16

7 3 0
                                    

Nakatingin siya sa akin. Katatapos ko lang kumain at napalakas pa ang dighay ko. Medyo nahiya pa ako sa kaniya. Pero sa sobrang tahimik at seryoso niya, pakiramdam ko ay wala naman siyang pakielam sa nakakahiyang pagdighay ko

He hold my hands. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak ngayon sa akin. Sa sobrang puti niya, nangingibabaw iyon sa kulay ng balat ko.

“What happened three days ago?” he asked.

I blink many times. I remember Dom’s friends touching me. I felt the shivers in my body. I was scared. I thought that was my last day of my life.

“I... I was unconscious the past two days. Ang sabi ni Dom ay tinuturukan nila ako palagi ng pampatulog,” sagot ko.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nanatili ro’n ang tingin ko.

“Before that, what happened? Bakit ka nakuha nila Dom?” tanong niya ulit.

Inalala ko ang mga nangyari bago ako makuha nila Dom. Nasa room na ako no’n nang abutan ko sila.

“Maaga akong pumasok no’n. Naabutan ko sila Dom sa room. Sabi niya ay sumama ako sa kaniya kung gusto ko raw makita si Nihannah,” sagot ko.

Nang tingnan ko siya sa mga mata ay purong galit ang nakikita ko ro’n habang nakikinig siya sa sinasabi ko. Salubong ang kilay niya at parang ano mang oras ay magagawa niyang sugurin si Dom at patayin sa pamamagitan ng bugbog.

“Akala ko kasi talagang nasa kanila si Nihannah. Hindi na ako nagdalawang isip na sumama. Hindi ko na naisip na tawagan muna si Nihannah. Tapos...nung nasa van na kami ay may pinaamoy sa akin at nawalan ako ng malay. Paggising ko...paggising ko nasa madilim na kwarto kami tapos nakagapos ako. Tapos...tapos...”

Niyakap ako ni Ryo. Nanginginig na pala ako sa pagkukwento. Mahigpit niya akong niyakap at doon tuluyang bumuhos ang luhang pinipigilan ko.

“They touch me. Kung hindi ka...dumating. Baka kung...baka kung ano nang nangyari sa akin. Baka...baka kung ano na ang ginawa nila sa akin,” nahihirapang dagdag ko pa.

Walang tigil ang pag-iyak ko nang maalala ko ang mga nangyari. Hindi ko alam kung paanong nakarating si Ryo ro’n nung mga oras na ’yon pero nagpapasalamat ako ng sobra. Dahil kung wala siya no’n, baka nga na-rape na ako or baka namatay na ako ro’n.

Pinakalma ko ang sarili ko. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Sinikap kong tumigil sa pag-iyak para makausap ko siya ng maayos. He’s intently looking at me right now. Ang daming emosyon sa mga mata niya pero mas nananaig doon ang galit. Hindi ko alam kung galit ba siya sa nangyari sa akin. Siguro nga ay iyon ang dahilan.

“Nasaan si Nihannah?” iyon ang naging tanong ko nang makalma na ako.

Ryo still holding my hands. Hindi ko na pinuna pa iyon o inalis. May parte rin sa akin na gustong maramdaman ang hawak niya. Para bang noon pa man ay sanay na ako sa hawak niya.

“She’s fine. Nasa bahay nila. Nang malaman niyang nawawala ka noong unang araw pa lang, nag-alala na siya. Nang lumipas pa ang araw at wala pa ring balita sa ’yo, tumulong na siya sa paghahanap, nagpatulong din siya sa parents niya,” sagot niya.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa narinig kong maayos lang si Nihannah. Iyon naman ang importante sa akin, ang walang masamang nangyari sa kaniya.

“How about Dom? Nasaan na siya? Ang mga kasama niyang dumukot sa akin, nahuli ba silang lahat?” tanong ko ulit.

Muli ay humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Ramdam ko ang galit niya ro’n.

“Yes. Nasa kulungan na silang lahat. Nakitaan din ng drugs sa mga bulsa ng ilan sa kanila. And that fucking asshole Dom, he’s an addict. Nakadrugs din siya nung mga panahong kasama mo siya,” mariing sambit niya.

Ochinaide (The New Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon