Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Na si Cyrus ay nandito sa Maynila para sa akin. Na matapos ang ilang taon kong pagtatago, ilang taon ng pananahimik, hindi man lang niya ako nakalimutan.
Akala ko noon, mabilis lang niya akong malilimutan. Akala ko, makaka-move on siya agad dahil sa totoo lang, wala namang malinaw na relasyon sa pagitan naming dalawa. Pareho naming alam 'yon. Na ang namagitan lang sa amin noon ay ang mga katawan namin, hindi damdamin.
Pero ang mas hindi ko mapaniwalaan... ay ang katotohanang kilala niya ako. Na matagal na pala niya akong kilala. Na siya pala ang lalaking minsan ko nang nakasama, at kahit lumipas ang ilang taon, hindi niya ako kinalimutan.
Hindi ko alam kung anong tawag sa ganito. Tadhana ba? Katuwaan ng uniberso? Pero ang alam ko lang, parang imposible. Parang hindi totoo.
Pagkatapos ng high school, sa dinami-dami ng puwedeng mangyari, nagkita kami ulit. At hindi lang basta nagkita... nagkita kami sa pinaka-hindi inaasahang lugar. Sa Davao, gayong pareho naman kaming tagalungsod. Pareho kaming taga-Maynila.
"Dorothy," I called my friend after that dinner with Cyrus. Dahil dala ko ang sasakyan ko, siya na ang nagmaneho noon. May dala rin siyang sasakyan na binalikan niya lang sa BGC dahil hindi siya pumayag na hindi niya ako maihahatid sa condo ko.
Kakatapos ko lang maligo. Ngayon, nasa kama na ako, nagpapatuyo ng buhok sa harap ng electric fan. Naupo ako sa dulo ng kama habang nanonood ng TV, kasabay ng pakikipag-video call sa matalik kong kaibigan.
"Hello, Rhian!" Masaya niyang salubong sa tawag ko. I am sensing she knows something about what happened. Tutal, kanino pa ba malalaman ni Cyrus ang tungkol sa mga nangyayari sa akin kung hindi sa kanya lang din?
"Sinabi mo sa kanya 'no?" Tanong ko sa kanya habang nanliliit ang mga mata.
"Sorry," she laughed awkwardly, flashing a slow, hesitant peace sign.
Umirap ako. "I knew it! Kaya mo ako tinawagan kanina!"
"Sorry na... e kasi, namilit 'yong tao. Tsaka... ang tagal na rin niyang naghihintay, Rhian. Sa tingin ko lang naman e panahon na para makapag usap kayong dalawa tungkol sa nararamdaman niyo sa isa't isa," mataman niyang sinabi. Tumango tango pa ito na akala mo e kasang-a-sang ayon ang sinasabi niya.
"Huh? Baka siya ang may nararamdaman para sa akin? Ako? Wala, Dorothy."
Umismid siya roon. "Sus! Sige, Rhian! Mag deny ka pa! Kunwari na lang nakalimutan ko na 'yong mga pagtatanong mo sa akin ng tungkol sa kanya. Kunwari rin hindi ko nakikita na sa tuwing may shows ka, hindi ka palinga linga sa mga audience na animo'y may hinahanap pang iba bukod sa akin."
"Ikaw ang hinahanap ko—-"
"Ateh??? Nasa harap mo lang ako palagi! Dahil nirereserba mo ako ng upuan. At doon pa lang, alam mo na agad saan ako dapat nakaupo. Kaya bakit mo ako hahanapin?" Nag taas siya ng kilay sa akin.
I sighed heavily and bit my lip. Alright. Okay. Sige na. Hinahanap ko na.
"See?! I was right!" She even clapped to prove her point. I only smiled shyly.
"So... anong nangyari? Nag usap na ba kayo? Nag kiss? Bakit nasa condo mo ikaw at wala kayo sa hotel?" Sunod-sunod niyang tanong na ikinagulat ko naman lalo na 'yong huli!
Did she expect me to fuck Cyrus right away, after years of being apart?!
Ah, bakit, Rhian? Kung hindi ba right away, okay lang?
"Walang kiss, Dorothy. At mas lalong walang sex! Nag usap lang kami!" I hissed.
"Ay." She sounded so disappointed. "Ang bagal naman pala ni Cyrus."
BINABASA MO ANG
Kissing the Agony (Agony Series #1)
RomanceRhian Amelie Bueron has always been weighed down by the judgments that come with her chosen path. In a world that rarely takes her seriously... be it in society, in life, or in love. She's learned to live with the whispers, the stares, and the sile...
