Chapter 40: Kissing the Agony

157 3 0
                                        

I had seen it in movies before. The rigid rows of beds, gray walls, that sense of order, but stepping into Cyrus' barrack for the first time felt different.

It wasn't just a room. It was a world contained in concrete. Simple, sturdy, and quiet in a way that spoke of discipline more than silence.

I sat on Cyrus' bed in the barrack. I glanced at the men just beside me, and I can't help but roll my eyes.

Kanina pa hindi matahimik ang dalawang hunghang na 'to sa gilid ko.

"Shhh!" saway ko sa kanila.

"Ikaw kasi, Ethan! Ang harot harot mo." Singhal ni Cyrus sa kaibigan.

"Ikaw ang maharot! Na-miss mo lang ako, e!" Si Ethan at ambang susuntukin si Cyrus.

"Pre..." Si Cyrus na nag puppy eyes para hindi siya tuluyang suntukin ni Ethan.

"Pre..." Si Ethan na ibinaba ang kamao at niyakap na lang si Cyrus.

Hinilot ko ang sentido ko. Ibang iba sila kapag nasa trabaho at kapag ganitong tumatambay lang. Parang mga sira ulo e.

"Eww, kadiri naman pre. Baka magselos girlfriend ko niyan." Si Cyrus habang inaayos ang unipormeng nagusot dahil sa yakap ni Ethan.

"Arte mo! Noong naghahabol ka pa kay Rhian parang di mo ko niyayakap, ah?" Si Ethan at tuluyan na ngang binatukan si Cyrus.

Pinakasalan ni Madi 'to? I shook my head in disbelief.

Ilang saglit lang ay may narinig kaming katok sa pintuan. Lumapit si Cyrus at binuksan 'yon.

"Lieutenant Marquez," ani isang sundalo at sumaludo sa dalawa kong kasama. "Naghihintay na po si General sa kanyang opisina."

"Sige, punta na ako," ani Cyrus at humarap sa akin. Marahang halik ang idinampi sa aking noo bago bumulong. "I'll be quick." Tumango naman ako.

Kaya niya ako isinama ngayon ay dahil mabilis lang naman daw siya. Magrereport lang siya sa General nila at pati na rin sa intelligence team. He's still part of it because they can't let him go. He's an asset and he's too good.

Nakaalis na sila Cyrus at ang nagpatawag sa kanya nang biglang tumayo na rin si Ethan.

"Mauna na rin ako, Rhian. Kailangan ko na rin magreport... kay Misis," aniya at pilyong ngumisi. Ngumiti lang din ako at tumango.

Nang lumipas ang tatlumpung minuto ay nabagot na ako at nakaramdam na rin ng gutom, kaya napagpasyahan kong lumabas muna ng silid at magtungo sa canteen nila rito.

Medyo nakaramdam ako ng hiya nang makarating ako roon dahil puro mga sundalo ang naroon. Ang titikas sa kanilang mga uniporme, kahit ang mga babae ay ganoon din ang itsura.

Para akong pusang naligaw sa lungga ng mga aso, ah.

Babalik na sana ako ulit pero parang mas nakakahiya 'yon. At parang wala naman silang pakialam sa akin dahil busy sila sa kanilang pagkain at pakikipagkwentuhan.

Nagtungo ako sa counter at umorder na ng pagkain ko.

"Fried chicken and rice lang po, at isang soft drinks."

Dala ang tray ng pagkain ay nagtungo ako sa lamesa sa dulo, pang isahan lang iyon kaya tamang tama lang sa akin.

"Dylan, paabot nga nung toyo," ani isang pamilyar na lalaki.

"Itaktak mo na lang yang nasa ulo mo," sagot naman nung Dylan.

Muntik na akong masamid sa kinakain ko nang marinig ko ang bangayan sa katabing lamesa. Napalingon ako sa kanila at nakitang puro lalaki ang mga 'yon. Apat na lalaki na halos pare-pareho ng pangangatawan, at parang halos ka-height din nila Cyrus at Ethan.

Kissing the Agony (Agony Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon