Chapter 8: Marc and Jake's Cousinhood

22 6 6
                                    

  MARC

  Bata pa lang kilala ko na si Jake. Lumipat kami sa Manila noong 5 years old palang ako and since then, magka vibes na kami ni Jake. He once rescued me from an abandoned building.

  ~Flashback

  Naglalaro kami nang mga kaibigan ko noon malapit sa aming bahay. We were playing hide and seek and nakakita ako ng abadonado na building. Di siya magandang ideya pero nagtago ako doon kase eager akong manalo sa laro. Matagal-tagal akong nagtago sa isang sulok. Mamaya ay nakaramdam ako nang kulog at bigla-bigla ang pag patak nang ulan. Kinakabahan ako noon kase baka iwanan na nila ako. Mahigit isang oras ako sa isang sulok nang building, nakakatakot at dumidilim na din.

  Gumagat na ang dilim. Wala parin ang nakakatagpo sa akin. Giniginaw at natatakot na ako. Kasabay nito ang malalakas na kulog at pagbagsak ng ulan sa mga yero na nakapalibot sa gusali.

  "Marc! Nandiyan ka ba?!" Sigaw nang maliit na Jake na matapang na naghahanap sa akin. Doon ko na realize na hindi lang si mama ang pamilya ko.

  "Nandito ako!" Sigaw ko at tumakbo siya sa direksyon ko. Naka bota siya at raincoat, may dala din siyang flashlight at isa pang kapote. Hingal na hingal na siya at basang basa. Nakaya niyang pasukin kahit may mga mataalas na bakal at basag-basag na salamin. Nakarating siya kung saan ako naka upo.

  "Tara Marc, labas na tayo, isuot mo itong kapote. Hinahanap ka na nila mama at tita, sa kabilang direksyon sila naghahanap. Tara dahan-dahan lang ah," Pagaalala niya sa akin. Tinignan ko lang siya habang nililigtas ako.

  Sa kaniya lang ako nakatingin habang naglalakad dahan-dahan papalabas nang building. Hinahangaan ko yung katapangan niya. I let my guard down and the next thing I knew, Jake already pushed me outside. Gumuho ang taas na parte nang gusali sa lalabasan namin at na trap siya sa loob.

  "JAKE!!!" Malakas kong sigaw. Sinubukan ko akyatin yung bintana sa gilid. Binasag ko ang ilang salamin na natitira sa frame gamit ang bato . Wala na akong pake kung masugatan ako o hinde, priority ko lang na iligtas si Jake. Pagpasok ko, nakita ko siya, naka higa at walang malay. Nagulat ako at nanginig ang aking buong katawan.

  "JAKE!!! JAKE GUMISING KA!" Muli ang sumigaw dahil sa pagaalala. May dugo na rin sa ulo niya. Mahina akong bata pero kinaya ko siyang buhatin palabas ng window frame. Hindi ko alam ang gagawin ko, kahit sugatan kaming parehas, ako ang nakakagalaw kaya ako ang magliligtas sa amin. Umiiyak na ako noon at nagaalala kay Jake kaya karipas ako nang takbo para hanapin sila mama.

  Nakita ako nila mama na naiyak, bitbit si Jake. Pumunta kami sa hospital at walang hanggan ang pagsesermon sakin ni mama. Sila tito naman at tita nagaalala para sa aming dalawa. Gumising saglit si Jake at sabi kay mama "Tita wag ka mag-alala, niligtas ako ni Marc," Nakamulat lang habang hinang-hina na siya. "Salamat Marc," Habol niya bago siya mawalan nang malay. Humagulgol ako at parating sinisisi ang sarili. Araw-araw ko siyang binantayan, inaasahan na magigising siya.

  Mahigit siyam araw siya na confine pero buti nalang nagising siya. Pinasalamatan ko siya nang marami at nangako na mananatili ako sa tabi niya. Bata pa lang kami noon kaya akala ko mamamatay na yung nag-iisang pinsan na mahal ako.

  ~ End of Flashback

  Habang nagbabasa siya at tinititigan ko ngayon, doon ko na realize kung gaano ka-valuable ng pamilya niya sa kaniya.

AY GINOO, BAT BA AKO NAKATINGIN SA UNGGOY NA ITO? Natalo tuloy ako, piste.

Healed Story by Jay BartholomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon