19

4 3 0
                                    

Nagrereview ako ngayon dahil bukas ay may exam kami. I’m tired because of what we did earlier. Ang dami naming ginawa sa mall, nag-enjoy naman ako at napagod din. Kahit si Nihannah ay nagrereklamo na sobra din siyang napagod. Ginawa pa raw namin siyang third wheel.

Abala ako sa pagbabasa ng notes ko nang tumunog naman ang phone ko. Video chat from Ryo. Bago ko sagutin ay inayos ko pa muna ang buhok ko.

“Hello!” bati ko sa kaniya.

He’s lying down on his bed. Yakap niya ang unan niyang kulay puti. Nilagay ko ang phone ko sa phone stand para mas makita niya ako ng maayos. Nagbabasa pa rin ako at paminsan-minsang tumitingin sa kaniya.

“Nagbabasa ka?” tanong niya.

I nod. “Yes. Nagrereview lang. Ikaw ba nakapagreview na?” tanong ko naman din.

Tumango naman din siya. Binalik ko ang tingin ko sa binabasa. Hindi naman na umimik si Ryo. Hindi ko nga alam kung bakit pa siya tumawag kung wala naman din kaming pag-uusapan.

“Magreview ka lang diyan. Hindi kita guguluhin, huwag mo lang patayin ang call,” aniya.

Gano’n nga ang ginawa ko. Nakakapagreview naman ako kahit na nakatitig lang siya sa akin. Minsan ay kinakausap ko naman siya kapag nagsusulat naman ako ng mga important notes sa binabasa ko.

“You look sleepy,” mahinang sabi ko nang mapansin kong parang napipikit na siya.

Sinikap niyang dumilat ng maayos. “Sasamahan kitang magreview. Magfocus ka lang diyan, I am watching you,” aniya.

Naiiling na lang ako at tinatago ang ngiti sa pamamagitan ng pagnguso. Halata namang inaantok na siya pero pinipilit niya pa ring dumilat talaga. Pwede naman na siyang matulog. Anong oras na rin kasi.

Natuon ang atensyon ko sa pagbabasa at halos kalahating oras din yata akong nakatuon doon. Nakalimutan kong may kausap nga pala ako o may nanonood sa akin. Nang tingnan ko si Ryo ay mahimbing na siyang natutulog habang yakap ang unan niya, ilang oras na ring umabot ang video call namin. Hindi niya pala pinatay iyon.

Nagliligpit na ako ng mga gamit ko ngayon. Nanatiling nakabukas pa rin ang phone namin. Nang matapos akong mag-ayos ay nagpasya na rin akong mahiga na. Hindi ko pa rin pinapatay ang tawag.

“Good night, Ryo. See you tomorrow,” mahinang sambit ko bago patayin ang tawag.

Binaba ko ang phone sa side table ko at nagpasya na akong matulog. Masyado akong napagod sa pagrereview kanina. Medyo sumakit na rin ang ulo ko kaya kailangan na rin talagang ipahinga ’to.

Maaga akong pumasok, mas maaga kaysa sa nakasanayan kong pasok. Magrereview kasi ulit ako. Habang wala pang klase ay magbabasa muna ako. Naabutan ako ni Nihannah na nagrereview. Tumabi siya sa akin at bahagya akong sinundot sa tagiliran.

“Are you happy?” tanong niya sa akin.

Nakakunot naman ang noo ko na tumango sa kaniya. Bakit naman bigla niyang natanong iyon?

Ngumiti siya sa akin. “That’s good. Enjoy mo lang ’yan. Masaya akong masaya ka,” dagdag niya pa.

Hindi ko siya maintindihan. Bakit biglaan naman yata ang mga ganitong sinasabi niya?

“Anong meron?” takang tanong ko na.

Umiling siya at humilig sa balikat ko. “Wala naman. Gusto ko lang maging masaya ka.”

Weird.

Ilang minuto lang ay si Ryo naman ang dumating. Umalis si Nihannah sa tabi ko dahil pwesto iyon ni Ryo. Agad namang naupo si Ryo at siya naman ang humilig sa akin.

Ochinaide (The New Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon