Chapter 11

113 23 5
                                        

"Kapatid mo si Vanessa?" gulat na tanong ko at bumaling naman ulit ki Vanessa para makipag-shake hands

"Ah oo..." saad naman ni Elijah

What the fudge? I thought they're in a relationship. Shet, ang judgmental mo Emy!

"U-uh paano nangyari Hanes ang surname mo Elijah pero nabanggit saakin ni Gian na Tuy ang surname mo... And besides sa school first name basis tawagan nyo..." saad ko

Nakita ko naman na nagbago ang expression ng mukha ni Vanessa ng marinig ang pangalan ni Gian. Tila ba gulat.

Anyway, hindi ko talaga ineexpect na magkapatid sila pero... pwede rin naman since Sophomore palang naman si Vanessa at graduating na si Elijah, that makes sense!

Maganda naman ang visuals ni Vanessa at Elijah pero hindi sila magkamukha. I surveyed both of them, mukhang mata lang 'yata ang magkapareho sakanila. They look like chinese, maliit ang mata na kahit hindi na mag eyeliner ay maganda pa rin!

"We're half siblings po ate Emy... " saad naman ni Vanessa

"Magkapareho kami ng nanay, pero magkaiba kami ng tatay... Ito kasi si bunsoy ayaw na akong tawaging Kuya... Big girl na 'raw siya at baka 'raw wala nang lumapit na boys sakanya..." saad naman ni Elijah at tumango naman ako.

"Kuya ang asim kasi ng pangalan na bunsoy!!" Vanessa exclaimed. Tila ba nahihiya sa mga pagbubulgar sakanya ng Kuya nya.

"Okay..." Elijah shrugged habang patuloy pa rin sa panunukso sa kapatid nya.

"Kuya? Girlfriend mo ba si Ate Harriet?" nakangising tanong naman ni Vanessa habang hawak hawak na ang isang laptop na sa tingin ko ay pag-aari ng Kuya niya.

"Huh, hindi!" pag deny naman ni Elijah

"Eh sabi kasi ni Gia-, ay ng kakilala ko ay may something 'raw kayo" saad naman ni Vanessa

"W-walang k-kami Van, sige na hiramin mo na ang laptop ko huwag nang makulit..." saad naman ni Elijah habang abala pa rin ngayon sa pagpupunas ng mesa

"Yieee, Kuya... Huwag mo nang ideny! Para namang hindi mo binabanggit pangalan ni Ate Harriet habang natutulo-"

"H-huh?" saad ko

"Huwag kang mag-alala ate Harriet! Ikaw lang ang gusto ng Kuya ko at botong boto ako sainyong dalawa. I ship you both, my future sister in law!" nakangising saad naman saakin ni Vanessa na tila ba inaasar ang Kuya niya.

"Vann, pumunta kana nga sa kwarto mo at gumawa ng assignment.. Isusumbong kita kay mama puro ka Roblox!" saad naman ni Elijah

Hindi ko alam kung bakit ako nakangiti. Ang ganda ng bonding nilang magkapatid. God! I am missing Kuya right now! How come kaya na he isn't responding to my texts.

Nakangisi naman si Vanessa habang papaakyat sa kanyang kwarto.

"Where are your parents?" kuryosong tanong ko

"Wala na si papa, si mama naman nandon sa kapitbahay at naglalaba..."

"U-uh sorry to hear that, condolence..."

"Huh? Anong condolence?"

"Your dad, I mean..."

"Hindi pa patay si papa, sumakabilang bahay lang..." patawang sabi naman ni Elijah

"Elijah! Pakitulungan naman ako sa bitbitin, nak. . ." rinig ko ang boses ng isang ginang sa pintuan ng bahay nina Elijah

"Nak, saan mo nabitbit 'to, ang gandang bata naman..." pansin naman saakin ng Mama ni Elijah

"U-uhm mano po, classmate po a-ako ni Elijah.." magalang na saad ko

"Ikaw ba si Emerald?" tanong naman ng Mama ni Elijah tsaka ibinaba na ang isang plastic na dala-dala niya na sa tingin ko ay mga labada...

Hindi halata na may dalawa nang anak ang Mama ni Elijah dahil napakaganda pa rin kahit may mga wrinkles na at parang paputi na rin ang buhok. I sighed, kamukha niya si Elijah.

"O-opo..."

"Kung ganoon, ikaw pala 'yun... Ikaw Elijah ha! Ito ang unang beses na nagdala ka ng babae 'rito bukod kay Cheska... Iha, kumain kana ba? Palagi ka saking kinikwento nitong anak ko.. Dahil bukod 'raw sa matalino ay maganda pa 'raw..." saad naman ng Mama ni Elijah

"Ah opo hehe, s-salamat p-po..."

Teka sino naman si Cheska?

"Ma naman, sinabi ko naman na bawas bawasan niyo na ang pagtanggap ng mga labada. May extrang pera pa naman po ako galing raket..." saad naman ni Elijah sa kanyang Ina na sa ngayon ay inaayos na ang mga damit na sa tingin ko ay laba na.

"Ay naku nak, sayang naman kase ng kita hayaan mo na 'ko... O siya maiwan ko muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng meryendahan..."

"Sige po, thank you po..." bati ko

"U-uh, magsimula na tayo..."

"Sige,"

Niyaya naman ako ni Elijah na pumunta sa kwarto niya dahil mas presko 'raw doon at hindi mainit. Nang makapasok ako sa kwarto niya ay nilibot ko ang aking paningin sa kalooban ng kwarto. Kulay puti ang pintura ng kanyang kwarto, maliit lang rin ang space pero malinis at walang bahid ng kung ano ano ang nakakalat.

Pansin ko 'rin ang mga picture frames na nakapwesto sa dingding at maging ang iilang medalya ni Elijah ay narito. Kanina sa baba ay mayroong medalya pati ba naman dito.

"Na proofread mo na ba 'yung sa conclusion at recommendation?" tanong niya saakin

"Oo na, check mo nalang if may kulang pa. Yan lang naman ang kulang natin, mabuti na nga lang at napaka student friendly ng naconstruct nating title, hindi na tayo nahirapan sa paghahanap ng resources like RRL" saad ko naman

"So... review lang siguro tayo for defense. You know para prepared tayo pag Q&A.

"Sige ba," saad naman ni Elijah habang hawak hawak pa ang papel at nakatingin doon

"Ask me something..." saad ko

"What is the purpose of your study?" tanong saakin ni Elijah

"The purpose and goal of this study is to determine whether the effects of sleeping habits affect students' academic performance. It mainly focuses to answer our Statement of the Problem. Also, to determine whether if there is a significance between sleeping habits and academic performance among our chosen respondents, which is the Grade 9 students. And by that, we can acquire various recommendations to prevent the happening of sleep deprivation among students." saad ko

"Ikaw naman..." saad ko ulit

"Why did you chose Grade 9 as your respondents?"

"The reason why we chose Grade 9 students mainly because their schedule fits the most with our schedule. And by that, we cannot encounter conflicts by giving them survey questionnaires..." saad naman ni Elijah

"Picture tayo," saad ni Elijah

"H-huh, bakit... Para saan?" gulat na tanong ko

"Sa Appendix Emy, for docummentation..."

My cheeks were now turning red! And alam kong napansin yon ni Elijah dahil bahagya itong tumawa na para bang nang-aasar. Pucha, ipakain niyo nalang ako sa lupa at nakakahiya!

"1-2-3, smile!" saad ko nang i-click ang phone ko at mag picture kami ni Elijah

He was leaning closer to me and said.

"Isa pa."

"Sige"

"1-2-3, smile!" saad ko ulit at ngumiti naman sa camera, bago ko paman pindutin ang camera ay napansin ko kaagad ang kamay ni Elijah na naka wacky sign na nasa ulo ko! Nagmukha tuloy akong devil! Iniinis mo ako ha, pwes di mo 'yata ako kilala dahil tinutor na ako pagdating dito ni Lucille!

I smiled again and pull out my tongue at the camera while I am also putting a wacky sign on Elijah's head, as I clicked the camera once again.

<3









Pressured by Love (Love Tropes 1) - Academic Rivals To LoversWhere stories live. Discover now