10

7 3 0
                                    

Sa tagal ng biyahe ay hindi naman ako nakatulog dahil sa rami ng iniisip. Nakarating na kami sa bahay ni lola. Nakaramdam lang ako ng gutom nang makita ko ang mga pagkaing nakahanda sa lamesa. Ilang oras din kami sa biyahe at wala akong kinain man lang o ininom. Ngayon ako babawi.

“Magandang hapon, lola,” bati ko.

Nakaupo na siya sa hapag at may iniinom na kape. Nagmano ako sa kaniya matapos bumati. Nakangiti naman siya sa akin at nakatitig. Ang itim na itim niyang mga mata ay parang may gustong sabihin.

“Kumain na kayo. Ang tagal din ng naging biyahe ninyo,” ani lola.

Hindi na ako nag-aksaya pa nga ng oras. Naupo na ako at kumuha na ng pagkain dahil gutom na ako. Nanginginig pa ang kamay ko dahil sa gutom.

“Ngayon nakaramdam ng gutom, hindi ’yan kumain buong biyahe,” ani Daddy.

Narinig ko pa ang bahagyang tawa ni Lola. Hinayaan ko na silang mag-usap ni Daddy tungkol sa business at sa iba pang bagay. Abala ako sa pagkain. Ang sarap talagang kumain lalo na kapag nanginginig na sa gutom. Ilang putahe ang nakahain ngayon. Pinaghandaan talaga ni Lola ang pagdating namin ni Daddy.

“Kumusta ka naman, apo?” tanong ni Lola sa akin.

Busog na busog ako. Naparami ang kain ko kaya kinailangan ko pang alisin ang butones ng shorts na suot ko para makahinga ako ng maayos. Nandito pa rin kami sa hapag, may desserts pa kasi.

“Okay naman po, lola. I forgot the book you give to me.”

Ngumiti siya sa akin at parang lumaki pa ang itim ng mata niya. Hindi ko sigurado kung totoo ba ang nakita ko o sadyang namalik mata lang ako.

“Ayos lang, apo. Mag-enjoy ka na lang dito. Marami naman akong libro na pwede mong basahin,” aniya.

Nang matapos kaming kumain ay inabala ko ang sarili ko sa paglibot dito sa bahay ni lola. Pinayagan naman niya ako. Wala naman daw masyadong nabago rito, tulad lang din noong huling bakasyon ko rito. Inuna kong tingnan ang library niya. Gano’n pa rin nga iyon, marami pa rin ang mga libro niya at nakasalansan ng maayos sa lalagyan.

Binasa ko ang mga title. Gusto kong magbasa kaya hahanap ako ng tingin ko ay magugustuhan ko. Wala naman akong ibang gagawin. Ayaw ko namang sa phone magbabad. Nagkakausap kami ni Nihannah sa chat, pero ayaw kong magbabad sa phone kaya magpapaalam din ako sa kaniya mamaya na magbabasa muna ako. Hahanap lang muna ako ng librong babasahin ko.

Halos isang oras yata akong naghahanap ng librong kukuha sa atensyon ko. May mga nakalagay naman sa bawat shelf kung anong mga genre iyon at kung mga novel ba. Nasa romance shelf ako ngayon. May napili naman na ako, sa wakas. Kinuha ko na iyon at lumabas na ako ng library.

Naabutan ko si Lola at si Daddy na magkausap sa sala. Dumiretso naman ako sa kusina at nandoon ang dalawang kasambahay na naglilinis ngayon. Tipid akong ngumiti sa kanila.

“Mag-iced coffee po sana ako,” sabi ko sa kanila.

Agad namang lumapit sa akin ang hindi katandaan na babae. Siguro ay nasa forty plus pa lang ang edad nito.

“Ako na ang magtitimpla,” aniya.

Ngumiti ako at umiling. “Ako na po. Ituro na lang po ninyo sa akin kung nasaan ang kape, asukal, at milk,” sambit ko naman.

Agad naman siyang kumilos para kunin nga ang mga kailangan ko. Ako na ang kumuha sa kutsara at baso na gagamitin ko. May ice naman sa ref ni Lola, nakita ko kanina ’yon kaya nga naisipan kong mag-iced coffee ngayon.

Mas masarap magbasa habang nagkakape. Sa garden ako tatambay para mas maaliwalas ang view. Presko naman din ang hangin doon.

“Solemn, I gotta go. Naghihintay na ang mommy mo sa bahay,” ani Daddy.

Ochinaide (The New Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon