpen dahil uwian na. 3:00 kami dinismiss ni Ma'am Castro kaya plano kong pumunta ng library at sisingit sa faculty dahil may iaabot ako sa isang teacher.

"Emy di ka sasama samin, si Lucille kasama sa Plaza daw" biglang tanong ni Avery

"Di na girl, punta pa kami ni Gian sa library" sabi ko

"SSG moments" saad nya

"Miss Pres"

I was ready to get out of our classroom. When someone calls me by Miss Pres?

"What do you want from me Elijah? And please don't call me that!" wala sa mood kong tanong

"Uhhh sorry gagalit nanaman si misis." pabulong nyang sabi

"May sinasabi ka?"

"Ahh, Pupunta kang faculty? Sabay na tayo eh di ko pa kabisado uni natin e" nakangisi nyang sagot

"Ayoko nga" sabi ko

I just rolled my eyes on him dahil wala nakong planong makipag-usap sakanya kung yon man ang pinaparating nya dahil marami pakong gagawin

"Bye asshole" pangiti kong sabi habang nakakaway palabas ng main door sa room

"Uy wait lang!"

Kulit.

"Eto naman si madam nang-iiwan, sasabay lang naman eh sungit mo talaga" saad ni Elijah

------------

"Emy, how's school?" tanong ni dad

Kasalukuyan kaming nag-didinner sa aming mansyon nang tanungin ako ni dad. Hay hindi kapa ba sanay Emy?

"It's fine, dad"

"You better be, matataas ang academic achievements ng mga pinsan mo. You must at least be on their level or be top of them" saad ni dad

"Your father is right, anak. Si Danna mukhang nakapasok sa isang prestigious university sa London. Even si Yohan na parang playboy mukhang susunod din sa yapak sa kanyang magulang, mag-bubusiness din!" saad naman ni mommy

Tumango tango nalang ako, di na bago saakin ang ganito, kung hindi ikukumpara sa aking mga kapatid ay sa mga pinsan naman. Tatlo kaming magkakapatid, I am the only girl and the youngest.

Si Kuya Harrold na panganay namin ay 2nd year na sa medschool masungit yon pero love na love ko. Marami din at nakakalula ang achievements ni Kuya. Hula ko nga sya ang pinaka favorite sa lahat nina Daddy... Bukod kasi don ay grumaduate pa ito ng Summa Cum Laude sa kanyang premed course.

Si Kuya Harry naman na 3rd year na sa college sa kursong Medtech. Consistent Dean's Lister din ito si kuya at maraming achievements. Kung si Kuya Harrold ay masungit at minsan lang nangiti, si kuya Harry naman ay funny.

After dinner, nag-advance study lang ako para sa discussion namin sa Philosophy kinabukasan.

Kinabukasan pagkapasok ko sa room is diretso kaagad ako sa faculty para gawin ang duty bilang isang SSG President. Nabobother pa ako sa nasuot kong skirt habang nag-aapply ng perfume sa aking wrists dahil maiksi sya compared sa ibang skirt uniforms ko. Wala akong no choice since nasa laundry pa yung iba kong uniform. Alangan namang mag maong pants ako eh may policy kami sa school at alangan namang suotin ko yon ng hindi pa laba. No freaking way!

Malakas ang simoy ng hangin at maulan ngayon rito sa campus kaya sa corridor na muna ang mga studyante imbes na sa paranymphus.

"Good morning Junior High School, students! Please form your lines properly along the corridor for the flag ceremony. Thank you." dinig ko ang sariling boses na umaalingawngaw sa buong campus hudyat para magsimula ang flag ceremony.

"Hanes, late ka nanaman." rinig kong sabi ni Gian sabay baling sa kausap ni Elijah na babae

Kasalukuyan kaming nakabantay sa guard house dahil naroon ang mga studyanteng late narito kami para magbigay ng mga tardy slips. Minu-minuto din akong napapahawak sa aming baywang dahil tumataas talaga ang skirt ko dahil sa hangin! Pucha see through pa naman din 'to

Nakita kong pawisan si Elijah with his polo open allowing me to see his black sando. Halata ring nabasa ng ulan dahil basang basa ang buhok, may hawak naman syang payong pero dahil siguro malakas ang ulan kaya parang basang sisiw. Nakita ko ring may kinakausap syang isang babae na tinulak pa sya na parang nagbibiruan. Sophomore palang 'to ah. Si Vanessa.

Mga PDA. Sumbong ko kayo sa principal dyan ang lalandi.

"Sige see you Elijah!" humagikgik at parang lumiit ang tono ng boses ni Vanessa habang kumakaway papalayo kay Elijah

"Tardy slips mo" binalingan ko si Vanessa na mukhang may plano pang tumakas

"Oh thank you Emy!" humagikgik ulit sya saka bumati kay Gian

Tawa ng tawa wala namang nakakatawa.

"Good morning, Miss Pres!" masiglang bati saakin ni... Elijah

"Morning."

Nakita kong napatingin sya saakin mula ulo hanggang paa habang nakangisi. Nilagay nya din ang payong sa kanyang bag at nakita kong hawak hawak ang tardy slips na bigay sakanya ni Gian. Na-conscious tuloy ako sa tingin nya lalo na't minu-minuto din akong napapahawak sa aking skirt para ayusin.

"Pwede ka nang umalis at dumiretso sa room Hanes." wala sa mood kong sabi at inilagay ko rin ang aking kamay sa aking baywang para ayusin ulit yung skirt ko. Ang uncomfy naman!

"Oh? bat nandito kapa?" pag susungit ko ki Elijah dahil mukhang wala pang balak umalis!

Nakita ko syang nakahalukipkip habang nakasandal sa isang wall malapit sa guard house. Binalingan nya ko at pinasada ko ang tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa.

Hmmm. Walang bago naka uniform pa din. Magulo ang buhok ngunit maganda parin tignan. Nakita ko rin ang butas sa kanyang bulsa ng trouser at konting bahid ng putik sa kanyang sapatos. Ang bag nya ding nakasabit sa kanyang shoulder ay tila ba luma na.

Napansin nya naman kaagad ang pagtingin ko sakanya.

Tinarayan ko nalang din sya at lalapit na din sana ako kay Gian para ibigay sakanya yung ibang tardy slips dahil marami pang nakapila roon at tila ba ubos na yung tardy slips sa kamay nya nang biglang nagsalita si Elijah

"Miss Pres."

"Ano?"

Iniabot nya saakin ang isang paperbag na kinuha nya sa bag nya, mukhang gusot at luma na. Binuksan ko naman din kaagad yon. Binalingan ko ulit sya ng tingin at nakita kong nakatingin sya sa ma baywang ko at kaagad namang umiwas ng tingin.

"Ano 'to?" binalingan ko sya at hawak hawak na ang isang black na sweater na masyado namang malaki para saakin!

"Sweater ko. Bagong laba yan at malinis.... Gamitin mo na... Napansin ko kasing parang hindi ka komportable sa suot mo.." sabay iwas ng tingin

"Wag kang mag-alala.. Nilabhan ko yan may downy pa yan.."

Inaamoy ko naman kaagad yon at mabango nga!

"Thanks"

"Welcome... Ikaw pa malakas ka saakin.." saad nya sa pabulong na boses

"Ano?"

"Ah! sabi ko welcome mauna na'ko, malakas pa naman ang ulan ngayon. Baka liparin ka saakin" pangisi nyang sabi

<3







Pressured by Love (Love Tropes 1) - Academic Rivals To LoversWhere stories live. Discover now