09

6 3 0
                                    

Intrams na namin. Lahat ay nakacivilian ngayon dahil ang karamihan ay sasali sa mga sports. Mamaya pa ang pageant kaya pwede pang sumali si Nihannah sa ibang laro. Parehas kaming nakashort shorts ngayon at nakaloose t-shirt. Nakatali ang buhok ko at ang sa kaniya naman ay nanatiling nakalugay.

“Bili muna tayong snacks, gutom na naman ako,” aya niya.

Mamaya pa magsisimula ang susunod na laro. Volleyball iyon at kasali kami ni Nihannah. Minsan lang akong sumali sa ganito, kapag kailangan lang talaga. Ayaw ko sanang sumali sa volleyball dahil hindi naman ako marunong, pero dahil sa grades, sasali ako.

Nakaangkala siya habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. May mga students na nagtitinda naman iba’t-ibang pagkain at drinks, kasali rin iyon sa grades nila. Sa ibang subject iyon at hindi sa MAPEH nakalagay. Mas gusto ko pang magtinda na lang din, pero walang gano’n ang section namin. Puro sa sports lang kami this year.

“Bottled water and sandwich po,” sabi ko sa babaeng nag-aasikaso sa cafeteria.

Gumaya lang din si Nihannah sa order ko. Malamig ang bottled water kaya mas lalo akong nauhaw. Mahaba pa ang oras namin kaya nagpasya kaming maglibot sa mga booth na may mga tindang pagkain din. Susubukan namin kung masasarap ba ang mga tinda nila.

“May free taste?” si Nihannah.

Nasa senior kaming tent ngayon. Ang mga lalaki ay nag-aasaran dahil nandito si Nihannah. Inis na inis naman ang ibang mga kasamahang babae at sinasaway nito ang mga kaklase.

“Meron, Nihannah. Kuha ka,” ani ng isang lalaki at nilahad sa harapan namin ang isang maliit na plate na may lamang pagkain na tinda nila.

Kumuha si Nihannah at tinikman niya naman iyon. Gusto ko rin sana pero baka para kay Nihannah lang  iyon. Ayaw kong pati mga senior high ay may masabi sa akin.

Bumaling si Nihannah at tinapat sa akin ang isang slice ng pagkain na kinuha niya sa plato. Nahihiya man ay hinayaan ko na lang din siyang isubo iyon sa akin. May chocolate at peanut na kasama. Parang brownies pero iba ng timpla nito.

“Ang sarap!” puri ni Nihannah sa pagkain.

Tumango ako. Masarap naman talaga pero nakakaumay kung maraming makakain. Sobrang tamis din kasi.

Bumili si Nihannah ng dalawang piraso. Ten pesos ang isa, maliit lang ang slice no’n. Tig isa kami ro’n. Naghanap na naman kami ng iba pang pwedeng mabilhan. May nagtitinda ng shake kaya iyon ay sinubukan din namin. Mango shake iyon at bente pesos ang isang maliit na cup.

Nang maikot namin halos ang buong gym ay nagpasya na kaming magpahinga na muna saglit. Malapit na magstart ang laro. Kailangan nakakondisyon ang katawan namin. Mahirap maglaro ng busog. Hindi naman sobrang dami ng nakain namin pero syempre mas mainam na ring sigurado. Kaya nandito kami ngayon sa bench para magpahinga.

Abala si Nihannah sa phone niya. Picture siya nang picture. Lumapit siya sa akin at tinutok ang camera sa aming dalawa. Inayos ko ang salamin ko at ngumiti sa harap ng camera. Ilang pose pa ang ginawa namin ni Nihannah hanggang sa nagsawa na rin naman siya.

Magsisimula na ang laro. Mauuna ang mga senior kaya manonood na muna kami sa kanila. Hindi ako pwedeng magsuot ng salamin kapag kami na ang maglalaro. Malabo ang mata ko pero kaya ko naman sigurong maglaro mamaya kahit walang suot na salamin.

“Ang lalakas babayo nung mga senior. Parang ang sakit no’n sa kamay,” ani Nihannah.

Nakatuon ang buong atensyon ko sa panonood sa naglalaro. Medyo matagal pa ang hihintayin namin bago kami maglaro. Baka nga mamayang hapon pa kami makapaglaro o bukas na. Maraming ganap ngayong araw.

Ochinaide (The New Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon