Hapon na nang maka balik kami, sobrang ganda rito sa milan. It is a perfect combination of history and modernity.
Wala sa sariling napangiti ako habang inaalala ang pag lilibot namin kanina, inaamin kong habang tumatagal na mas lalo ko siyang nakikilala ay unti-unting nahuhulog na ang loob ko rito. Ibang iba na siya buhat ng una ko itong makilala.
Napailing na lamang ako sa aking naiisip, mali, hindi tama ito. Ang isang katulad ko ay walang karapatang umibig sa isang kagaya niya. Isang malaking kahibangan fiona.
Napatingin naman ako sa aking sarili sa harap ng salamin at bahagya pang tinignan ang aking kabuuan. Katatapos ko lang kasi maligo. Marahan akong napa ngiti habang inaalala na dati ay para lamang itong isang panaginip sa akin.
Ramdam ko ang unti-unting pangingilid ng aking luha.
Napatingin naman ako sa ibaba ng aking dibdib, at hinawakan ang balat na naroon. Ang balat na aking natamo sa sarili kong ina.
*/Flashback
"Ed, please..'wag mo kong iwan," naka luhod na pag mamakaawa ng aking ina habang umiiyak, naka daop ang mga palad nito taas baba na tila ba desperada na ito para lamang hindi siya iwan ng aking ama.
Napahigpit ang hawak ko sa aking teddybear na binigay ng aking ama, at hindi na rin mapigilan ang aking sarili na umiyak.
"Ano ka ba gretta, hindi na nga kita mahal! Hindi ka ba nakakaintindi?" pasigaw na sabi ng aking ama.
Ngunit hinawakan lamang ng aking ina ang paa nito at niyakap. Tumungo ito at hinawakan sa mag kabilang balikat ang aking ina, sa pag aakalang yayakapin nito ito ay
*pak
"Mama..*hik, papa! Huhuhu" napalapit ako kay mama nang sampalin ito ni papa dahilan para mapa bitaw ito sa kaniya.
Lalong lumakas ang hagulhol ni mama, at niyakap ko naman ito.
Napatingin naman ito sa'kin,"mag sama kayo ng nanay mo, mga walang kwenta!"
Nanlamig ang buo kong sistema nang marinig ang mga salitang 'yon, sa lahat ng tao ay hindi ko inaasahan na maririnig ko 'yon sa kaniya. Lumaki akong malapit sa aking ama, ni minsa ay hindi nito nagawang pag taasan man lang ako ng boses, at kung ituring ako nito ay isang prinsesa.
Tulala ko itong tinignan habang palabas. Ibang-iba siya sa taong nakilala ko, hindi niya kayang sabihin 'yon.. Hindi siya 'yon...
Lalo akong napa hagulgol nang marinig ko ang malakas na hiyaw ni mama habang umiiyak. Lalong nababasag ang aking puso sa aking nakikita.
"Mama..." pag tawag ko rito nang bigla nalang ito nag bababato ng gamit at nag wala.
Lalo akong napa iyak sa takot at siniksik ang aking sarili sa tabi.
"Nangako ka, Ed. Nangako ka! Hayop ka...aarggghh," patuloy lamang ito sa pag wawala na para bang nasisiraan na ng bait.
Pa, bumalik ka na please.
Nagulat na lamang ako ng lumingon ito sa akin ng nanlilisik ang mata, lalo akong kinabahan, " mama..huhuhu"
" Ikaw! Ikaw na bata ka! Ikaw ang may kagagawan nito, kung hindi ka sana ipinanganak ay hindi kami mag hihirap ng ganito!" hinila ako nito
at sinampal.Napahawak naman ako sa aking pisngi sapagkat pati ang aking puso ay nadurog sa malakas na sampal na iyon.
Narinig ko naman ang pag bukas ng pinto at pumasok na mga kapit bahay.
"Gretta ano ba! Mapapatay mo na ang anak mo!" ani ng isa naming kapit bahay. Maging ang iba ay gulat sa kanilang nakikita.
"Pot*ngina, 'wag kayong makialam dito, papatayin ko 'tong batang 'to!"sigaw nito sabay dampot ng basag na baso.
Nataranta naman ang lahat at pilit na pinapa hinahon si mama. Ngunit para itong isang bingi at sinaksak ito sa akin.
*everything wents black
*/End of flashback.
After non ay hindi ko na nakitang muli ang aking ina, maging ang aking ama ay wala na rin akong balita.
Nakita ko nanaman ang aking sarili na muling umiiyak, kahit anong punas ay hindi man lang matigil ang aking luha sa patuloy nitong pag agos na para bang may sarili itong pag iisip.
Sariwa pa rin sa akin ang lahat, para akong tinalikuran ng buong mundo at mag isang hinarap ang reyalidad. Naalala ko pang naisip ko nang wakasan ang aking sariling buhay upang takasan ang pag hihirap na iyon, ngunit mas pinili kong maging matatag.
Ni hindi ko man lang naranasan makipag laro bagkus sa murang edad ako'y nag tatrabaho na. Para akong pinapatay tuwing may makikitang kompletong pamilya, inggit na inggit ako.
Gusto ko rin maranasan na maalagaan, maramdaman ang kalinga ng isang ina. Gusto kong ipag luto ako ako ng aking ama. Gusto ko rin makipag laro at makipag kaibigan. Gusto ko rin pumasok sa eskwela para matuto. Gusto ko rin na masayang kumain sa labas na kasama ang pamilya.
Bakit mailap sa akin ang pag kakataon? Isa lamang akong batang paslit noon, walang kaalam alam sa mundo at gusto lamang makaramdam ng pag mamahal mula sa kaniyang ama't ina.
Lahat 'yon ay pinagkait sa akin ng tadhana.
Mariin akong napapikit habang nakahawak sa aking dibdib at pilit pinapatahan ang aking sarili.
Pinilit kong maging malakas sa murang edad, nilunok ko lahat ng hiya at pang huhusga mula sa ibang tao. Pinili kong lumaban kaysa sumuko sa buhay at tinanggap na lamang ang aking kapalaran.
Kaya nag papasalamat ako kay Ms. Sy sa pag bibigay sa akin ng pag asa. Sa pag mulat sa bagong mundo. Simula nang pumasok ako sa organisasyon, ay nagagawa ko na ang gusto ko. Nabibili ko na ang gusto ko, at tila ba pabor sa akin ang kalalakihan at sa kanila ko nakuha ang atensiyon na hindi ko naranasan noon.
Isang mapait na kahapon na hanggang ngayon ay aking pasan pasan, umayos man ang aking buhay ngunit hindi ko pa rin ito makalimutan. Isa itong virus na naka kalat sa aking buong sistema. Tipong kahit anong linis mo ay hindi na ito mawawala.
Napahawak naman ako sa aking sintido nang maka ramdam ng pag kahilo. Ang sakit ng ulo ko
Nag hilamos na lamang ako at tuluyan ng lumabas habang dumadaing, marahil ay dala lamang ito ng aking pag iyak, itutulog ko na lamang ito, mabuti pa.
To be continuee....
Don't forget to vote and leave a comment guys!💗✨
BINABASA MO ANG
Her Unbelievable Dream
Romance" Hindi man ako ang nakauna sayo pero sisiguraduhin kong mas magaling at mas masarap ako." He whispered, sabay hagkan sa akin. --------------- He start biting his lower lip and his eyes welled up with tears. "I'm grateful that you've given me the...