ETHAN
Naglakad-lakad kami paikot nang mall, katabi ko si jake tapos naka lagay lang yung kamay niya sa bulsa.
"Hoy Ethan! Tignan mo oh! 'The Conjuring Now Showing' tara nuod ako na bahala sa tickets at popcorn! Gift ko nalang sayo" Excited niyang sinabi sakin. Oh f*ck, I may be a big man pero takot ako sa horror.
"Pero-" hindi ko na nasabi na hindi ako mahilig sa horror. Agad niya akong hinatak sa ticket booth, mukang walang nakapila. Kamatayan ko na. Hayaan mo, di ako papabayaan ni Jake. *Sobbing Face*
Naglalagad kami sa aisle papuntang sinehan tinanong ko siya "Ano age mo, may age restriction ah" and he replied "15".
Batang ito, 18+ yung nakalagay doon eh. Di ko nalang pinansin dahil nakakahiya sa edad ko. Mas duwag pa ang matanda kaysa sa bata. Ginulo ko yung buhok niya na para bang chill lang ako. "Mas bata ka pala, tara ako parent mo,"
30 minutes later
"AHHHH g*goo ka Jake! Bat mo ako dinala-dala dito" Kami lang ang nasaloob ng sinehan at gitnang-gitna kami sa screen. Noong nagkaroon ng jumpscare, ako lang yung nasigaw sa aming dalawa habang siya ay nageenjoy. Birthday ko pero bakit ikaw ang masaya. Isang jumpscare na naman ang nangyari at napatalon ako.
Pumikit nalang ako at di ko na kinaya sa takot. Pagbabayaran mo ito Jake. Pagkamulat ko nang mga mata ko, wala pang masyadong ganap na scene. Pagkakita ko, nakayakap na pala ako sa braso niya. Buti nalang at naka focus siya sa plot ng movie. Itinulog ko nalang ang takot ko. Pagkagising ko, tinatapik na ni Jake yung pisngi ko. "Hoy Ethan! Pstt! Tapos na!"
JAKE
Gunggong ba ito? Siya daw ang parent pero siya naman yung takot. Kanina pa siya natutulog at nakayakap sa braso ko,para siyang bata. Tanggalin kp nalang yung mga kamay niya, baka paggising non magmuka pa kaming nasa awkward spot.
Lumabas kami ng sinehan at mukang mas nag enjoy yung hindi naman birthday. May gusto siyang hanapin kaya maglilibot daw siya sa mall, maging ako rin ay gusto maglibot. Nagkahiwalay kami at text nalang daw kung saan ang meet up.
Habang naglalakad-lakad may nakita akong toy store, pumasok ako at tumingin na pwedeng ipasalubong sa kapatid ko. Nakita ko yung limited edition na Pokemon, lima sila in total; si Pikachu, Squirtle, Bulbasaur, Snorlax at si Charmander. Mahilig ako sa pokemon pero may kilala akong mas mahilig dito. Nakita ko yung lockscreen ni Ethan kanina, similar nang pikachu na nakabox at may tatak na ' limited edition'. Binili ko yung lima at bumili nalang ako ng stuff toy para kay mom at kay Jessica.
ETHAN
Nasan na ba yung store nang pokemons? Kanina pa ako paikot-ikot.
May nakita akong necklace sa shop ng Luna, isang friendship necklace. It's black and it has a red and blue gems on it. I bought it para sa amin ni Jake. Anyways nag tanong-tanong na ako sa mga tao kung nasan makikita yung mga pokemons na figurines.
"Doon po sa may toy store malapit sa sinehan" Sabi nung isang gaurd. Pucha! Mali ako nang dinaanan, ang lapit ko na pala.
Pumunta na ako doon dali dali at tinanong yung cashier. "Sorry po sir, yung limang figures na naka display sa case. Nabili na po kanina," Gumuho ang aking mundo, ito lang ang pangit sa birthday na ito.
Nakipag meet-up na ako kay Jake sa center ng Robinsons, sobra ang lungkot ko pero di niya pinansin ito. May bitbit siyang tatlong bag.
"Pasalubong ko sa mom kong may sakit." Sabi niya. He's so thoughtful talaga. Wait ibibigay ko nga pala yung necklace, sana magustuhan niya.
"Jake, I'm thankful for today, thank you for being my friend! Anyways I got us a friendship necklace! Pick what color you like! I know it is small compare sa mga gift mo pero hope you liked it," Sabi ko at nagtaka siya, nginitian niya lang ako, weird pero I think he likes it. Sinuot na naming dalawa, I like it.
"Thank you Ethan, I appreciate it, big or small! By the way, should we call a Grab? Sabay na tayo, same route lang naman ata bahay natin. Baba nalang tayo doon sa sakayan ng tricycle" sabi naman niya. At tumango ako.
Gabi na, this is a fun day, thanks to him.
JAKE
Tumawag ako ng Grab, at natunton ko na si tatay ulit ang magdridrive. Hinintay namin saglit at pagdating nang sasakyan ay binati ko na si tatay ng 'magandang gabi'. Sumakay na kami, nakakapagod ang araw. Sana masaya ang birthday boy.
Nasa biyahe na kami, nagcecellphone lang ako nang biglang may ulo na pumatong sa aking balikat. Ethan must be exhausted.
By the way gunggong nga ang isang ito. Bibigyan ako necklace, couple necklace pa. Di nagreresearch. Kinuha ko nalang yung red kase pang babae talaga yung blue muhehehehe.
Hinayaan ko nalang siya matulog sa aking balikat. Wala naman sigurong mali sa dalwang lalaki yon.
ETHAN
May gentle na tapik akong nararamdaman sa aking pisngi. Pagod ako kaya hindi ko masyadong pinansin kase mabango naman yung hinihigaan ko. Tapik ng tapik. Sino ba ito? Ilang sandali ay iminulat ko ang aking mata kung saan napa ayos ako nang upo.
"Dito na tayo Ethan, gising na," mahihinang sabi ni Jake. Namula ako pero madilim ang sasakyan, tanging ilaw lang sa labas ang nakikita kaya hindi niya nakita ang namumula kong mukha. Mainit lang siguro.
Noong bumaba na kami, nakita na namin yung mga tricycle. Magkahiwalay kami kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa.
"Thank you for accompanying me sa Birthday ko! I had so much fun. Thank you sa time Jake," Naka ngiti kong sabi.
"Thank you rin for inviting me! Andami kong dala," Sabi niya, nagtataka ako dahil tatlong bag ang dala niya, isang malaki at dalawang maliit. Nakakapagtaka.
"Eto! Happy Birthday ulit! Bye na, see you sa Monday, ingat ka pag-uwi. Mag message ka sakin pag naka-uwi kana," Sabi niya at kumaway papunta sa direksyon ng tricycle na sasakyan niya. "Is it a Gift?" Ako ay tulala lamang sa lito. Naka stapler yung bag at pagka bukas ko, nakita ko yung limang limited edition na Pokemons.
Tinignan ko yung direksyon kung saan siya sumakay, pero wala na siya doon. Dali dali akong nag commute pa uwi at nag message sa kaniya.
JEK
iMessage
-23:36-Ethanice
| Seryoso ba ito Jake? Pano mo nalaman na
price obsession ko yung
pokemons? **Sobbing Emoji**JEK
| Oo, nakita ko lockscreen mo earlier andcoincidentally kong nakita sa toy shop. Hope you liked it,Btw thank you ulit sa necklace! Suutin ko everyday**Yellow Heart**Ethanice| Thank you nang marami Jake,
you made me happy talaga! You're the best!
BINABASA MO ANG
Healed Story by Jay Bartholome
RomansaThis is a work of fiction. All characters, names, businesses, events, and songs in the story are considered fictional. The author also used references in writing and sincerely admits unprofessionalism when it comes to writing. ©Jay Bartholome (Sta...