Araw-araw ay nasanay na akong tumulong kay lola sa ibang gawain niya. Iyon lang din kasi ang pinagkakaabalahan ko. Nagbabasa ako ng libro, kapag nakakatapos ay pinapalipas ko muna ng ilang araw bago ako muling magbasa ng panibago.
“Jogging lang po ako, lola,” paalam ko sa kaniya.
Abala naman siya sa pag-aayos ng mga libro niya sa library. Umagang-umaga ay iyon ang naharap niyang gawin.
“Sige, apo. Mag-ingat ka.”
Inilagay ko ang airpods sa tainga ko at lumabas na ako ng bahay. Ala sais pa lang ng umaga, medyo malamig pa ang simoy ng hangin. Naisipan kong magjogging dahil wala na akong ibang gagawin ngayong umaga. Para na rin makalibot ako kahit papaano.
Ang ganda ng tanawin dahil sa rami ng puno at may bundok pa. Pasikat na ang araw. Medyo natatabunan pa kasi iyon kanina ng mga ulap. Mabagal ang pagtakbo ko dahil in-e-enjoy ko pa ang view sa bawat dinadaanan ko. Isali pa ang magandang tugtog ngayon na naririnig ko. Nakashuffle pa naman ang spotify ko, gusto kong makadiscover ng iba pang magagandang kanta.
Natigil lang ako nang tumawag si Nihannah. Nakarami naman ako ng ikot kahit papaano. Pabalik na dapat ako ngayon pero dahil sa tawag ni Nihannah, naisipan kong tumigil muna sa bench na nakita ko at nagpahinga ako ro’n.
“Oh?” sagot ko sa tawag niya.
[“Kailan ka babalik sa Manila?”] tanong niya.
Hinihingal pa ako dahil sa naging takbo ko. May dala naman akong tumbler at pamunas ng pawis ko. Kaya nga ngayon ay nagpapahinga ako habang nagpupunas ng pawis at kausap si Nihannah.
“Pagkatapos ng bakasyon. Why? Miss na miss mo na ba ako?” pang-aasar ko pa.
[“Duh! Malamang! Gusto ko nang gumala kasama ka. Ang tagal ng bakasyon.”]
Halos isang buwan na lang nga at matatapos na ang bakasyon. Parang ayaw ko pang pumasok. Iniisip ko pa lang na makikita ko na naman sila Dom ay nawawalan na ako ng gana. Hindi pa rin lilipat ang mga iyon.
“Maghintay ka, sis. Malapit naman na magpasukan. Sabay tayong mag-enroll,” ani ko.
Nang makapagpahinga ay nagpasya na akong maglakad na lang pauwi. Kausap ko pa rin si Nihannah. Nagkukwento siya sa mga ginagawa niya at pinupuntahan araw-araw. Ako naman ay gano’n din. Nagkwento rin ako sa kaniya.
Pagkarating sa bahay ay nagpaalam na ako kay Nihannah. Mag-aalmusal pa kasi ako at mag-aasikaso ng sarili. Kaya naman pumayag din si Nihannah na mamaya na lang kami ulit mag-usap kapag hindi na kami busy parehas.
“La, kumain ka na?” tanong ko.
Nasa library pa rin siya at hindi pa tapos mag-ayos ng mga libro niya. Balak niya yatang magbawas ng mga libro kaya inaayos niya ang mga ito.
“Hindi pa, apo. Marami pa akong inaayos,” sagot niya naman.
Lumapit ako para tingnan ang mga librong inaalis niya. Mga librong pwedeng gamitin ng mga studyante kung may mga kailangang i-research ang mga ito. Ang ibang libro naman ay mga kwento ang laman.
“Magbibihis lang po ako at tutulungan ko kayo rito,” sabi ko.
Nakaleggings at sports bra lang kasi ako. Tamang kasuotan sa pagjogging. Mabilis akong pumunta sa kwarto ko para magpalit ng damit. Mamaya ako maliligo kapag tapos na kaming mag-ayos ni Lola sa library niya.
Pagkalabas ko naman ng kwarto ay naabutan ko rin si lola na papunta sa dining. Doon na rin ako nagpunta.
“Magbreakfast muna tayo, apo. Nagugutom na rin kasi ako,” aniya.
BINABASA MO ANG
Ochinaide (The New Version)
Fantasía©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: August 9, 2023 Ended: October 21, 2023 Fictional Characters doesn't exist. From the word itself; fictional. Fiction. Hindi makatotohanan at pawang kathang isip lamang. Namulat si Solemn sa mundo kung saan la...