Tulala ako sa isang naligaw na aso rito sa tambayan namin ni Ryo. Wala siya, absent siya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman kami nagkakausap sa cellphone dahil hindi ko hinihingi ang number niya. Ngayon lang naman siya um-absent.
Basang-basa pa ang uniform ko. Tinapunan ako kanina nila Mica ng isang timbang tubig sa banyo. Pinagtulungan na naman nila ako. Alam nilang hindi ako magsusumbong kaya malakas ang mga loob nila. At napansin ko ring nagawa na naman nila akong i-bully dahil wala si Ryo ngayong araw.
"Bakit kaya siya absent?" tanong ko habang nakatitig pa rin sa aso.
Ilang minuto pa akong nanatili sa tambayan namin ni Ryo. Umalis na ako nang tingin ko ay wala ng masyadong studyante. Ayaw kong makipagsabayan ng uwi kanina dahil baka hanggang sa paglabas ay pagtulungan ako nila Mica.
Tahimik lang ako nang sumakay sa kotse. Hindi naman din ako kinausap ni Kuya Manong. Nang makauwi ay sinabihan ko naman sila Manang na hindi ako magmemeryenda. Dinahilan ko na lang na gagawa akong assignment kahit na wala naman talaga. Wala lang akong ganang lumabas ng kwarto ngayon.
Inabala ko lang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Nagbasa muna ako ng mga pwedeng aralin sa mga susunod na araw. Para magkaroon ako ng idea sa lesson namin. Matapos no'n ay binasa ko na ang novel na madalas kong basahin nitong mga nakaraang araw. Ilang libro na ang nabasa ko. Nagbabasa rin ako ng manga sa online o iba pang story. Pero ang Ochinaide na bigay ni Lola ay hindi ko pa rin nakikita.
Saan na kaya iyon napunta? Ilang buwan ko nang hindi nahahanap iyon. Bakit naman biglang nawala kasi? Hindi kaya naitago na ni Manang sa storage room at nakalimutan niya lang banggitin sa akin?
"Sol, may naghahanap sa 'yo!" malakas na sabi ni Manang mula sa labas ng kwarto ko.
Taka naman akong tumayo sa kama at lumapit sa pinto para buksan iyon. Bumungad sa akin si Manang na nagpupunas pa ng kamay. Mukhang naghugas siya ng mga kasangkapan. Bakit hindi na lang ang ibang kasama niya ang inutusan niya para sabihan ako?
"Sino raw, manang?" tanong ko.
Hindi maayos ang suot ko ngayon. I mean, nakaloose shirt lang ako at pambahay na shorts. Sabog pa nga ang buhok ko dahil sa pagkakahiga ko kanina.
"Ryo raw ang pangalan, hija. Nasa sala siya. Pinapasok ko na dahil mainit pa sa labas kahit na hapon naman na," sagot ni Manang.
Agad nanlaki ang mga mata ko. Nandito si Ryo?! Anong ginagawa niya rito? Bakit niya alam ang address namin? Wait, magpapalit pa ba ako ng suot? Baka naman saglit lang siya? Hayaan na lang sigurong ganito? Nakakahiyang paghintayin ko pa siya.
"Sige, Manang. Thanks!"
Agad akong bumaba. Inaayos ko ang buhok ko habang pababa ako ng hagdan. Nakita ko agad si Ryo na nakaupo sa sofa at may box na maliit na hawak. Nang maramdaman niya ako ay agad siyang nag-angat ng tingin.
Medyo gulat ako sa presensya niya pero agad din naman akong umayos. Nang tuluyang makalapit sa kaniya ay tipid ko siyang nginitian. Paano niya kaya nalaman kung saan ako nakatira?
“Hi! Pinagtanong ko pa kung anong address ninyo. Hindi ako nakapasok sa school kanina,” sabi niya.
Bakit naman niya pinagtanong pa? Pwede namang sa akin na lang niya mismo iyon itanong, may social media naman yata siya.
“Bakit ka nga ba nagpunta rito?” tanong ko sa kaniya.
Naupo ako sa sofa kung saan siya nakaupo kanina. May kaunting agwat lang sa pagitan namin. Naupo na rin siya nang makitang maayos na akong nakaupo.
BINABASA MO ANG
Ochinaide (The New Version)
Fantasy©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: August 9, 2023 Ended: October 21, 2023 Fictional Characters doesn't exist. From the word itself; fictional. Fiction. Hindi makatotohanan at pawang kathang isip lamang. Namulat si Solemn sa mundo kung saan la...