"Teacher Rhian, gusto mo bang sumama sa amin?" tanong ni Teacher Felly, isa sa mga co-teachers ko sa school.
"Saan po?" Ngumiti ako sa kanila.
Nasa faculty kami at tapos na ang work hours ng mga part-time teachers, kasama sila Teacher Felly at Teacher Rona, sila ang nag-aaya sa akin.
"Magkakape lang sana, sa may tapat lang ng Uptown. May bago raw kasi na coffee shop doon at aesthetic daw. Sama ka na!" masayang wika ni Teacher Rona.
Parang alam ko na ang tinutukoy nila dahil ilang beses nang dumaan sa social media ko ang videos tungkol sa bagong coffee shop sa tapat nga raw ng Uptown mall sa BGC.
It's Friday today, which means teachers and staff are allowed to wear business casual attire. From Mondays to Wednesdays, we wear our official school uniform for teachers, and every Thursday, we wear a polo shirt that's also part of the school's designated uniform.
Napatingin ako sa suot nila at agad kong napansing handang-handa nga sila para sa araw na 'to. I glanced at my own outfit and realized I looked presentable too. Dressed in a beige suit over matching trousers, with a white tank top tucked neatly inside and beige stilettos to finish the look... I looked sophisticated, fashionable, and every bit like the woman I've grown into.
Teacher Felly and Teacher Rona are closer to my age, the reason why they are also my closest acquaintances in the school. We all clicked because I find them too funny, I laughed at their jokes most of the time. Hindi kasi maintindihan ang humor nila dahil ibang generation na yung ibang teachers.
"Sige po, sasama ako sa inyo. Medyo kailangan ko rin ng kape ngayon," sambit ko habang inaaayos na ang gamit.
"Ayun! Ay, bakit pala? May shoot ka mamaya?" interesado nilang tanong. Lumapit pa sila lalo sa cubicle ko para mang usisa. Ngumiti lang ako sa kanila.
"Sus! Si Teacher Rhian sobrang humble! Hindi naman sikreto dito sa school na model ka, lalo na at madalas madaanan sa EDSA 'yong ilang billboard mo." Humagikhik sila at sinundot pa ako sa tagiliran. Tumawa naman ako at lumayo ng kaunti dahil nakakakiliti ang pagtusok nila sa aking tagiliran.
I'm really not that comfortable talking about my modeling career. It's not that I'm embarrassed by it. It's just that I don't want people to think I'm flaunting my full-time job or rubbing it in their faces.
Sabay-sabay kaming lumabas ng school at dahil lagi ko naman dala ang sasakyan ko, isinabay ko na rin sila doon. Ako ang mag dadrive, syempre. Si Teacher Rona sa shotgun seat at si Teacher Felly naman sa likod.
"Ganda talaga ng sasakyan mo, Teacher Rhian! Mukha pa rin bago!" si Teacher Felly.
"Matagal na 'to sakin, Teacher. Talagang iniingatan ko lang dahil nakakapanghinayang bumili ng bago," sagot ko nang nakangiti, hindi inaalis ang tingin sa daan.
Ilang puri pa nila sa sasakyan ko habang ako naman ay tuloy lang sa pagmamaneho, nang biglang tumawag si Dorothy.
"Hello," salubong ko sa tawag ng kaibigan.
"Hello, teh. Saan ka ngayon?"
"Uhm, papunta ako sa BGC. Sa may Uptown, magkakape lang kasama ang ilang co-teachers. Bakit?" tanong ko dahil minsan na lang naman siya mag aya sa akin dahil nga busy rin siya sa food business niya. Hindi naman siguro siya mag aaya ngayon?
I suddenly feel guilty because what if she's really about to ask me out today? I don't want to decline her but I'm already with my co-teachers!
I bit my lip, slightly nervous because I don't want to upset my dearest friend.
Hindi rin kasi kami lumalabas ng biglaan. Lagi ay buwan o ilang linggo namin pag uusapan at pagkakasunduan bago ang mismong lakad. Nakakapanibago sa kanya kung biglaan ang gusto niyang lakad namin.
BINABASA MO ANG
Kissing the Agony (Agony Series #1)
RomanceRhian Amelie Bueron has always been weighed down by the judgments that come with her chosen path. In a world that rarely takes her seriously... be it in society, in life, or in love. She's learned to live with the whispers, the stares, and the sile...
