JAKE
It's Monday na naman. As expected, naghihintay si Ethan at Marc sakin.
"Morning Jake" sabi ni Ethan at "Morning tol" sabi naman ni Marc.
Nakita ko na binigay na ni Marc yung gift niya kay Ethan. Ano pa bang aasahan mo kay Marc? Ang delubyong pinsan ko, binigyan ng Ben10 na brief si Ethan. Napatawa nalang kaming tatlo habang naglalakad sa hallway.
Ganun din ang iba kong classmates lalo na kaming tropa, binigyan siya nang gifts and letters. He's so happy. Pumasok na din ang aming guro at kinantahan muna namin siya bago magsimula ang klase.
After nang morning class, it was lunch na. Pumunta ako cafeteria kasabay yung gang. Syempre kami ni Taylor ang naa'out of place kase mag jowa yung mga kasama namin. After namin kumain, nag decide muna ako na hindi mag basa sa library at tumambay sa field, katabi ng Court, kasama sina Marc at Ethan. While the girls went to the classroom para mag re-touch.
May mga Seniors na lumapit sa amin. "Tara sapi kayo Basketball," Mabait niyang pagkakasabi. Since P.E. day kami, may free time kami after lunch. Sumangayon yung dalawa at ako yung umiling.
"Kayo nalang, pupunta pa ako library" palusot ko kase hindi ako sporty. Nginitian naman ako nang masama nung Senior na iyon. Umalis nalang ako at nakita kong nagaalala yung dalawa sakin pero nginitian ko nalang sila at naglaro na sila.
MARC
"Kapagod maglaro, may class pa tayo mamayang 1:30," katabi ko si Ethan na nagpapahinga sa bench ng court. Galing pala neto mag basketball. Letche, di pede ito! Char~
"Oo nga, musta kaya si Jake? Sa tingin mo, di talaga siya sporty?" Tanong sa akin ni Ethan.
"Sporty yon, alam niya lahat nang sports. Di niya lang alam, magaling din siya. Bata palang kami, siya lagi kong kalaro. Kahit olats ako sa kaniya, lagi kaming nageenjoy,"
"Bakit di siya sumama ngayon?" Pagtanong niya ulit sa akin.
"Kilala mo yung tatlong Seniors na tumawag satin kanina? Sila ang kinakatakutan dito sa Academy. They are Grade 12 students na masyadong superior. They are known for being bullies. Leader nila yung mukang talakitok, yung nag aya sa atin, siya si Buboy. Yung dalawa naman niyang kasama ay sunod-sunuran lang sa kaniya, sina Pelaez at Thornillio," Patango-tango lang si Ethan at nakikinig sa kwento ko. Pero seryoso, ang aasim ng pangalan nila. Char~
"Naging victim niya si Jake," nabigla naman itong si Ethan. Seryoso lang, para kaming nagchichikahan, buti may class ang senior high kaya puro junior ang nasa court.
"That day, Grade 8, parehas kaming transferee ni Jake. He was so naive and timid. We went to the field and we encountered those guys. Nakita nila si Jake at binully ito. Hindi ko man lang napagtanggol ang pinsan ko kase mas malakas sila sa akin. Ang ginawa ko nalang ay tinawag si kuyang guard. Naiyak si Jake noon at niyakap ko nalang. He's too vulnerable,"
Pagkukwento ko kay Ethan. Malapit na din mag time kaya nagpalit muna kami ng white t-shirt at pumunta na ng room. Siguro naman hindi na bully yung mga yun, mabait naman sila kanina noong laro.
Nakasalubong namin si Jake sa arko ng garden, siguro doon siya nagbasa nang books niya. Nagulat nalang ako nang yakapin ni Ethan si Jake. Binasa ko ang labi ni Jake... "Ano problema neto?" At napa shrugged nalang ako ng shoulders at binulong "I D K," wierd netong si Ethan. SUS!
