JAKE
"Put*ngina mo Jake, yabang mo ah!" Akmang lalaban si Thornillio kaso dumating ang adviser ko.
"Jake! J-Jake!" Hingal na hingal ang guro. Napatigil ang gulong sinimulan nang grupo.
"Umuwi ka na ngayon din. Pumanaw na ang Mommy mo. Kakatawag lang nang dad mo! " Naghahabol hininga ang adviser ko. Hindi yon professional pero siguro urgent talaga. F*ck. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Tinignan ko yung apat. Pumaripas ako nang takbo.
MARC
"G*go, pagbabayaran niyo ito..." Bago ko habulin si Jake, sinuntok ko si Ethan sa muka. Pinatawag din sa office lahat nang kasambwat sa gulo, kasama si Ethan doon. Nagmakaawa nalang ako dahil sa kondisyon ni Jake at planong habulin ito.
Paglabas ko ng room, nakita ko si Jake natakbo sa field, basang-basa. Ang bilis niya, mahahabol ko pa kaya?
Binigyan na nang permit yung guard na palabasin si Jake kung magtangkang tumakas ito.
F*ck pinalabas din ako ni kuya para habulin siya kaso masyadong mabilis si Jake. People should't underestimate this guy, he's not only brains and face. Di ko na nahabol dahil din sa lakas nang ulan. Ingat ka bro, susunod nalang ako.
JAKE
My world is slowly drifting apart. Why? Why? Why? Thousands of why's. As I ran faster and faster, I can feel my legs getting numb. I don't care what happens to my body after this. All I want is to confirm if she's really gone.
Salamat Lord may dumaan na tricycle. Basang-basa na ako, wala akong choice. Mom hintayin mo ako. Hindi ko maiwasang umiyak "Kuya sa UST Clinical Division po" Sinabi ko habang hinahabol ko ang akin hininga.
Nakarating ako ng hospital, basang-basa. Naabutan ko nalang na inilabas na nila yung katawan ni mom at kasunod non si dad at Jessica na nahagulgol. Niyakap ko silang dalawa. Hindi ko mapigilang sumigaw.
"Dad! Ano nangyari, sabi mo aalagaan mo si Mom! Ma!! Bakit?? Pinangako mo na mabubuhay ka pa? Bakit? BAKIT!??" Bigla akong nawalan nang malay.
1 day later
"Kuya gising ka na. Uwi na tayo, nakaburol na si Mom sa mansion, private kaya relatives lang ang pwedeng pumunta." Bumungad si Jessica pag gising ko.
"Nagbabantay don si Kuya Marc inaantay ka," duktong nito.
"Wala na talaga si Mom? Akala ko panaginip lang iyon?" Tumulo na naman ang aking luha at niyakap ako ni Jessica.
Tinawag na ni Jessica yung doctor at pede na akong umuwi. Hindi ako makapaniwala. Bakit? Andami kong tanong, Why? Why so early? Why now? Why not later? God are you playing? I prayed for my mother's long life. Did I do something wrong? Am I at fault-
"Kuya wag ka na mag overthink. May plan si God para sa ating lahat. Makakapag pahinga na din si Mom, wala na siyang pain na mararamdaman. Let's move on but not forget," Sabi ni Jessica. Ang bata bata niya pa pero matured na mag-isip. Ginulo ko nalang ang buhok niya at sumakay na sa sundo naming kotse.
Nakita ko ang kabaong ni Mom. I don't know what to do, what to say, what to feel. I stayed blank. Nothing's moving, I feel... Nothing but sadness. I'll never leave you until you leave this house, I love you, Mom.
MARC
Ngayon lang ako pwedeng mag bantay. Jake is pale white, naawa na ako. Kahit anong pakiusap ko, di siya naalis sa tabi ni tita. Hindi nakain sa tamang oras. Bukas nalang ako magbabantay, pagka-galing ko school. Ako na din magdadala nang excuse letter na absent siya 2 weeks.
Sabi niya kanina "Wala na akong pake sa grades ko, i-present niyo nang maayos yung defense ha. Thank you, at goodluck..." Next week na yung defense. In the last 4 weeks, next week will be held all the performance tasks including the research defense.
Pumasok na ako at lahat pinaguusapan padin si Jake. "Marc sorry for gossiping. Ethan already cleared Jake's name and admitted his fault. Sorry for your lost," sabi ng kaklase ko. Dinamayan naman ako nina Leanne, Sydney, at Taylor.
Nakatingin lang sa akin si Ethan. Di nagtagal ay lumapit siya sa aking table "Sorry for everything, sorry for causing trouble. I'm really sorry," paghingi niya nang tawad, habol niya pa ang condolences.
"Bakit sakin ka nahingi nang sorry? Kay Jake ka mag-sorry. Pag hindi ka na niya tinanggap, you have lost me na rin. I'm very disappointed Ethan," Mahinhin kong wika.
"Pwede bang bumisita mamaya?" Malungkot at nagi'guilty niyang tanong. Hindi napigilan ang aking sarili ay nailabas lahat nang galit ko.
"Kapal ng muka mo Ethan! Alam mo, ang bait sayo nang pinsan ko, hindi mo man lang naisip yon? Gusto mo yung maangas ka kaya sumasama ka sa mga g*gong iyon? BAWAL! Hindi ka na nahiya! Hinayaan mong ma-bully yung pinsan ko! Ikaw pa yung nagpakalat nung picture without his consent! And noong nasa lowest point siya nang kanyang buhay, nasan ka? Nasaan yung 'best friend' niya? If you're sorry, hintayin mo si Jake. Sakin? Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa pinsan ko." Sigaw ng inis ko. Buti tinuruan ako ni Jake na kumalma at hindi yung dadaanin sa pisikal na pamamaraan ang paglabas nang galit.
Lumuhod si Ethan sa harap ko. Buti nalang at super aga pa, kaunti palang yung nasa classroom. "Ethan, tumayo ka, wala kang magagawa... Hindi papasok si Jake nang dalawang linggo,"
"Ano???" Nabigla siya at dahan-dahang bumalik sa upuan habang naiyak. Pinagsisihan yung mga ginawa niya. Ilang beses niya din minesage si Jake kaso alam ko nagbabantay yun sa mom niya ngayon.
ETHAN
Ano ba nangyari sa akin? F*ck! I didn't know. I thought Buboy and his group are nice, nagpaloko ako. Put*ngina. Kasalanan ko lahat. Hindi ko alam gagawin ko Jake.
Pinapahid ko ang mga luha ko. Nasa bahay ako, mag-isa. Nainom nang alak. Hindi ko na alam gagawin ko. HINDE! ayaw ni Jake na lasing ka Ethan.
Tinignan ko yung necklace ko "Sorry Jake"
SYDNEY
Bibisitahin ko si Ethan ngayon. Hindi ko pa siya pinapatawad sa ginawa niya kay Jake. Pero jowa niya parin ako, kakamustahin ko lang siya, nagchat na naman ako kay tita na pupunta ako. Magisq lang daw siya dahil nasa business trip ang magulang niya.
Ano nangyari sa lalaking ito? Magisa sa kwarto, punong puno nang alak? G*go ang baho ng alak mo ETHAN! Ang bigat niya, he reeks of alcohol talaga juice colored!
"Sorry Jake, best friends forever" bulong niya habang nililinis ko ang kalat niya.
"Hindi ka papatawarin non sa ginawa mo. Buti may konsensya pa ako na bisitahin ka,"
"Jake don't leave me, we're brothers right," bulong niya pa. Lasing na talaga ito.
"Brother my ass! Tumayo ka dan at maligo ka! Gunggong na ito!" Sigaw ko at hinataw ko yung binti niya.
"Aray! Sorry na talaga Jake" lasing na sabi neto. F*ck I give up.
"Ako si Jake, di kita mapapatawad," pagtukso ko kay Ethan hehehehe.
"Ha? Hinde! Bawal! Mapapatawad mo ako. Mahal kita! Crush kita dati pa! I love youuuu~~" lasing netong sabi at nawalan nang malay.
"WHAT?! Badingg kaaaa? T*nginaaaa!"
Napasigaw ako pero hindi niya narinig. Kunwari di ko nalang nadinig. Makikipag break nalang ako pag oras na. I'll play along nalang.
BINABASA MO ANG
Healed Story by Jay Bartholome
RomanceThis is a work of fiction. All characters, names, businesses, events, and songs in the story are considered fictional. The author also used references in writing and sincerely admits unprofessionalism when it comes to writing. ©Jay Bartholome (Sta...