TW: Mentioned of self-harm
Read at your own risk.Nagpaalam din ako kaagad kay Elijah nang mapansin na nariyan na ang sundo ko. Kaagad na rin akong umupo sa backseat nang mapansin na nariyan si kuya sa passenger.
"Hi sis!" bating bungad ni kuya na nakasuot pa nang shades at naka jacket. bakit kaya 'to nag jacket? Eh kadalasan naka shirt or sando lang siya?
"Kuya!?" I hugged him. I missed him, kahit pa lagi ako niyang inaasar. Simula kasi nung mag-aral siya abroad ay bihira lang kami niyan magkita. At parang nangangayayat rin siya.
"Hi dad." saad ko
Tinanguan niya lang rin ako dahil abala siya sa cellphone. May tinetext.
"Who is that boy?" saad ni dad
"U-uh classmate k-ko po." saad ko
"Baka boyfriend. He seems nice..." saad naman ni kuya
"Hindi kaya!"
"Silence!" saad naman ni dad
"What does his parents do for a living?" tanong saakin ni dad
Pansin ko rin si Elijah na tumayo na dahil papalabas na si Vanessa ng gate.
"I-I don't know, dad"
"Remember, Emy... Do not surround yourself from people with no connections... You better learn to socialize with someone who has the power and of course a money..."
Right now I'm on my room reviewing something related with Biology dahil nagreview kanina si Elijah. Baka mamaya magpa surprise recitation or quiz si sir at magbida bida si Elijah ay ligwak ako sa points!
"Emy..." pagtawag saakin ni kuya
"Bakit, kuya?" saad ko pagtapos siyang pagbuksan ng pinto
"I have something to give you! Pasalubong!"
"Really! Thank you, kuya! Ikaw talaga ang favorite kong kuya hindi na si Kuya Harrold!" ngiti kong sabi nang abutan niya ako ng isang paperbag
Binuksan ko at tumambad saakin ang isang color pink na Timex Q Malibu na pink watch! O My God! Ito yung pangarap na relong matagal ko nang gustong bilhin!
"Thank you so much, kuya!"
"Nga pala, kuya... What brings you here sa Pilipinas, hindi ba't sa August pa dapat ang uwi mo?"
"Syempre napaaga, namiss kaya kita!" ngiting saad ni kuya atsaka pinisil ang cheeks ko
Pansin ko naman ang mga pasa sa kamay niya nang pinisil niya ang cheeks ko.
"What happened to your hand, kuya?"
"U-uh w-wala ito! Tara na kain na tayo!"
Kasalukuyan na kaming nasa dining area kasama si mom and dad. Hindi ko pa rin alam kung ano ang rason kug bakit sinundo ako ni dad... At bakit umuwi si kuya sa Pilipinas. Dahil ang sa pagkaka alam ko autumn break pa siya uuwi.
"Any updates with your card, Emy?" tanong saakin ni dad
"It's not yet release dad. End of May pa po." saad ko
Kinakabahan ako ngayon pero sanay naman ako. Palaging grades ko ang kinakamusta nila. Ni minsan nga hindi nila natanong kung okay lang ba ako.
"Don't pressure her, dad..." saad naman ni kuya nang tinanong naman ako ni dad kung kumusta ang grades ko at nakatingin din siya ng masama kay dad
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni dad tsaka naman ang panlisik ng mata ni mom kay kuya.
"Don't talk to me like that, Harry! You should be thankful that I saved your butt today despite your stupid actions! Akala ko ba matalino ka?! Sinabi ko naman sayong layuan mo 'yang babaeng yan! Tignan mo ang nangyayari sayo! May dos ka!" saad ni dad
"Hindi ka gumaya sa kuya mo... A consistent President's Lister... Akala ko ba, matalino ka? Bakit ang hirap ipasok sa kokote mong pineperahan kalang ng babaeng yan!" galit na sabi ni Mommy
"Stop it! That's it! I am done with this family! Hindi niyo a-alam na sobrang h-hirap dahil wala kayong pakialam! D-Dad, pagod na akong sundin ang mga gusto ninyo! Ni hindi niyo man lang nga ako tinanong kung gusto ko mag med! Hindi niyo alam ang bawat paghihirap ko sa pag-aaral! Hindi niyo nga alam na may PTSD ako! And you have no rights to insult Celine! Dahil binigay niya saakin ang pagmamahal na hindi niyo naibigay at mahal na mahal ko siy-
"Napaka OA at sensitive mong hayop ka! And you have Post Traumatic Stress Disorder? Paano ka magkakaroon niyan eh pag-aaral lang naman ang gagawin mo! Napakasimple lang!" galit na saad ni dad
"Mapagmalaki wala ka pa ngang nararating! Sige lumayas ka at kung saan ka pupulutin ng pagmamahal mo sa basurang babaeng yan!" saad ni mom
Hindi ko alam kung bakit tumutulo na ang luha ko matapos ang pangyayari. Naglayas si kuya sa bahay at walang pakialam ang magulang ko. Ang sakit sakit dahil parang ginagawa nila kaming mga puppet na sunod sunuran sakanila...
Sana naman may konting katiting pang natitira sa isipan nila na mga tao din kami. Anak din nila kami, na marunong mapagod.
To think na may pinagdadaanan pala si kuya. Ang sakit sakit... My mind is overflowing with emotions right now. Parang gusto ko nalang mag rebelde... Napaisip din ako na,
Kailan kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob para ipaglaban si kuya... Ako... At kailan din kaya darating ang panahon na magiging masaya sila sa achievements namin?
Kailan kaya...?
I am currently crying on my room and hugged my pillows after what happened. I decided to call kuya pero hindi siya sumasagot. I decided to text him nalang dahil sa pag-aalala.
Kuya Pogi:
Kuya... I know you can do it. You're the bravest man that I know, so I know you'll get through it. I'm just here so if you needed anything. Call your beautiful sister hehe... Fighting <3
I decided din na i-text si Avery dahil gulong gulo na ang utak ko...
"Hello? Oh napatawag ka Emy!" masiglang bati ni Avery
Ilang araw din kaming hindi masyadong nakapag bonding nang babaeng 'to. Pero ganon pa rin siya nung dati, nariyan para damayan ako...
"Wala lang... Namiss lang kita 'no! Ilang days ka kayang laging sinusundo kaya di tayo makachika after classes" saad ko
"U-uh sadyang may konting fam probs lang hehe... Ano umiiyak kaba?" tanong niya
"Hindi 'no!"
"Huwag ka nang magsinungaling, kilala kita... Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon. I'm sure you'll get over it. I know you can..."
"Thank you so much, Av..."
<3
FYI:
Post-traumatic stress disorder (PTSD) is a mental health condition triggered by a terrifying event, causing flashbacks, nightmares and severe anxiety. The intrusive thoughts and flashbacks associated with PTSD can make it hard to focus on schoolwork, leading to poor performance. Memory problems – Traumatic experiences can affect how the brain processes and stores memories, making it hard to recall information when needed.
"you matter." call this hotline if ur feeling empty they will be willing to listen. love u and your bravest soul <3
Mental Health Hotlines
NEW NATIONAL CENTER FOR MENTAL HEALTH (NCMH) CRISIS HOTLINES
(24/7 mental health crisis phone services):
09178998727 (USAP)
989-8727 (USAP)
YOU ARE READING
Pressured by Love (Love Tropes 1) - Academic Rivals To Lovers
RandomHarriet Emerald Sierra (Emy), an achiever, SCG President, who is always simplified as smart and craves for academic validation. Perfect scores, high grades, is what she defines a perfect life. However, her life changed after a new student named El...