Natapos ang subject namin ng Science at ngayon, lunch break na namin. Ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit parang kabuti itong si Citrus at sunod nang sunod sa akin habang papunta ako sa canteen.
Nakakunot ang noo ko at halatang naiirita sa nangyayari. Hindi naman kasi talaga kami close. Oo nga at magkaklase kami, pero hindi naman kasi ako kinakausap ng mga kaklase ko, dahil nga nandidiri sila sa anak ng prosti. Kaya hindi ako sanay na may taong lumalapit sa akin.
First time lang din niya akong kausapin kaninang umaga. Akala ko ay dahil lang sa kaming dalawa lang ang tao noʼn sa classroom, kaya hindi siya nahihiya na kinakausap niya ako, kasi wala naman nakakakita.
Pero ngayon, kaya sobrang nagtataka ako, ay dahil kitang kita ng mga kaklase ko, at pati na rin ng ibang estudyante, na ang sikat at crush ng buong school na si Citrus ay parang buntot na sunod nang sunod sa pinandidirihan nilang anak ng prostitute.
Hinayaan ko lang siyang sumunod sa akin hanggang sa makarating kami sa canteen ng school. Sanay na akong hindi kumakain ng lunch dahil hindi naman ako binibigyan ng baon ni Mama. Kapag naglalaba ako para sa ibang tao at may kaunting kita, tsaka lang ako nakakakain ng pagkain sa canteen na 'to.
Naupo ako sa dulong parte ng canteen, dahil doon wala masyadong pumupwesto. Bukod sa mainit, medyo mabaho rin dahil malapit na sa basurahan. Nagdala ako ng natirang pandesal kaninang umaga, walang palaman iyon pero okay lang dahil paborito ko naman ang tinapay.
Naupo na rin si Citrus sa harap ko. May bitbit siyang tray, mukhang binili niya rito. May laman 'yong kanin at ulam, at may panghimagas din.
Mas lalong kumunot ang noo ko nang komportable siyang naupo roon at nagsimulang kumain, animoy close na close kami.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang nakasimangot.
Ngumunguya siya nang tumingin sa akin, mistulang hindi alam kung bakit ako naiinis at nagtataka sa ginagawa niya.
"Kumakain? Hindi ba obvious?" kunot noo rin niyang sagot sa akin.
Mas lalong bumusangot ang mukha ko.
"Close ba tayo? Bakit mo ako kinakausap? Hindi ka ba natatakot na makantyawan ka rin dahil sunod ka nang sunod sa akin?" sunod-sunod kong tanong.
Itong lalaking to, mukhang walang pakialam. At mukhang walang sense ang mga tinanong ko sa kanya, base sa reaksyon na binibigay niya sa akin.
"I told you earlier, we're now close. And why would they tease me? People here love me even if I fart in front of them. No one would dare throw hatred towards me," confident niyang sinabi.
"Hindi tayo close, Citrus." I made that clear to him.
He stopped eating as he looked at me again, annoyance is now plastered on his face.
"What did you call me?" he probed.
"Citrus."
His jaw dropped. Mukhang hindi makapaniwala sa sagot ko.
"A-Anong Citrus?! Cyrus ang pangalan ko! What the hell!"
I smirked. Nagkibit ako ng balikat habang inilalabas ang pandesal na baon.
"Well... bagay naman sayo ang Citrus, ah? Tutal, mukha ka namang maasim."
His face turned into a tomato.
Sobrang pula ng mukha niya, I can't help but smirk more.
Serves you right. Akala mo lahat ng tao gusto ka? Hah! Asa ka naman.
"Bakit galit na galit ka kung nakikipagkaibigan ako sa'yo? Aren't you grateful that finally, someone is interested in befriending you?"
"I don't need friends. I'm fine alone," tipid kong sagot at nagsimula nang kumain.
He only looked at me like I'm some puzzle that he needs to solve. I'm not sure what I'm seeing in his eyes. Is he pitying me? I don't need that for sure. I'm doing okay for the last fourteen years of my life, at least, while I'm at school. I'm fine being a loner and I don't need him.
"Iyan lang ang kakainin mo? Pandesal? For lunch?" tanong niya nang makita ang dala kong pagkain.
"Oo, bakit? May problema ka sa pagkain ko?" mataray kong tanong.
That's why I'm fine being alone. I don't need judgments from people. I've had enough just being a prostitute's daughter. Pati ba naman ang pagkain ko, huhusgahan din? E sa wala akong pambili ng katulad ng kinakain nila, kasalanan ko ba 'yon?
"Wala. Pero mabubusog ka ba niyan?" he asked... genuinely? I'm not sure.
Tumango lang ako bilang sagot. I hate explaining myself to anyone. What you see is what you get, ika nga.
Tumayo siya kahit hindi pa siya tapos kumain. Ang pagkain niya ay hindi pa naabot sa kalahati ang nauubos. Tapos na ba siya?
Pero iniwan niya ang bag niya rito. Saan yun pupunta?
Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain ko. Bahala siya. Mabuti na rin at umalis siya sa harap ko. Hindi na ako mabubwisit.
Kaya lang... isang pandesal pa lang ang nakakakain ko at mayroon pang tatlo na natitira, ay bumalik siya sa lamesa ko. This time, he's holding a tray, with a lunch meal and drinks.
"Ang takaw mo naman?" puna ko sa gulat.
Hindi mo kasi maiisip na kaya niyang umubos ng dalawang meal dahil payat naman ang katawan niya. Matangkad lang.
"Who said that this is for me?" His forehead creased.
"Huh?"
Inilapag niya ang tray at inumin sa harap ko bago siya naupo ulit sa upuan niya.
"Eat appropriate food in every meal of the day. May PE pa tayo mamaya, paano ka makakasayaw ng tinikling kung gutom ka?"
I was... flabbergasted.
He bought this meal for me? Bakit? Dahil ba naaawa siya sa akin?
"I don't need your pity, Cyrus. Okay lang ako sa pandesal. Nabubusog ako roon," I said seriously.
"I don't pity you, Rhian. Binigyan lang ako ni Lola ng extrang baon kasi tumama siya sa jueteng. Sabi niya ay manlibre ako ng kaibigan. That's why I treated you. It's no big deal." He proceeded to eat.
"But we're not friends." I blurted out. Iyon naman ang totoo.
"Delulu ako, eh. Sakay ka na lang," aniya sabay tawa.
Umiling ako sa utak ko. Ewan ko sa'yo, Citrus.
Matalim pa rin ang tingin ko sa kanya kahit na nagsimula akong kumain ng pagkain na libre niya. Hindi na ako tatanggi sa grasya. Kailangan ko rin naman talaga ito dahil kailangan namin ng energy para sa PE.
"Sabay ulit tayo bukas, ha? Libre kita ulit. Mukhang mananalo ulit si Lola sa jueteng," he said as he smiled genuinely at me.
BINABASA MO ANG
Kissing the Agony (Agony Series #1)
RomanceRhian Amelie Bueron has always been weighed down by the judgments that come with her chosen path. In a world that rarely takes her seriously... be it in society, in life, or in love. She's learned to live with the whispers, the stares, and the sile...
