EPILOGUE

4 2 0
                                    

JOSAIAH RYO’s POV:

(POV of the guy in the book. I’ll write the other POV of Josaiah Ryo soon. Maybe when I publish this story as a book? Kidding!)

“Ginawa ko ang librong ito at hinaluan ko ng mahika. Kapag dumating ang oras na banggitin ng apo ko na maging totoo ka, lalabas ka mula rito sa libro,” sabi ng matanda.

No’ng una ay naguguluhan pa ako sa nangyayari. Pero nang sabihin niya iyon, nasagot lahat ng tanong sa isip ko. Kaya pala mag-isa lang ako at hindi normal ang nasa paligid ko. May parteng nasa isang bahay ako. May parte ring blanko lang ang paligid ko.

Ilang taon din na gano’n ang sitwasyon ko. Buhay ako pero nasa loob ako ng libro. Nakikita ko ang nasa labas. Nakikita ko kung gaano kaganda ang paligid sa labas ng libro sa tuwing nakabukas ito.

“Lola, hindi ba ako pwedeng lumabas dito kahit wala pa ang apo ninyo?” tanong ko.

Bagot na bagot na ako rito. Wala akong ginagawa kundi ang matulog o maupo lang. Kapag nakabukas ang libro ay saka lang naiiba ang gawain ko minsan.

“Pwede naman,” sagot niya sa akin.

Nagliwanag ang sarili ko matapos niyang sabihin iyon. Sa isang iglap ay nasa tabi na ako ni Lola. Hindi pa ako makapaniwala na nakalabas nga ako sa libro. Ganito pala ang pakiramdam, naghalo ang mangha at saya sa akin.

Puno ng libro ang paligid. Sinubukan kong hawakan ang mga iyon. Nagagawa kong hawakan. Nakalabas na nga talaga ako sa libro.

“Muli kang babalik sa oras na mapunta na sa apo ko ang libro kung saan ka naninirahan. Kailangan mo siyang protektahan sa takdang panahon. Ngunit...hindi ka maaaring mahulog sa kaniya.”

Napatingin ako sa kaniya. Siya ang gumawa sa akin. Siya ang dahilan kung bakit ako nabuhay. Siya lang din ang may kakayahang bawiin ito.

Hindi ko kilala ang apo niya pero sisiguraduhin kong hindi ako mahuhulog dito. Gusto kong mamuhay ng normal. Kailangan ko lang protektahan ang babaeng iyon, at ang kapalit no’n ay ang buhay ko rito sa labas ng libro.

“Hindi ko gagawin iyon, lola. Hindi ako mahuhulog sa kaniya.”

Tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Kapag may mga kailangan si Lola ay ako ang tumutulong sa kaniya. Mag-isa lang siyang naninirahan dito. Kapag namamalengke rin siya ay ako ang kasama niya madalas. Nakilala na nga ako ng mga taga roon. Halos araw-araw rin kasi kaming lumalabas ni Lola.

Naging masaya ang buhay ko rito kumpara sa loob ng libro. Marami akong nakakasalamuha. Marami akong nakikitang magagandang paligid. Pero pansamantala lang pala iyon. Nakabalik na naman ako sa libro dahil dumating na ang apo ni Lola. Nagbakasyon siya sa bahay ni Lola.

Sa likod ng makapal niyang salamin, makikita pa rin ang maamo niyang mukha. Ilang taon na ba siya? Masyadong bata ang itsura. Hindi ganito ang tipo ko sa babae. Sigurado akong hindi ako magkakagusto sa kaniya.

Naghintay pa ako sa loob ng libro. Ang tagal. Gusto ko na ulit makalabas. Gusto ko nang maranasan ulit ang normal na buhay.  Lumilipas ang mga araw na wala akong ginawa kundi tumitig lang sa blankong paligid. Madilim. Wala akong kasama. Ayaw ko na rito.

“Magsisimula na, Josh. Makakalabas ka na ulit,” rinig kong sabi ni Lola.

Boses niya lang ang naririnig ko ngayon. Nasa loob pa rin ako ng libro. Nakasara ito kaya madilim na naman ang nakikita ko mula sa labas. Hindi pa binubuksan ni Solemn ang libro. Hindi pa ulit siya nagbabasa rito.

“Kailan, lola?” bakas ang tuwa sa tanong ko.

Gusto ko nang lumabas. Gusto ko na ulit ang normal na buhay. Kung pwede lang ngang hilingin ko na ngayon kay Lola na makalabas ako ay ginawa ko na. Pero may hinihintay pa kami mula sa apo niya, iyon ang magiging paraan para makalabas ako.

Ochinaide (The New Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon