Natapos ang klase namin pero wala pa rin si Ryo. Nag-aalala ako. Gusto ko siyang puntahan sa kanila. Baka kasi umuwi na pala siya? Ano bang nangyari sa kaniya?
“Uwi na ba tayo o gagala?” tanong ni Nihannah.
Isa pa ’tong babaeng ’to. Nakita niya rin na may kung anong umilaw sa dibdib ni Ryo. Hindi man lang ba siya nagtataka o nag-aalala? Kaibigan niya rin naman si Ryo.
“Sa tingin mo nasaan si Ryo ngayon?” tanong ko sa kaniya.
Palabas na kami ng room. Nakaangkala pa rin naman sa akin si Nihannah. Pero ang mukha ay nanatiling walang emosyon. Parang ang lalim ng iniisip.
“Hindi ko alam. Baka umuwi na,” sagot niya naman.
Hindi ko napigilan ang malalim na hiningang napakawalan ko. Nag-aalala ako para kay Ryo. Gusto kong makasigurong ayos lang siya.
“Bukas na lang tayo gumala. May pupuntahan lang ako,” ani Nihannah.
Kanina pa siya parang seryoso at malalim ang iniisip. Ano naman kaya ang problema niya?
Hindi niya na ako hinintay pang makasagot. Kumalas sa akin at mabilis nang tumakbo palayo. Hindi ko alam kung bakit at anong dahilan. Pero baka emergency lang kaya siguro nagmamadali siya.
Umuwi na lang ako na puno ng pag-aalala para kay Ryo at pagtataka sa naging kilos ni Nihannah. Halos hindi rin ako makapagfocus sa pagbabasa para sa advance study dahil ang isip ko ay naglalakbay sa dalawa kong kaibigan.
Maaga akong pumasok, nagbakasakali na nandito na sa room si Nihannah o kahit si Ryo. Nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko si Ryo sa tabi ng upuan ko. Nagbabasa yata siya. Agad akong lumapit.
“Ryo! Kumusta pakiramdam mo?” tanong ko.
Bumaling naman siya sa akin at tipid na ngumiti. Sinara niya ang librong binabasa at tinuon sa akin ang buong atensyon.
“Okay na ako. Nag-alala ka ba?” tanong niya, bakas ang pang-aasar.
Medyo nailayo ko ang mukha ko dahil sa lapit niya sa akin. Iniwas ko rin ang tingin ko sa kaniya pero pansin ko pa rin ang ngisi niya.
“Oo naman! Kaibigan kita, normal lang namang mag-alala ako,” sagot ko naman sa mahinang paraan.
He chuckles.
“Yeah? Hanggang kaibigan lang ako?” mapang-asar niya pa ring tanong sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko pero hindi ako bumaling sa kaniya. Pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko ngayon at nakikita niya iyon.
“Sakit naman kung hanggang kaibigan lang ako,” dagdag niya.
Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Pinalobo ko ang pisngi ko galing sa hangin na nasinghap ko. Marahan ko iyong pinakawalan at sinikap na tumingin sa kaniya.
“Ikaw nga parang kapatid lang ang tingin sa akin,” nakangusong sambit ko.
Para na naman kaming may sariling mundo. Nakatitig siya sa akin habang ako naman ay hindi mapakali ang tingin, Kabado sa titig niya, kaba na hindi dahil sa takot, kundi dahil sa ibang pakiramdam na hindi ko pa sigurado sa sarili ko kung ano iyon.
Pero kagaya ng sabi ni Nihannah, baka gusto ko na nga si Ryo. O, baka higit pa nga ro’n ang nararamdaman ko para sa kaniya?
“Bawiin ko na ba ang sinabi kong iyon? Babawiin mo rin ba ang sinabi mo kanina lang?” tanong niya.
Muli ay naiwas ko ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko talaga matagalang tingnan ang itim na itim niyang mga mata. Mahaba ang pilik-mata at makapal ang mga kilay. Sobrang gwapo niya sa puntong iisipin kong hindi siya totoo. Na para siyang mga karakter sa mga librong nabasa ko. Ganito ang naiisip ko sa mga deskripsyon sa mga karakter na nabasa ko.
BINABASA MO ANG
Ochinaide (The New Version)
Fantasy©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: August 9, 2023 Ended: October 21, 2023 Fictional Characters doesn't exist. From the word itself; fictional. Fiction. Hindi makatotohanan at pawang kathang isip lamang. Namulat si Solemn sa mundo kung saan la...