Chapter 3: New Transferee

31 5 2
                                    

ETHAN

  I went to the library to get my books. Naglalakad na ako papunta sa room, suddenly may nabangga akong Grade 10. Mukang mabait pero shocks! First day ko palang may kahihiyaan na akong nagawa. Buti mabait siya. Sino ulit? Si Jake ba yun.

  Mahiyain ako kaso kailangan kong harapin ito. Lumipat ako ng school dahil sa kasalanan na binanta sakin ng dati kong kaklase. I was the victim.

  Pumasok ako sa room na binigay sakin nung adviser. It was 12:32, walang laman yung room kundi bags, siguro naglulunch pa sila.

  Umupo ako sa may bakanteng upuan at nakinig muna sa mga kanta. May pumasok sa room at nakita ko kung sino ito. Si Jake at isa pang lalaki.

  "Oh, Hi Ethan, ikaw nga yung transfer namin. Ito nga pala si Marc, pinsan ko" Bati niya sa akin. Nahihiya talaga ako, kalaki-laki kong tao juice colored.

  "Hi, nice to meet you!" Bati ko naman sa kanila. Kumuha si Marc ng upuan nilang dalawa para umupo sa tabi ng upuan ko. Si Jake ay parang mahinahon, friendly, mukang nerd dahil ng glasses. Si Marc mukang trotropahin ka agad. Para silang extrovert at introvert na magpinsan.

  "Nice to meet you Ethan, teka, kilala niyo isa't-isa?" Pagtataka ni Marc.

  "Aksidente ko siyang nabunggo kanina sa entrance ng library. Dun ko siya nakilala" Sabi ni Jake na dapat sasabihin ko din. Mababait sila.

  "Hahahaha, nahihiya po talaga ako sa inyo, pasensya na," Di ko na alam ang sadabihin dahil binabalot na ako nang hiya.

  "Ayos lang yun, wag ka mag-alala, friends na tayo from now on-" Putol na pagkakasabi ni Jake nang biglang nag ring yung bell. bumalik na sila sa kanilang mga upuan. Nagsipasukan ang mga future classmates ko at nasa akin lahat ng atensyon. Yung social anxiety ko grabe! Tinignan ko si Jake at kinindatan lang ako, siguro emotional support yon huhu.

  Nang maka-upo na ang lahat, pinatayo ako para mag introduction sa harap. Naka-ngiti sakin lahat ng babae at sila Jake at Marc. Tinignan ko lang si Jake kase komportable na ako sa kaniya. Dahil sa warm na ngiti niya, smooth kong nabigay ang intro ko.

"Hi my name is Ethan Joseph Maxwell, 16 years old, I live in Cavite but was sent here in Manila due to private reasons. Nice to meet you all, please allow me to create good memories with you all,"

  After class, nag antay na ako sa may guard house, malapit lang sa main building ng Polmes Bofania. Wala pa yung sundo ko, 30 minutes late siguro yun kase sabi ko 4:00, 3:20 palang. Kilala ko na kalahati ng estudyante sa classroom namin. Lahat ng boys trinopa ako. Mostly naman ng girls, kino-complement yung physique ko.

Nakakapagod pero masaya pala dito sa Polmes Vofania. Nandito ako sa guard house naghihintay habang nagsosound trip.

JAKE

Malalate sundo ko at sinundo si Marc ng mga tropa niya. Pinapaangkas ako sa motor kanina kaso inaalala ko yung susundo sa akin. Yung inarkila kasi namin, si tatay Lito, medyo matanda na. Nag text siya sakin at malalate daw siya dahil may bibilhin sa bayan.

Tumambay muna ako sa guardhouse at napansin ko na may kasama pa pala akong nagiintay. Mostly kase nasa garden or sa field natambay yung iba pag wala pa sundo nila. Nandito naman si Ethan, kausapin ko nalang kase low battery na phone ko, siyempre bored ako huhu.

ETHAN

May kumalbit sakin kaso nahihiya akong lingunin. Baka may mangbully sakin kaya snob ko nalang. Kinalbit ako uli at this time, tinanggal yung headset ko. Napikon na ako at hinarap ko na siya.

"Pasensya na po, kanina pa kayo-" Sumalubong ang nakangiting Jake sa akin. Hala, dagdag na naman sa kahihiyaan ko for today. Nak ng tinapay. "Sorry kala ko kung sino, sorry sorry huhu"

"Ano ka ba, ako dapat nagsosorry kase inaabala kita. Anyways wala pa sundo ko, you want something? Treat ko, dun tayo sa field sa bench tumambay, mas mahangin doon" Bakit niya ako ililibre? Hindi ko alam kung tatanggihan ko ba o hinde, nakakahiya na.

"Bakit ang bait mo Jake?" So sudden, may lumabas sa aking bunganga na di ko naman expect na lalabas. "Ay sorry, may I ask why?"

"Why what? Treat? Wala yun, masyado kasing malakas yung headphones mo kaya pati si manong gaurd nagaalala sayo. Buti tayo lang nandito, kanina pa naggrogrowl yung stomach mo"

Alam mo Jake, gusto ko nalang ibaon sarili ko sa lupa. Hindi nga pala ako naglunch kanina kase di ko alam kung nasaan yung cafeteria. Nahiya nalang ako at inaantay niya ang sagot ko.

"Sige, pero wag mo na akong i-treat, Thank you" Ani ko at nakangiti siyang tumango.

Pagkadating namin sa tapat mg cafeteria, may mga upuan at table sa labas nito at nasa ilalim ng malaking puno. Pina-upo ako ni Jake at siya daw ang kukuha ng food namin. Ang ganda pala dito sa Polmes Vofania, it's relaxing, I enjoy watching my juniors play in the wide fields. Buildings of different departments are big with vines growing in their pillars. Trees everywhere, there is even a small pond near the court with a stage. And people are nice here, I hope.

Nakatunganga ako habang pinagmamasdan ang paaralan nang may dumungaw na nakangiting pogi sa aking paningin.

"Kanina ka pa dan? Sensya na, may mga elemetary student na nakapila kanina," Ani ni Jake at umupo. Binigay niya sakin yung sinabi ko sa kaniya na chicken nuggets, water, at yogurt. Akmang ibibigay ko yung bayad pero pinigilan niya ako. Kinulit ko nang kinulit kase nakakahiya.

"Ethan wag na, treat ko nalang sayo yan," Sabi niya, wala na akong nagawa kundi ngumiti at magpasalamat. Ang bait mo Jake, thank you kase I met you. 

Healed Story by Jay BartholomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon