Chapter 9

25 23 5
                                    

"Emyyy! Na miss kita bebe!" pasiglang bati saakin ni Avery at nina Luci din

"Okay ka na. . .?" tanong naman saakin ni Lucille

"Uy okay ka na?" paulit na tanong naman ni Gian

 I immediately embrace them with a warm hug. 

"Ano naman 'to Ems... Hindi nga ako umiiyak sa lalake papaiyakin mo naman ako!" saad ni Lucille

I am so grateful that I am surrounded by these kind of people. 

"Thank you guys, pero okay na 'ko!" saad ko 

After talking to Avery that night ay nagreview lang ako ulit saglit at nakatulog. Pagka pasok ko naman s school ay heto kaagad ang naabutan ko. I bet sinabi na rin siguro ni Avery... I don't mind it all, since lahat naman ng secrets ay sinasabi rin namin sa isa't isa. 

"Tara canteen libre ni Lucille." saad ni Gian

"Pakyu"

"Kumusta research niyo?" tanong ko

"Heto, andaming pabigat! Hayp nakakainis kung pwede lang tanggalin..." saad ni Gian

"Ay pucha, hina mo naman ako nga tinanggal ko na eh. Palibhasa mag mymyday ng nasa mall nagsasamgyup tapos di kayang mag seen sa gc! i rereason out pa na may lagnat pucha naman oh!" pag-rant naman ni Lucille

"Yan leader pa more!" saad naman ni Avery

"Sila yung pumili saakin mag leader, teh..."

"Yan, magdusa ka ngayon!" pahalakhak naman na sabi ni Avery

Hindi na rin ako magtataka dahil lahat naman kami sa circle of friends is kasali sa honors. Matatalino. Pero unlike me, hindi sila ganoon kalala mag crave sa academic validation!

"Dito na tayo dumaan!" saad ni Avery

"Mas malapit ang canteen dito sa SHS Building. Wag ka nang maarte dyan..." saad ni Lucille

"Sus, may iniiwasan ka lang yata..." saad ko

Nung gabi kasing tinawagan ko si Avery ay naikwento niya rin ang bago niyang crush pero after two weeks ay ghinost niya! Ewan ko ba sa babae na 'to!

"Mga may lahi pala bet mo... Retohan nalang kitang afam gusto mo?" sabi ni Gian

"Kapal..." saad ni Avery tsaka akmang sasabunutan si Gian nang biglang lumabas galing sa room ang kanyang ghinost...

Si Tyler. . .

Mukhang hindi maganda ang mood ni Tyler dahil sa nakita niya dahilan para mag walk out nalang ito bigla...

"Nagseselos yata sainyo..." sabi ni Lucille

"Anong s-selos! Walang kami, at bakit naman siya magseselos sa garapatang ito!" saad ni Avery tsaka binatukan si Gian

Nang matapos namin makabili sa canteen ay pumasok na rin ako kaagad sa room para sa next period. 

"Good morning, class!" bati ni Ma'am Puempo

"Good morning, ma'am!"

"Did you do your advance study sa AP?"

"No!" sabi naman nang kalahatan saamin

Kung hindi sila nag-aral, bahala sila. Basta ako nag advance study. 

"Okay, class. Get one half crosswise and write your name and class number... We will be having a suprise long quiz..."

Nagreklamo naman ang mga kaklase ko pero di ko na yon binalingan.

"Ma'am... pagod na po kami. May research pa kami ma'am." saad naman ng isa kong kaklase na akala mo may ambag sa groupings kung maka-reklamo

"As a graduation student, and last year niyo na rin ito sa Junior High and 4th Quarter na don't forget class to manage your time well. Hindi lang research ang subject niyo... Kaya't hatiin niyo ang oras niyo para ma comply ang hinihingi nang bawat subject... is it understood?" saad ni ma'am

"Yes po..."

"Okay, exchange your papers to the person to the person on your left..."

Akala ko yun na ang papel na checheckan ko nang muling magsalita si Ma'am

"Now, exchange ulit sa person na nasa likuran ninyo..."

I was shocked to see na kay Elijah ang checheckan ko. Zero-han ko to eh. 

"Don't forget to put corrected by..." paalala ni ma'am

As I put corrected by emyganda at the upper part corner of the paper of Elijah. I also scanned and browse his answers and handwriting. In fairness, maganda at malinis ang penmanship niya, wala 'ring bahid na erasures na makikita. At maayos din ang pagkaka construct niya ng sentences sa essay part. 

50/50. 

He got a perfect score. Hindi na ako magtataka dahil tama talaga lahat ng sagot niya.

"Return the papers to the owner, class."

Kaagad rin naman nagsitayuan ang lahat para ibalik ang papel. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay habang papalapit ako kay Elijah ay papalapit rin siya saakin. Shocks! ang heart ko!

Siya pala nagcheck saakin. Binigay niya rin naman agad yung papel ko at binigay ko rin papel niya.

I smirked. Perfect.

Kahit na perfect naman na yung score ko ay dinouble check ko pa rin. Nang biglang mapansin ko na may note na maliit pero visible naman na sa pagkakaalam ko ay si Elijah ang nagsulat since siya ang nagcheck. Katabi lang din ng score ko yung note na nakasulat.

50/50.   

Great job, keep up the good work! Don't pressure yourself. Proud ako sa'yo, Miss Pres! <3 143

-Elijah

Pressured by Love (Love Tropes 1) - Academic Rivals To LoversWhere stories live. Discover now