Sabay na kaming umuwi ni Jake dahil nandoon si mama sa bahay nila. Yakagin kong mag video game si James. Pagkadating namin, wala sila doon sa bahay. Sabi nung isang maid doon sa bahay nila, sinugod daw ni mama si tita dahil nahimatay daw ito. Agad namang nagmadali si Jake, hinila ang kamay ko at dinrive yung isa sa mga kotse ng dad niya. Nakita ko ang pagaalala niya pero parehas lang kami ng edad, malalagot kami kase magmamaneho siya. Di ko nalang sinuway dahil ibang magaalala si Jake.
Nakarating kami nang hospital at tinanong namin sa front desk ang pangalan ni mama at ni tita. Pumunta kami doon sa private ward kung saan nagii'stay si tita.
"Mom! A-ayos lang kayo!?" Sigaw at pagaalala ni Jake.
Si tita naman at si mama napatingin kay Jake. "Bakit kayo nandito? Pano kayo nakapunta dito?"... LAGOT! "Ah tita si Jake po-" pinutol ni Jake ang sasabihin ko.
"Nagdrive ako mom, sobra ang pagaalala ko sa iyo," Sigaw ni Jake at tumulo ang luha niya. Pinalapit siya ni tita nang may maamong mukha. Noong nakalapit na siya, pinalo siya sa pwet.
"Diba sabi ko wag kang magmamaneho? Wala ka pang lesensya, makukulong ka nang maagang bata ka!" Pagsesermon ni tita kay Jake. Niyakap naman ni Jake si tita.
"Mom, sorry po. Ingatan niyo sarili niyo ah. Akala ko kung napaano na kayo," Umiyak si Jake at umiyak din si tita. Hinila ko si mama at nagiyakan din kami. BUANG talaga kaming magkakapamilya.
May kumatok sa ward at si Doc yun. "Doc kamusta po si mom?" Agad na tinanong ni Jake.
"Di ko na papatagalin. Your mom collapsed due to loss of consciousness. We did a further examination and our diagnosis is... your mother has Congenital Heart Defect. It means she was born with heart problems. Please refrain from panicking, we can't entirely avoid this problem but we can keep your mom alive. Take this medication and take care of your mom, she's vulnerable." Sabi ni doc sa amin.
Tumingin lang si Jake sa mom niya at niyakap ito. Alam niya na anytime, pwedeng mawala ang mother niya. At pwede daw mahawa sa mga anak at maging sa papa nila pero low percentage lang naman daw ito.
JAKE
Umuwi na kami at sinalubong kami ni dad at Jessica. Sinamahan ni dad si Jessica sa kaniyang shooting sa isang TV show. Bumaba kami sa sasakyan at pinapasok ko na sila kasama si Marc.
Nagusap kami ni dad sa labas at sinabi ko na kinailangan kong makarating doon para kay mom. Di niya nama ako pinagalitan. Noong sinabi ko na yung kondisyon ni mom, napa iyak si dad. Sinabi ko din na wag na silang magaaway.
"Sige anak, salamat sa bravery mo. Aalagaan ko ang mommy mo, keep your focus sa studies ah," Sabi habang naluha siya at niyakap ako. Ang drama naman ng tatay ko, Char~
Pumasok na kami at hinihintay ako ni Marc, si dad naman ay nagpupunas ng luha at yumakap kay mom. Sinamahan naman ni tita si mom para ipagpatuloy ang chikahan nila. Si dad ay tumayo na sa couch at inasikaso ang hapunan namin. Niyakag ko sa Marc sa kwarto ko, expected naman na maglalaro siya COD at magbabasa ako. We're so different from each other.
BINABASA MO ANG
Healed Story by Jay Bartholome
RomanceThis is a work of fiction. All characters, names, businesses, events, and songs in the story are considered fictional. The author also used references in writing and sincerely admits unprofessionalism when it comes to writing. ©Jay Bartholome (Sta...