PROLOGUE

41 7 6
                                    

All my books are gone. I forgot where they are. Ilang taon na ang lumipas simula nang magamit ko ang mga iyon. Nang maalala ko naman, wala na ang mga iyon sa pinaglagyan ko. Siguro ay pinamigay na ni Mommy?

“Mom? Did you see my books?”

Nasa kusina si Mommy. Abala sa pagbake ng mga cookies. Pinuntahan ko siya para mas matanong ko siya ng maayos.

“Mom, did you see my books?” I asked again.

She look at me and frowned.


“What books? Ask yaya. Sila ang naglinis ng room mo,” she answered.

Hindi na ako sumagot at pumunta na lang ako kung nasaan sila yaya. Kailangan kong mahanap ang books ko.

“Yaya, where’s my books?” I asked yaya Sita.

Natigil siya saglit sa pagwawalis ng mga tuyong dahon sa garden.

“Baka nasa bodega na, Sol. Nasa isang box na kulay itim. Kailangan mo pa ba iyon?”

Agad akong tumango.

“Yes, yaya. I need that. Ako na ang kukuha. Ituloy mo na lang iyang ginagawa mo,” sabi ko naman.


Hindi na ako naghintay pa ng tugon ni Yaya. Agad akong tumakbo papunta sa loob. Sa kusina ako dadaan para makapunta sa bodega. Nasa likod ng bahay iyon. Doon nilalagay lahat ng mga gamit na balak ipamigay ni Mommy sa mga nangangailangan. Hindi pwedeng masama ro’n ang mga libro ko.

Years ago, Lola made a book for me. Ngayon ko lang ulit iyon naalala kaya ko hinahanap. I need to find that book. Marami akong kailangang malaman at sa librong iyon, doon ko makikita ang sagot sa mga tanong na nasa isip ko.

“Where you going?” Mom asked.

“Sa bodega. I need to find my books!”

Agad kong binuksan ang pinto ng bodega at binuksan ang ilaw. Maayos ang bodega namin. Nililinis din ito nila yaya. Maayos na nakalagay ang mga gamit kaya hindi mahirap hanapin ang mga kailangang hanapin dito.

I saw the black box. Nasa tabi iyon ng mga drawer. Lumapit ako at agad iyong binuksan. I saw a lot of books. Binuklat ko ang mga iyon at hinanap ang kaisa-isang libro na ginawa ni Lola para sa akin.

“Where’s that book? I need it...”

Hindi ko mahanap. Naalis ko na lahat ng laman ng kahon pero wala ang librong hinahanap ko. Imposibleng mawala na lang iyon basta-basta. Hindi kaya napamigay na iyon ni Mommy?

“Josaiah...” I uttered.


Years passed. They thought I am crazy. Hindi sila naniniwala na lumabas si Josaiah sa librong binabasa ko. Sa librong ginawa ni Lola para sa akin.

Mom and Dad put me in mental hospital. My own parents did that to me. Sa pag-aakalang nasisiraan na ako ng bait, mahigit tatlong taon nila akong nilagay sa lugar na iyon.


“Where’s the book? Josaiah...where are you?” I whispered to myself.

I felt a heavy feeling in my chest. My tears slowly fell down in my face. I bow my head and let my tears fell down. No one can hear me here. I can cry here.


“Huling beses na nakita kitang umiyak...ay ang araw na nagpaalam ako sa ’yo.”

Mabilis kong na-i-angat ang ulo kong nakatungo nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

He’s here. He’s standing in the dark side of this room. Hindi kayang bigyan ng liwanag ng ilaw ang buong bodega, kaya sa parte kung nasaan siya ngayon ay medyo madilim.

Ang matangkad niyang bulto ay unti-unting lumalabas sa dilim. Palapit siya sa akin. Para naman akong natuod sa kinatatayuan ko. Ang pagtulo ng luha ko ay natigil din. Nakatitig lang ako sa kaniya habang palapit siya.

I’m not crazy, right? Nakikita ko talaga siya sa harapan ko ngayon. Totoo siya. Si Josaiah na nasa libro ay nasa harapan ko ngayon.

“You missed me?” he asked.

His hand went to my face. He wipes my face. Hindi ako kumukurap habang nakatitig sa kaniya. Sa takot na baka sa pagkurap ko ay mawala siya sa paningin ko, pinilit kong huwag kumurap na lang.


“Why are you silent, Sol?” he said again.

Another tears fell down in my cheeks. He wipe it easily while looking at my eyes.

“You... You are here. I am not hallucinating, right? You... You are really here...”

He smiled.

Oh please. Ayaw kong isipin na nababaliw na ako. Totoong nandito si Josaiah sa harapan ko. Pero paano ko iyon sasabihin sa magulang ko? Iisipin na naman nila na nasisiraan ako ng ulo.

“I’m back, baby. I came back for you,” he whispered.

He pull me to him. He hugs me so tight. I can feel his warm body in mine. His not normal warm body. It’s been years since I felt this.

“I’m fine, right? I’m not crazy, right? T-totoong lumabas ka ulit sa libro ’di ba?”

Hindi ako matitigil hangga’t hindi niya iyon nasasagot. Gusto kong masiguro na hindi ako nababaliw o naghahalusinasyon lang. Hindi ito isang ilusyon na gawa ng isip ko. Hindi ako baliw.


“Solemn? Nandiyan ka pa rin ba sa loob? Bakit ang tagal mo?” si Mommy.


Napatingin ako muli kay Josaiah. Tipid siyang ngumiti sa akin at kumalas sa yakap. Bigla akong nakaramdam ng takot sa ginawa niyang iyon. Takot na baka bigla siyang maglaho.

“Solemn?” si Mommy ulit.


Bumalik si Josaiah sa dilim kung saan siya nanggaling kanina. Agad akong sumunod. Saktong pagkapasok ni Mommy rito, ay ang pagkita ko naman sa librong hinahanap ko.

Fuck! Josaiah is not here again. Bigla siyang nawala, at nagpakita ang librong hinahanap ko.

“Why you took so long here?” Mom asked.

She look at my hand. Hawak ko ngayon ang librong hinahanap ko kanina. Ang libro kung saan lumabas si Josaiah noon. Ang librong nagpakita ngayon, matapos maglaho ni Josaiah.

“I found my book, Mom. I found ochinaide,” I said.



--------------
This is the new version of Ochinaide. Mula sa old version na OCHINAIDE, KEKKA, at MAHIKA, sa book na ’to magiging isang kwento lang ang tatlong mga nauna (sana gets ninyo) may mga nabago, may mga nangyari na sa lumang version. Thank you!

Ochinaide (The New Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon