Chapter 12 (What is Love?)

224 10 0
                                    

Day 4

Nakalipas ang isang araw at himalang walang nangyayari sa amin ni Ken at halos isang araw ko na rin s'yang Hindi nakikita, simula nung mag usap kami sa veranda.

"Ang lungkot naman ng bahay nato" sabay ikot ang mga mata sa buong bahay nandito kasi ako ngayon sa sala.

Well, 4 na araw na ako rito pero ngayon ko lang napag masdan ang kabuuan ng masion ni Mr.chao. Malaki ito at sobrang ganda pero sobrang lungkot ng awra.

Sabagay sila lang naman dalawa ni Ken ang nakatira rito, madalas pang wala 'yung dalawa, so, ako nalang lagi natitira mag isa. Ay! may kasama pala ako 'yung mga maids🤦

Makapanood na nga Lang...

Kinuha ko ang remote at binuksan Ang tv.

'what is love? How do we define it?'-tanong ng interviewer sa isang sikat na artista.

Hindi agad ito nakapagsalita ngunit kitang Kita sa kanyang mga mata ang kislap, kahulugan ng salitang pag-ibig

Ano nga ba Ang feeling pag nagmamahal ka?

Isang katanungan sa isip ko na hanggang ngayon ay Hindi ko pa nasasagot, dahil buong buhay ko Hindi ko naranasang mahalin ng iba, pwera na lang 'yung mga lalaking patay na patay sa akin.

Para sa'kin kasi, nang mabasa ko ito ay tumatak na ito sa aking isipan....

If it's because of her eyes or her lips or her great body.
-----It's not love, it's a LUST.
If it's because of her intelligence or insight about life.
-----It's not love, it's an ADMIRATION.
If it's because she cries everytime u try to leave.
-----It's not love, it's PITY.
If it's because she makes u forget to study and sleep.
-----It's not love, it's INFATUATION.

Nabasa ko 'yan sa triangular theory of love.

Kaya hindi ako basta basta nahuhulog sa ibang lalaki dahil meron akong basehan, sabihin na nating desperada akong yumaman pero di ko ipagpapalit Yung PAGMAMAHAL ng dahil Lang sa pera.

Gusto ko rin naman makahanap ng totoong taong nagmamahal sa akin, na kakatanga diba?? Sabihin niyo ng baliw ako, pero hindi naman masamang umasa diba? kahit na -100 'yung chances na may lalaki pang tatanggapin, 'yung buong pag katao mo kahit ano pa ang pag kakamaling nagawa mo at kahit ano pa man 'yang nakaraan mo mamahalin at mamahalin ka pa rin.

Napailing ako sa aking iniisip at pinatay na lamang ang tv.

Bakit ko ba iniisip ang bagay na 'yon haha karamihan sa tulad ko ay nagiging disgrasyada.

Him POV'

Mula sa monitor ay hindi ko manlang inalis ang titig dito, may something sa babae na ito na hindi ko maipaliwanag kaya naman kinadena ko ang aking sarili.

Ayokong may magawa na naman akong masama, ilang taon na kong naghihirap kailangan ko nang gumaling, at ayoko ng makasakit.

Kapag kasi nawawala ako sa katinuan ay kung ano ano ang nagagawa ng aking katawan, na para bang may sarili itong pag-iisip.

"Aaarrrggghhhhhhhh!!!!!!!!!--"
-----------

DONT FORGET
TO
VOTE😁❤️




Her Unbelievable DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon