SYDNEY
"Ayun lang ang sinabi sakin ni Jake, by Monday daw aalis na siya. Hindi sinabi kung saan pupunta, pero siguro lilipat na ng school," Sabi ko habang iniinom ni Ethan yung favorite drink ni Jake, yung iced matcha.
"Ibig sabihin ba nun, di na siya makaka-attend nang moving up ceremony?" Tanong naman niya.
"Hindi ko rin alam Jake, tanong mo nalang si Marc, siguro alam niya na yon. Puntahan mo nang maaga sa Monday," Advice ko sa kaniya.
ETHAN
It was early Monday morning. May practice mamayang tanghali ng moving up ceremony. Pinuntahan ko bahay ni Jake at mukang walang tao. Naghintay ako dito sa labas.
Ilang minuto ay may kotseng dumating at sakay nito ang dad at si Marc.
"Anong ginagawa mo dito? Tito pumasok na po kayo at kakausapin ko lang kaklase ko po," Tanong niya sa akin.
"Alam mo ba kung saan nagpunta si Jake? Marc," Tanong ko at seryoso niyang sinagot.
"Hinatid namin siya sa airport,"
"Ha?? Saan siya pupunta, anong oras flight niya?" Tanong ko habang punapasokang kaba sa aking katawan.
"Sa South Korea... Wag ka nang magtangkang pumunta nang airport, kaninang madaling araw yung departure niya. By this time, nasa ere na siya," Sabi niya at nagpaalam na din.
Napaupo nalang ako sa may tapat nang gate ng bahay nila Jake. Gusto kong umiyak. How could I treat him like that. Hindi man lang ako nakapag paalam nang maayos.
~3 days later
MARC
Ito na ang pinakahihintay nang lahat, ang moving up ceremony. Dapat masaya ang emosyon nang lahat pero parang walang ekspresyon ang nakikita ko sa mukha ni Ethan.
Nagsimula na yung program. We sung, may nag speech, may nag perform. Lastly ibinigay na yung mga medals at certificates. Huling tinawag ang first honor, si Jake. The medal and his certificate was handed to his father. Bago mag speech si tito, may pumasok na truck sa school, punong puno ng bouquets. May mga tauhan na nagpamigay nito. It's a bouquet from Jake with a personal message. All of us got some even yung ibang section ng Grade 10.
"I would just like to thank you for the people who treated my son as their brother, friend, best friend, and as classmate. He's in South Korea na, he will continue his studies there. He was so eager that I didn't even convince him to stay kahit saglit. I'll read his message..."
Most of us are shocked kase biglaang umalis si Jake. Selected people lang ang pinuntahan niya para magpaalam.
"Dear Classmates, Hi, we made it! From all the sections, I was picked to state a message and I'm gratefully honored to have this privilege. Thank you sa lahat nang hardwork ng bawat isa, all those days na kaunti nalang hihimlay na tayo. We have come this far kaya wala nang sukuan. Di man ako ang nagsasalita sa harap niyo, but I want you to know how proud I am to every single of you.
Ps. To all my besties, thank you for being my siblings. Thank you for loving me. To my cousin, Marc, ang kambal-tuko ko. Thank you for being my best brother. Magkikita pa tayo! Dad, stay strong. And to all my family members, thank you for quiding through life. Thank you sa lahat! Maligaya tayong lahat!" Wika ni Tito habang binabasa yung scripture ni Jake.
Lahat kami ay naluha. Si Ethan naman ay walang ekspresyon, pero halatang naiiyak.
Pagkatapos ng program, nakita ko si Ethan sa likod ng stage. Nilapitan ko ito at umupo sa tabi niya.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko at nagpupunas ito ng luha.
"Oo, sorry sorry. Sa tingin mo pinatawad na ako ni Jake?" Tanong niyahabang tinatapik-tapik ko ang likod niya.
"Mabait yung pinsan ko, hindi yon nagtatanim ng galit. By the way, dito ka pa rin papasok Ethan?" Tanong ko sa kaniya.
"Siguro? Kaso pag hindi ako lumipat, maalala ko lang siya ng maalala. Wala ka bang contact kay Jake?" Pagtanong niya sakin.
"Wala siyang contact na iniwan. Ang magaalaga sa kaniya doon ay nanay ng dad niya, tyaka ano naman kung maalala mo siya? Magkikita pa naman kayo,"
"Sa bagay... Sige salamat Marc, maminiss ko kayong dalawa. Ito, simple gift ko, thank you for being my friend." May binigay siyang bag, at umalis na.
Tukmol talaga ito HAHAHA. Spider-Man na brief ang binigay sa akin. Tsk tsk Ethan, mana ka talaga sa akin.
BINABASA MO ANG
Healed Story by Jay Bartholome
RomanceThis is a work of fiction. All characters, names, businesses, events, and songs in the story are considered fictional. The author also used references in writing and sincerely admits unprofessionalism when it comes to writing. ©Jay Bartholome (Sta...