01

22 7 8
                                    

Umaga pa lang ay halos gusto ko nang umuwi. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa room ay may nagbuhos na agad sa akin ng tubig. Malalakas na tawanan ang narinig ko matapos no’n.

Basang-basa ang mukha ko. Halos wala akong makita dahil pati ang salamin ko ay lumabo dahil nabasa rin iyon. Pumapatak pa ang tubig na nagmumula sa buhok ko. Ramdam ko ang mainit na likido na tumulo sa pisngi ko. Naiiyak ako sa nararanasan ko.

“Umiiyak si Solibro. Lagot kayo!” sigaw ng isa kong kaklase.

Pinagtawanan lang nila ako. Tahimik akong pumunta sa upuan ko. Pinunasan ko ang sarili ko nang makaupo na ako. Inuna kong punasan ang salamin ko dahil hindi ako makakita nang maayos. Saka ko isinunod na punasan ang braso ko. Basa na ang panyo ko, hindi na nito kayang punasan pa ang sa uniform ko.

“Solibro, gawin mo nga ang assignment ko. Kapag hindi mo ’to ginawa, lagot ka sa akin!” si Mica.

Si Mica ay kaklase ko simula pa noong grade four kami. Grade six na kami ngayon. Palagi niyang inaasa sa akin lahat ng mga kailangang gawin. Projects, assignments, at activities. Pati sa exam, nagagawa kong gumawa ng kodigo para ibigay iyon sa kaniya.

Mali. Alam kong mali iyon pero wala akong magawa. Palagi akong binabantaan ni Mica na guguluhin niya ako at ipagkakalat na baliw ako o kaya naman ay magsusumbong sa mga teachers ng mga bagay na hindi naman makatotohanan.

“Mica, madali lang namang sagutan ito. Ikaw na lang ang gumawa,” sabi ko.

Hinampas niya ang table ko. Nang tingnan ko siya ay galit na agad ang itsura niya. Sa loob loob ko ay gusto ko nang patulan si Mica.

“Kapag sinabi kong sagutan mo, sagutan mo. Huwag ka na lang magreklamo, Solibro. Tandaan mong mas mayaman kami sa inyo. Kaya kitang patalsikin sa school na ’to,” banta niya.

Umayos siya ng tayo at nakangising iniwan ako. Napabuga na lang ako ng hangin mula sa bibig ko. Kumuha ako ng ballpen at sinumulan na ngang sagutan ang assignment na dapat si Mica ang gagawa.

Ganito palagi ang buhay ko sa loob ng paaralan na ’to. Palagi akong ginagawang taga-sagot ng mga assignments. Hindi ko magawang magreklamo dahil bukod sa hindi naman ako pinapansin ng mga teachers, mas malakas ang kapit ng mga kaklase kong mas mayaman kaysa sa amin.

“Oh? Solemn, anong nangyari sa ’yo?” tanong ni Manang.

Sinalubong niya ako nang makauwi ako galing sa school. Nakita niyang marumi ang uniform ko.

“Naglinis po kami sa school kanina,” sagot ko na lang.

Pero ang totoo, tinulak ako nila Mica kasama ng mga alagad niya. Nadumihan ang uniform ko dahil nasubsob ako sa hallway nang itulak niya ako kanina.

Akala ko nga matiwasay akong makakauwi kanina, pero hindi pala. Talagang palaging may mangyayaring pambubully sa akin sila Mica. Idagdag pa na imbes na tulungan ako ng ibang studyante, pinagtawanan pa nila ako. Nasasanay na ako sa ganitong klase ng buhay ko.

“Nasaan po sila Mommy?” tanong ko.

“Nasa opisina ng Daddy mo. Nandito rin ang lola mo ngayon, pumunta ka roon at nang makita ka niya, saglit lang iyon dito,” sagot ni Manang.

Hindi na ako nag-abala pang magbihis muna. Dumiretso na ako sa office ni Daddy kung saan nandoon nga raw sila kasama si Lola. Kumatok ako ng tatlong beses saka ko binuksan ang pinto. Napatingin sa gawi ko silang tatlo.

“Solemn, why are you here?” si Daddy.

I wave my hand. “Good afternoon,” I greeted them.

Ochinaide (The New Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon